Nanatiling nakaupo sa sulok si Krystal habang binabasa ang nilalaman ng diary ni Joy, ang ate niya. Walang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata habang unti unting sumisiwalat sa kanya ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap ng ate niya sa kanya noon, makapagtapos lamang siya ng pag-aaral niya. Sobrang nagi-guilty siya sa lahat ng sakripisyo nito para sa kanya. Kung paano nagsimula na naging kabit siya ni Henry, hanggang sa pag-alis nito papuntang maynila upang tuluyang ibahay ng matanda.. Halos magtangis ang mga bagang niya ng malaman mula sa sulat ng ate niya ang katotohanan sa pagkakamatay ng kanilang mga magulang. Bilang pagpipigil sa sarili, dahan-dahan niyang isinara ang notebook at binitawan ito, gusto niyang magwala! Huminga siya ng malalim. Pigilan niya man ang mga m

