Chapter 3

978 Words
ARTISTA   Brix Stanlley Point of View   Maaga akong gumising para sa usapan namin ni Ms. Taray nakakatawa lang dahil hangang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya.   "Saan punta mo orb?" Pag tatanong ni Train. Gising na pala to.   "Scuba diving" Maikli kong sagot.   "Kasama mo si Serenity?"   Napalingon ako dito.   "Serenity?" Naguguluhan kong tanong.   "Yung babaeng kasama mo. Wag mong sabihing hindi mo yun kilala?" Kahit inaantok pa ito ay napabangon siya at tinignan ako ng nakakunot ang noo.   "Una na ako orb" Nag nod ito.   "Saang planeta kaya yun nakatira at hindi kilala ang isang Serenity Guson?" Bulong nito sa sarili niya pero naririnig ko parin naman.   Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas sa kwarto namin.   Pag baba ko sa lobby ay naabutan kong nandun na si Taray at may ilang nag papapicture pa sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ngumiti ito ng makita na ako.   "Tara na?" Pag tatanong ko.   Nag nod ito at sumunod sa akin palabas ng hotel.   Parehas kaming naka suot ng salamin. Naka white shirt lang ito at naka black short.   May mga kasabay kaming mag scuba diving kaya naman sa iisang yacht kami.   Hinubad niya ang shirt niyang suot kaya naka bra ito.   "Ma'am sir picturan ko po kayo?" Pag tatanong ni manong.   "Sige po"   Umupo kami gilid ng yacht at tumabi naman sa akin si taray.   Pinatong pa nito ang kaliwang kamay niya sa binti ko.   "Isa Dalawa Tatlo" Pag bibilang ni manong saka nag flash ang hawak nitong camera.   "Isa pa po gamit naman ang cellphone ko" Inabot ko ang cellphone ko kay manong.   Ilang shot ang kinuha sa amin bago binalik sa akin ang cellphone.   "Sir pwede bang paki picturan kami ni Ms. Serenity?" Kahit naguguluhan man ay inabot ko parin ang camera niya at pinicturan sila ni taray.   Sabay kaming sumisid. Hindi ko binibitawan ang kamay niya. Nakakatuwang panoorin ang mga isdang sumasalubong sa amin.   Ilang oras lang ang nag tagal ng bumalik na kami sa hotel.   Suot narin niya ulit ang shirt na kaninang hinubad niya.   "Let's eat" Mukhang nag iimprove si Ms. Taray ah siya na unang nag aaya.   Umakyat muna kami sa kanya kanya naming cabin para maligo. Wala na sila Jared pag akyat ko sa kwarto. Madali akong kumilos at sakto naabutan ko si miss taray sa elevator. "Dalawang araw na tayong mag kasama pero hindi ko parin alam ang pangalan mo"   "d**k" Singhal nito. Great natawa na naman ako ng marinig ang tawag nito sa akin.   Humarap ako dito at nilahad ang kamay ko.   "Brix Stanlley Lynch but you can call me Brix or Stan"   "Or d**k"   Natatawa talaga ako pag naririnig ang tawag nito sa akin.   Nilapit niya rin ang kamay niya sa kamay ko para makipag handshake.   "Serenity Guson or you can call me Sere"   Serenity Guson? Parang narinig ko na ang pangalan niya somewhere.   "Or taray" Pang gagaya ko sa kanya.   She rolled her eyes dahilan para mas lalo akong matawa.   *Ting* Naka alalay ako sa kanya palabas ng elevator.   Pag dating namin sa restaurant ay nakita ko ang tropa na kumakain. Kaya naman dun ko inaya si Sere para mapakilala siya. Ayaw niya pang pumayag pero sa huli ay wala din siyang nagawa.   "Si Brix" Napatingin din sa akin ang iba ng tinuro ako ni Zhoey.   Lumapit kami sa kanila.   "Si—" Hindi pa ako tapos ipakilala si Sere ng tumayo sila Zhoey para pumunta kay Sere.   "Ang ganda mo po sa personal" Kilig na kilig na sabi ni Chloe. "Pa picture pwede?"   "Sure" Pag payag ni Sere.   Yung totoo sino siya?   Tumabi sa akin si Train.   "Hindi mo talaga siya kilala?" Napalingon ako dito.   "Hindi talaga orb" Sagot ko. Sino ba kasi siya? Model ba? Artista? Vlogger? Ano?   "Nanonood ka naman siguro ng tv?" Pag tatanong pa ni Carl. Nakalapit na pala ito sa amin.   "Tingin mo sa akin?" Inis kong tanong dahil lumalabas na galing akong ibang planeta. Nakalapit narin si Jared.   "Si Serenity Guson yan orb hindi mo talaga kilala? Akala ko kahapon kilala mo siya kaya mag kasama kayo" Mukhang kahit si Jared ay nag tataka rin.   Nag papicture ang tatlo kay Sere pati narin si Mhylez ay hindi mapigilang mag papicture. Mas lalo akong naguguluhan.   "Pa picture muna kami orb chance narin namin to dahil baka imposibleng makita siya ulit" Sabi ni Carl sabay alis para mag papicture kay Sere.   "She's a model, a vlogger and a famous celebrity. Kaya nakakapag tatakang hindi mo siya kilala" Sabi ng katabi kong si Jared.   "Sikat siya kahit sa ibang bansa dahil kinukuha din siyang model sa ibang bansa. Halos may 4 Million naman siyang subscriber sa youtube" Sabat naman ni Train.   Gulat kong tinignan si Sere at tinaas nito ang kilay niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya.   Dinaluhan siya nila Chloe paupo. Nag order rin ulit si Klein ng panibago para sa amin. Tumabi ako kay Sere at bumulong dito.   "Hindi mo nasabing sikat ka pala"   "You didn't ask" Kibit balikat nitong sagot.   Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto namin para iayos ang gamit ko dahil mamaya lang ay uuwi na kami pabalik ng manila.   Pag baba naming apat sa lobby ay naabutan ko si Sere. Lumapit ito sa akin at may inabot na maliit na box.   "For saying thank you. I enjoyed" Naka ngiti na ito hindi kumpara kahapon na naka taray ng naka taray.   "Nag enjoy din ako. Salamat dito kahit hindi na kailangan" Nahihiya kong sabi.   Orb artista yung kaharap ko ngayon lang nag sisink in sa utak ko.   "Until we meet again d**k" Nilahad nito ang kamay niya. Inabot ko ito para makipag shakehand. Nginitian ko ito saka nilapit siya sa akin para mayakap.   Alam kong tatarayan ako nito agad at sasabihang feeling close pero nagulat ako nito ng niyakap niya ako pabalik.   "Until we meet again Ms. Taray"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD