Mabilis na nabuksan ni Christof ang bakal na pintuan. Papadilim na ng mga oras na 'yon. Kalmado siyang lumabas mula doon at hinarangan ang pintuan ng may kalakihang bato para hindi ito kusang sumara. Ang mga mata niya ay nagmamanman sa paligid. Kailangan niyang siguraduhin na ligtas ang buong paligid bago dumating sina Krystal at Joy. Nagtungo siya hanggang labasan at palihim na sinilip ang mga body guard ni Henry na nagbabantay sa gilid ng Bar. Kailangan niyang lagpasan ang mga ito kaya naman naglakad siya ng normal. Yumukod naman ang mga ito sa kanya ng makita siya. Ginantihan niya ng tango ang mga ito bago dumeretso sa parking lot. Inilabas niya ang kotse mula doon at ipinark hindi kalayuan sa eskinita. Sapat lang para hindi matanaw ng mga guard ni Henry na nagbabantay. Muli siyang bu

