Night’s POV It’s a Friday night and Villaine is nowhere to be found. Ngayon sana ang isa sa main events niya para lumaban ulit pero hindi siya sumulpot at hindi rin nag-text kung ba’t ‘di siya makapunta. I am a bit worried kahit gaano pa man kalakas iyon makipaglaban. “Dude, if you’re worried sick, ba’t di mo nalang kasi tawagan? Para kang tanga kung makatingin sa cellphone mo kada segundo,” pagsasalita ni Stan sa tabi ko habang katabi ang flavor of the night niya. “Paka pagkamalan akong clingy.” “Walang malisya sa kanya ‘yon kasi hindi naman kayo magsyota.” Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang ang loko. Minsan kahit magkapatid kami at siya na lang ang bukod tanging pamilya ko, ang sarap niya pa ring bugbugin. Bago pa man ako makaisip ng ganti kay Stan, saktong tumunog ang

