Hindi makapaniwala sina Christof at Adolf sa nalamang katotohanan mula kay Krystal. Hindi rin nagawang ikubli ni Christof ang katotohanang kilala niya ng personal si Joy at matalik itong kaibigan ng nawawala din niyang fiancé. Ang lungkot na nararamdaman ni Krystal ay nadagdagan pa dahil sa narinig mula kay Christof, hindi na pala malaya ang lalaking pinaglalaanan niya ng espesyal na damdamin. Sa bandang huli, isinantabi ulit ni Krystal ang pansariling damdamin. Ang importante ngayon ay mailigtas niya ang kanyang ate. Agad na nag-isip ng plano ang tatlo lalo pa nga at nakaplanong ibenta ulit ni Henry ang katawan ni Joy bukas sa ibang lalaki. Sa ideyang iyon muling napaluha si Krystal. Pigil na pigil ng dalaga ang sarili na puntahan ang ate niya at ipagtapat dito ang totoo, yakapin ito n

