Nagulat si Krystal sa mga narinig mula kay Christof, nagugulo ang isip niya dahil sa mainit init na hininga nitong gumagapang sa kanyang leeg, idagdag pa ang init ng katawan ng binata habang nakadikit sa kanya.. "A-anong ibig mong s-sabihin?" Kinakabahang tanong ni Krystal. Hindi niya alam kung saan iyon nagmumula, kung sa pagkakalapit ba ng mukha at katawan nila ni Christof o sa sinabi nito tungkol sa katauhan niya... "Alam ko na peperahan mo lang si Henry! Akala mo ba hindi ko kilala ang mga gaya mo? Kunwari ay aayaw ayaw pero sa katagalan, magiging kapit-linta at hihingi ng kung anu-anong materyal na bagay at pera!" Galit na sambit ng binata. Pakiramdam ni Krystal ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. Ang kakaibang kaba na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng galit. Agad na umig

