"How much are you willing to pay for Krystal?" Deretsahang tanong ni Henry kay Jeffrey matapos na makalabas sina Christof at Krystal. Nakipagtitigan naman si Jeffrey sa matanda bago sumagot, "Name your price," anang binata. Hindi naman siya ang magbabayad no'n kung hindi si Ryza na nag-uutos sa kanya. Hindi rin lingid kay Jeffrey ang mga gawain ni Ryza. Siguradong kay Henry niya din kukunin ang ibabayad niya para sirain si Krystal sa pamamagitan ng pagtabi sa matanda ng ilang gabi. Si Ryza kasi ang pinakapaborito nitong inilalabas mula sa sarili nitong Bar. Napangisi si Jeffrey sa iniisip. Sadyang napaka-tuso talaga ni Ryza! "I like that," saad ni Henry habang nangingiti. "Mukhang kikita ako ng husto kay Krystal." Ang ngiti ni Henry kanina ay naging tawa na... Gusto niya pa sanang pa

