Isang batang palaboy ang batang si Henry. Hindi niya nakayanan ang pagmamalupit ng kanyang ama kaya naman naisipan niyang lumayas na lang. Mula probinsya, sumabit siya sa jeep na magdadala ng mga gulay sa manila. Sa idad na labintatlo ay lansangan na ang itinuring niyang tahanan. Namamalimos sa mga simbahan ng quiapo at paradahan ng jeep, minsan ay nagkakargador din sa palengke para lang makakain. Isang gabi, isang magara at kulay puting kotse ang himinto sa tapat niya habang namamalimos sa tapat ng simbahan. Isang may edad na babae ang sakay no'n. Nakangiti itong tumingin sa kanya, sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at inabutan ng 100 piso. Nanlaki ang mga mata ni Henry sa natanggap, todo pasasalamat siya sa babae. Sa loob ng isang linggo, tatlong beses itong nagpabalik balik

