Chapter 18

1263 Words
Hindi naging mabuti ang kalagayan ko sa bawat araw na lumilipas.    Tahimik ang buong bahay.  Hindi ko rin alam kung para saan itonv susi na ibinigay niya at parang pendant ng kentas.  Ang gulo niya. Wala si Zamora.  Nasa Davao may Convention ang mga kilalang business man.    Nandirito ako ngayon kausap ang isang kaibigan ng kuya ko tungkol sa i pa-File kong Annulment.    "Misis. Alam nyo naman po na baka matatagalan ang proseso nito ngunit ukol po sa mga ngaging statement ninyong hindi pag kakaunawaan at layo ng agwat ng idad may iba pa po ba tayong maaring e habla? Halimbawa, may karelasyon po ba ang awasa ninyo? iyon bang mas ma bigat."  Napa iling ako.    Oo hindi ko nilahad lahat lay Atty. Cruz ang lahat sa hindi ma lamang pag dahilan.    Pag sinabi ko kase lahat nandidiri ako sa sarili ko at hindi ko matanggap iyon.    "Sige po. Gagawan natin ng paraan ito. Sapat nanaman itong grounds ngunit kung saka sakaling may malaman kayo sabihan nyo po ako. Mauna na po ako."  Nakipag daupang palad ako sa Abogado at nag paalam na ito sa akin.    matapos naming mag usap nilubos lubos ko ang pag kakataong maka pag patingin sa espesyalista sa aking kalagayan.    Pumunta ako sa isang Specialist Hospital.   Iyon bang halos lahat ng clase ng dalubhaSa nasa iisang building ng hospital.    Lumapit ako sa information para malaman ang room ni Dra. Delio.  Ni research ko talaga ang doktora na iyon dahil ayo kong mag tanong.    Ayo kong malaman nila ang kalagayan ko.    Nang maka pasok na ako sa loob at na kausap ang doktora...   "Would you like to have a look now o gusto ninyong kasama si Mister misis?  Reresetahan ko po kayo ng mga bitamina. Laging ninyong tandaan na ang unang trimester ng pag dadalangtao ay napaka halaga kaya iwasan ang stress at kung may nais kayo makakabuting masunod o makuha ito. "   Buong ngiting saad ng doktora sa akin.    Oo tama ang nabasa ninyo. Nag dadalangtao ako.  Nalaman ko iyon nang makita ko sa drawer na walang bawas ang sanitary napkin ko. Ginamit ko rin ang nakita kong Pregnancy test sa Medicine kit.  Ang pinag tataka ko eh kung bakit meroon noon si Cliff.   Nawagsi ang iniisip ko at hinarap ang doktora.    "Doc, ngayon nalang po. Wala ang mister ko at  gusto ko ring malaman ang kalagayan niya. Isa pa po hindi minsan regular ako at matagal na akong hindi nadatnan kaya natatakot na rin ako baka kung anong mangyari sa kanya."   "Okay misis lets do it in there." Masayang tinuro niya ang isang bahagi ng clinic niya.  Naka lagay sa pinto ang katagang Sona Gram Room.   Habang nasa kama ako at nilalagyan niya ng Jelly ang aking puson ramdam ko ang lamig at kabang bumabalot sa akin.    Habang ginagalaw galaw niya iyon pinatingin ako ng doktora sa isang monitor sa harap ko. Nasa ibabaw ng kina hihigaan ko.  Ang ibang monitor ay malapit sa akin ngunit naka talikod ito. Marahil para sana sa kung sino ang kasama ko at ang isa at nasa harapan ng doktora.    "Congratulations misis. Sampong lingo na po ang mga anak ninyo!" Pag babati ng doktora na kina bingi ko.  Napaluha ako habang nakikita sa monitor ang dalawang magka hating space na may maliit na parang gamani ka liit.    "A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" Nanginginig ang boses ko sa tanong na iyon.    "Expect you're having Twins. Mukhang nauna lang si Baby A ng isang araw kay Baby B. Normally nang yayari iyon when you poly oviolate and done series of intercourse.  May iba ding dahilan but in your case mukhang iyon ang nang yari misis."    Namula ako dahil doon.  Wala naman akong sinabi tungkol sa Sexlife namin ng hayok na iyon bakit niya alam?!  Ganito ba talaga ang mga doktor?  Nakakasira ulo siya dahil Tama.  Bakit kase ang talino?   Binigyan ako ng doktor ng tissue upang ilinis na aking puson.    Ibinigay niya rin ang isang kopya sa akin ng pag bubuntis ko gamit ang isang maliit na papel.    Napangiti ako ng mga oras na ito. Kambal.   Lutang akong pumunta sa isang book store upang bumili ng maliit na frame.  Oo gamit ko nanaman ang Hammer ni Zamora.     KUMAIN ako sa isang restaurant mag isa ah hawak ang fram na iyon kung saan naka lagay ang ultrasound results ko nang mahagip ko ang dalawang kumakain sa di kalayuan.    Masaya silang kumakain.  Mukhang nag enjoy ang isa. Hindi ko alam kung ang katabi ng lalaki e babae o tomboy ngunit kung pag mamasdan ang kasama niyang lalaki aliw na aliw ito sa kasama niya.    Nag kakamay sila at paminsan minsan na huhuli ko yung lalaki na nag nanakw tingin sa kasama niya.    How odd.  Inlove ata ang lalaking iyon habang ang kasama niya wlang pake alam sa kanya. Pinag titinginan din ang lalaki ng iba pang mga babae at bakla. Pati ako napaingin sa kanila. Ang gandang lalaki kase niya. Iyong tipong matikas ang pangangatawan at lalaking lalaki talaga. Isa lang ang napansin ko.  Hindi marunong ang lalaking mag kamay at tinuturuan pa ito ng kasama niya.  Minsan sinusubuan ng kasama niya ang lalaki na gustong gusto naman nito.    Napahawak ako sa puson ko.    Happy couple.   Ganyan sana kami ng ama ninyo mga anak kung hindi lang niya ako noon pinag mukhang tanga at ngayon ay sinasakal sa kasal namin.   Napangiting mapait ako sa katotohanan.    Hanggang ngayon pala akala ko naka move on na ako sa nangyaring pag hihiwalay namin ngunit masakit parin pala.    Masakit parin palang aminin sa sarili na dahil sa pagiging tanga at kainusentehan ng pagiging bata ko noon nakipag bunuan ako sa relasyon na higit pa sa pagiging mag asawa ang ginagawa. Nag paka gaga ako sa kamalayang mabibigay ko sa kanya lahat ng kamunduhang nais niya.  Na ako lang.  Subalit tanga at ignorante ako.  Hindi ko inisip na ang isang tulad niya ay mag hahanap at titikim ng ibang puta este PUTAhe.    Hindi ko inisip na magagawa niya iyon sa akin dahil mahal niya ako.  Nawala ako at umikot ang buong buhay ko sa kanya.  Walang kaibigan. Walang kahit ano.  Napatingin ako sa Inasal na manok na nasa harapan ko. Nilagyan ko ito ng mantikilya at kina in.  Masarap.  Nakakagana.  Napangiti nanaman ako.    Para akong inihaw na kinakain ko ngayon.  Nakatusok sa isang kawayan. May parting bahagi na sunog at hindi dapat kainin. Hinahain sa isang menu na kasama ang iba pang uri ng Inasal na manok.  Kagaya nito ibat ibang uri ngunit iisang manok.  Iba't ibang bahagi at nasa harap noon ay mamimili na pipiliin ka na ngunit nag bago pa dahil gustong matikman ang ibang bahagi ng manok maliban sa kadalasang binibili nito.  Pag may pumili sa iyo lalagyan ka ng mantikilya upang lalong sumarap ka.    Malas mo dahil karamihan hindi sa manok nilalagay ang mantikilya kung hindi sa kanin mismo.  Paparesan ka ng sabaw at iisipin ng kumakain sa iyo mabubusog mo siya pero hindi totoo iyon. Iinom pa siya ng soft drinks o juice para maitulak ka niya sa tiyan.    Mapait na katotohan.    UMUWI ako ng bahay na halos nanganamba sa takot.    Takot ng katotohanang may dalawang buhay na nasa loob ko.    'Ano ba ang na gawa ko at bakit nangyari sa akin ito?'   Huli na nang mapag tanto ko lahat.   Napatutop ako sa aking bibig.     Kaya niya ako dinala sa lugar na iyon dahil binalak talaga niya akong buntisin.   Tumakas ang masaganang luha ko sa aking pisngi habang nang lulumong humiga sa kama.   Matatakasan ko man siya sa kasal via Annulment,  hindi ko matatakasan ang pagdadalang tao ko sa anak niya.    Ang unfair mo Zamora... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD