Chapter 4

898 Words
PANYO   Brix Stanlley Point of View   "Orb nasa bar yung babaeng mahal mo" Napabalikwas ako ng kilos at maayos na umupo sa kama.   Nasa kahimbingan na ako ng tulog tapos may mang iistorbo awit!   "Anong ginagawa dyan?"   "Malamang umiinom" Sarcastic na sagot ni Carl.   "Bobo! Ang ibig kong sabihin bakit siya nandiyan?"   "Bobo mo orb ayusin mo kasi tanong mo" Rinig na rinig ang malakas na tugtog at maya maya pa ay humina na. Lumabas siguro ang gago. "Para uminom ano ba ginagawa sa bar? Alangan namang mag kape siya dito. Ang sagwa naman nun"   "Ang ayos mo kausap" Inis kong sabi.   "Gago di ka lang maayos mag tanong. Sunduin mo na dahil lasing na lasing na si jowa mo ay sa panaginip mo lang pala yun hahaha" Kung kaharap ko lang tong gagong to kanina ko pa to nabatukan. Lakas mang asar amp!   "Nasaan ba kayo?" Pag babaliwala ko sa pang aasar niya.   "Nasa bar nga" Mukhang siya pa ang naiinis. "Sa La'Troperz Bar dalian mo at iuuwi ko na si Bree"   Hindi na ako sumagot sa kanya at pinatay na lang ang tawag. Nag palit lang ako ng damit at agad na kinuha ang susi.   Buti na lang at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa bar.   Pumasok ako sa bar na pag mamay ari naming tropa. Kaya nga  La'Troperz— Bar naming lahat. Mahigit dalawang taon narin ang bar na pinatayo namin.   May ilang branch narin kaming napatayo sa ibang bahagi ng metro manila.   Sa Quezon City itong bar namin ang pinakakilala sa lahat. Si Klein talaga ang nag pasimuno nito sa una lokohan lang hangang sa sineryoso ng lahat. Kahit mga nag aaral pa kami ay may negosyo na agad kaming pinapatakbo. Kaya naman walang problema sa amin ang mga magulang namin.   May kasalukuyan kaming pinapatayo. La'Troperz Restaurànt. Kung anong hilig ng tropa yun ang pinapatayo namin. Si Chloe ang may gusto ng restaurant tutal siya naman ang chef ng tropa.   Balak talaga namin pitong branch ipatayo pero sa kasamaang palad mukhang magiging anim na lang iyon.   Napawi ang ngiti ko ng muli kong maalala ang nangyari, wala pang isang linggo ang nakakaraan ng may mawala sa tropa namin.   Awit iniwan kami. Sabi sabay sabay naming papalaguin yung bar pero may nang iwan. Paano na yung balak niyang mag patayo ng sariling Book Store? Drawing na lang at kahit kailan hindi na makukulayan.   Pero hindi dahil kapag nakapag tapos kaming lahat ng pag aaral ay tutuparin parin namin ang pangarap niya. Ang makapag patayo ng sariling Book store.   May mga ilang staff ang bumati sa akin at tinuro ang pwesto nila Carl.   Pag dating ko duon ay wala naman sila Zhoey kaya naman malakas kong binatukan si Carl.   "Gago nasaan na si Zhoey?"   "Tagal mo bobo! Naunahan ka tuloy ni Jared mag hatid" Kahit nakainom na ito ay mukha parin naman siyang matino. "Si Chloe hinatid na ni Train, aalis na nga din sana ako kaya lang naalala ko pinapunta kita dito"   Kumuha ako ng isang beer ay binuksan. Napapikit ako ng malasahan ang pait. Parang yung love life ko lang ang pait.   "Bakit kasi hindi ka sumama? Alam mo ng nag aya si Zhoey uminom"   Nag chat nga pala si Zhoey sa gc na uminom daw kami pero pinili kong hindi sumama dahil mas lalo lang akong masasaktan kung nakikita ko siyang umiiyak.   "Si Jared tuloy ang nag comfort sa bebe mo" Pang aasar nito saka uminom ng beer.   "Si Bree?" Pag iiba ko ng usapan.   "Umuwi na, sumabay kila Chloe dahil sabi ko aantayin kita rito"   Natahimik kaming dalawa at panay inom lang.   "How is she?" Hindi ko mapigilang mag tanong.   "Egul orb lasing ka na ba? Umi- english ka bigla" Nag tawag ito ng waiter para umorder ng pulutan. Nang matapos siyang umorder saka lang sinagot ang tanong ko. "Iyak ng iyak kahit nga si Bree umiiyak din. Hindi naman natin sila masisisi bestfriend nila ang nawala. Tropa natin kaya nga kahit ako nasasaktan ako sa pagkawala ni Klein pero kailangan maging matapang kasi sa atin lang humuhugot ng lakas ang mga girls natin"   "Tang ina nawalan tayo ng isa egul nang iwan si Klein" Kahit nakaka bakla man ay hindi ko mapigilang mapaluha. Ilang araw ko ng pinipigilang umiyak dahil ayokong makita ng mga kaibigan kong pati ako nanghihina.   Si Klein talaga ang dahilan kung bakit kami nabuo kaya malaking kawalan ang pag kawala niya. Para kaming nawalan ng isang parte sa katawan, yung tipong mahihirapan kaming bumangon kasi wala na yung isa.   "Cr lang ako orb" Nag nod ako dito.   Nakatingin lang ako sa kawalan ng may panyo na humarang sa mukha ko.   Nag tataka kong tinignan ang may ari ng panyo.   "Ms. Taray" Gulat kong biglas.   "Here. You naman ang may need ng panyo" Sabay abot sa kamay ko ng panyo. "Don't let sadness abuse you, chair up" Ngumiti muna ito bago umalis.   Natawa ako ng maalala ang unang pag kikita namin. Gantong ganto din yun, umiiyak siya at inabutan ko ng panyo pero ngayon ako na yung umiiyak at siya naman ang mag bigay ng panyo sa akin.   Chair up   Yan din ang sinabi ko sa kanya na dapat ay cheer up. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa saglit na pag papakita ni Sere.   Akala ko hindi ko na siya makikita pa pero mukhang kami yata ang napiling pag laruan ni tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD