"Thank you for eating baby. "
Iyan ang wikang na sabi niya sa akin matapos niya akong gulat na hinalikan at kinuha ang plato sa akin.
Hindi naman ako nito ginulo hanggang sa mag gabi at makatulog ako nang wala siya sa tabi ko.
Sa kalagitnaan ng gabi nagising ako dahil sa pananakit ng tiyan ko.
Parang may kung anong sisiw doon.
Para akong binabarang na hindi talaga ma intindihan kaya ako napa bangon.
Nang maimulat ko ang mata ko nahulog ako sa kamalayang nasatabi ko ito at may munting hilik na pinapakawalan.
I hate him for making me feel collywobble.
Napatayo ako at napa sugod sa Cr.
Agad kong binuksan ang gripo sa sink at nag hilamos.
Parang niyugyog ang buong katawan ko.
Nahihilo ako ng hindi ko ma intindihan.
Agad kong hinagilap ang medicine box para mag hanap ng gamot ngunit iba ang tumambad sa akin.
Isang supot.
Kinakabahan akong tinitigan ito naparang hindi ko alam ang gagawin.
'Bakit meroon siya nito? '
Hindi ko alam.
Sa isang banda nag isip pa ako ng ibang dahilan. Hinalungkat ko iyon ngunit wala akong makitang ibang gamot maliban sa ilang Antiseptic, gauze, at universal antidote kit.
Wala man lang gamot para sa sakit ng tiyan o acid.
Nag hanap ako sa drawer sa taas noon sa pag titiwalang may gamot doon ngunit bigo ako. Lahat ng sanitary napkins at shavers lang ang nakita ko.
Naibalik ko ang aking atensyon sa supot na iyon nang bigla akong kinabahan batapos kong mapag tanto ang nakita ko kung ano ang laman ng Drawer.
Napa singhap ako at napa luha.
Ang luhang napalitan ng sakit, takot at hikbi.
Hindi ko gusto ang takbo ng isip ko.
Lalung lalu na hindi ko gustong gamitin ang nakita ko sa medicine box.
NANGINGINIG ang katawan ko habang nag hihintay ng maaring kinahihinatnan ng pag gamit ko ng nasa supot na iyon.
Halos hindi ko kayang tignan ang linyang gumuguhit doon dahil bawat hibla noon ang sakit na babalot sa pagkatao ko.
Sakit na pipigis sa puso ko at kailan man ay hindi ko ma tatakasan.
Sakit ng maling disesyon ko sa buhay.
Resulta ng karupukan ko at kahibangan niya.
Naitapin ko iyon matapos kong malaman at matanto ang katotohanan.
Isa, dalawa... tatlo?
Hindi ko na ma alala kung ilang oras ako nanatili sa banyo habang umiiyak.
Sa huli wala akong nagawa kundi bumalik sa higaan ko at pangarapin PANAGINIP lang lahat ng ito.
Ano ba ang nagawa ko?
Bakit ako pa?
Bakit ngayon pa?
Hindi ko matanggap...
"TULALA ka naman baby. Ano'ng problema?"
Sa ganoong sitwasyon niya ako nakita habang naka tingin sa malayo at malawak na karagatan dito sa Veranda.
Hinarap ko siya.
Galit at puot.
"I uwi mo na ako sa City Zamora. Ano pa ba ang gusto mo? Na sa iyo na ang lahat diba? "
Buong hinanakit na akusa ko sa kanya.
Umiling iling ito at halata sa kanya ang pait ng isinasagot nito sa akin.
"Hindi lahat Baby. I don't fully have you."
Hindi ko napigilan ang galit ko nang tumayo at nag lakad palapit sa kanya. Nang malapit na ako walang pag alinlangang pina tikim ko sa kanya ang halik ng aking palad.
"I hate you. I LOATHE YOU ZAMORA!"
Hindi ko kaya ang kagaguhan niya. Ang pag sasamantala niya.
Hindi ko akalaing ganito pala kasama ang pagkatao niya. Pinag sisisihan ko noon ang mga I love yous na sinabi ko.
Siya ngang bata, tanga na inosente pa sa buhay.
Ni hindi ko manlang nakilala ang buong pagkatao niya.
Pinigilan niya ang mga kamay ko sa kakasampal at palo sa dibdib niya.
Isang hawak lang ang nagawa niya sa akin at nasaktan na ako.
Malaking tao siya.
"Alam kong galit ka sa akin Baby. I'm sorry if you have to learn life's lesson the hard way.
Kung inaakala mo na bibitaw ako sa kasal natin, sorry. Hindi ko gagawin iyon. Magalit ka wala akong pake alam. Ang sa akin ay sa akin. Hindi ka pa nasisilang sa mundo Baby akin ka na. Naiintindihan mo?"
Pinilit kong kalasin ang mga kamay ko ngunit hindi ko nagawa dahil sa higpit ng kamay na pumipigil dito.
Nakita ko ang pag tagis ng bangang niya at masakit akong minata.
"Akin ka lang tangina!" Kasabay noon ang pag bitiw niya at pag alis sa harapan ko. Nagulat nalang ako nang marinig ko ang pag lagabog ng pinto dahil sa pag suntok nito at umalis na.
Na paiyak ako ng napaiyak.
Nitakap ko ang sarili ko dahil sa maling disisyon na nagawa ko.
Ang mga sinabi niya ay ngayon ko palang inuunti unting intindihin...pinipilit na intindihin.
Hindi ako umalis doon hanggang sa mag dapit hapon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kakaiyak ko hanggang sa isang mainit na tela ang bumalot sa katawan ko.
Sa sobrang sakit ng mata ko hindi ko na kayang harapin pa siya ngayon.
"Tama na. Mahamog na. Hali ka na at mag hapunan na tayo." Saad nito sa akin na parang walang nang yari.
Kung sa isang ka terbang tanga ako manhid naman siya.
Well blend diba?
"Sorry na baby. Nagalit ako. Kumain na tayo ng hapunan. Bukas babalik tayo ng City kung iyan ang nais mo."
Napatingin ako sa kanya dahil doon.
Napa maang ako.
Nakangiti ang pangit na pag mumukha niya sa akin.
Wala akong nagawa nang marinig kong kumakalam na ang sikmura ko.
"SA LAPAG KA MATULOG."
Galit kong utos sa kanya noong pumasok kami sa silid para matulog.
Kung away niya pwes sa lapag ako.
Ewan ko ba at buti naman sumunod lang siya ng walang pasabing kinuha ang unan at kumot.
Tahimik akong nakatulog ng gabing iyon sa kwartong ito sa unang pag kakataon...
Napamanang ako sa sarili ko habang tahimik na nag dasal.
'Panginoon, hindi ako isang mabuting bata sa magulang ko. Mali ang mga disesyong nagawa ko. Tulungan mo po sa na akong maliwanagan dahil sa sitwasyon ko lalung lalo na po sa pag sasama namin. Tulungan ninyo po akong huwag sumuko lalung lalo na sa panahon ngayong HINDI NA AKO NAG IISA sa sitwasyong kina sasadlakan ko.'
Umagos ulit ang luha ko ng masagana habang napayakap ako sa aking puson...
Nakagawa nanaman ang Zamora'ng iyon ng paraan upang maitali ako sa kanya habang buhay.