Cassandra's POV Matapos ang eksenang iyon namin ni Matt, nag-dinner kami sa isang restaurant bago niya ako hinatid sa bahay. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya na nasa bahay nakatira si Raphael dahil panigurado, magagalit siya. The car came to a halt dahil andito na kami sa tapat ng bahay ko. "So, goodnight?" nakangiting sambit niya sakin. Ngumiti rin ako pabalik. "Good night Matt." and then he was about to lean in for a kiss pero agad ko siyang pinigilan. "Not now. Not yet. Bye, Matt." tsaka ko binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok na sa loob ng gate. Naabutan ko si yaya. "Oh, hija. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nag-aalala si Raphael sa iyo. Hindi pa nga iyon kumain kasi sabay raw kayo. Alam mo bang pinagluto ka niya? Nagpaturo pa siya sakin. Nako, ang bait na bata." masayang t

