Chapter 5

724 Words
  THE DEAL   Brix Stanlley Point of View   "Para sa magandang future" Carl said.   "For the better life" Segunda ni Chloe at tinaas din ang basong hawak.   "For Klein"   "For Ms. Sungit na Makulit"   "For all of us"   "For Troperz"   "Cheers" Sabay sabay naming sabi sabay inom ng alak.   After ilang years finally nakapag tapos na kami lahat. Na late lang ang mga girls namin pero ngayon lahat kami nakatapos na.   Si Zhoey at Chloe ang nag tapos ngayong araw kaya naman nandito kami ulit sa La'Troperz  Bar para icelebrate ang pagtatapos nila.   "I miss Klein" Hindi mapigilang ani ni Jared. Mga may tama na kasi kaya hindi na alam ang sinasabi.   Tumingin ako sa gawi ko na agad kong ding iniwas. Hindi parin kasi nag babago yung feelings ni Zhoey para sa bestfriend ko —si Jared.  Punong puno ng kalungkutan at sakit ang mga mata niya. Kung pwede lang akuin matagal ko ng ginawa.   'I fall inlove with a person who can't love me back' Natawa ako sa iniisip ko.   Why she can't love me back?  Is it that hard to love me back?   I like her from the moment I laid my eyes on her. I know she already stole my heart.   I tried. I confess my feelings to her when I have the guts. But she rejected me, and said. "I'm s-sorry, but I don't like you."   I accepted the truth. I know from the very start na talo na ako. Hindi pa nag uumpisa talo na agad ako. I love her so f*****g darn much pero mahal niya ang bestfriend ko na si Jared.   Nakakatawa lang dahil ako yung laging nandyan sa kanya pero never niyang nakita kung gaano ko siya kamahal. Laging si Jared ang bukang bibig niya.   "Gising na orb! tanggapin mo na lang ang katotohanan na SHE. WILL. NEVER. BE. YOURS." Dinidiian pa nito train ang salitang she will never be yours.   Alam ko naman yun pero masama bang umasa?   Kinuha ko ang basong nilagyan ni carl ng alak at ininom ng diretso.   Lasing na si Jared at nag prisinta siyang siya na ang mag hahatid. Hinayaan na lang namin dahil hindi naman siya lasing dahil hindi naman niya iniinom ang alak na para sa kanya.   Fcxk her plan.   Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa. Parang umiikot na yung paningin ko at nag stay ang larawan nila na naka alalay si Zhoey kay Jared hangang makalabas ng bar.     fuck! Nasapo ko ang noo ko pag gising. Kumuha ako ng gamot sa table at agad na ininom. Sino na naman kaya ang nag hatid sa akin kagabi? Ganun ba ako kalasing para hindi maalala kung paano ako nakauwi.   *Knock knock*   "Bukas yan" Sigaw ko.   Hiniga ko ulit ang sarili ko sa kama dahil nahihilo parin ako.   "Sir Stan pinapababa na po kayo ng daddy niyo may pag uusapan daw kayo" Lumingon ako kay manang Remie at nag thumb ups bilang pag sagot.   Pagkalabas niya ng kwarto niya ay tumayo na ako para pumasok sa cr.   Nag tagal ako ng ilang minuto sa shower bago tapusin ang pagliligo ko.   Naabutan ko pag baba si daddy sa breakfast table. May binabasa itong kung ano man na baka tungkol lang sa kumpanya habang umiinom ng kape.   I greeted him first bago ako umupo.   "What's up dad may pag uusapan daw tayo" Pag tatanong ko habang nag lalagay ng bacon at spam sa pinggan ko.   "Eat your breakfast first then we will talk" Sinunod ko na lang ang sinabi ni dad. Nauna siyang umalis para siguro pumunta sa office room.   Nang tapos na ako kumain ay kumatok muna ako bago pumasok sa opisina niya.   "Dad"   May inabot siya sa akin brown envelope. Nag tataka akong tumingin sa kanya pero sabi niya ay buksan ko daw ang envelope.   Inisa isa ko ang picture at mas lalong kumunot ang noo ko.   "She's Serenity Guson. She's a famous celebrity and model" Pag papaliwanag ni daddy sa hawak ko.   Puro larawan nga ito ni Ms. Taray pero ano naman gagawin ko dito?   "Anong gagawin ko sa mga to dad? Nag tatakang tanong ko.   "Ikaw ang inatasan ko para maging bago niyang bodyguard"   "What? Are you serious dad?"   Ako magiging body guard ni Ms. Taray? Hindi naman sa ayaw ko pero.   "I'm dead serious son. I want you to protect her at all cost"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD