12th Confrontation

1581 Words
BIGAT na bigat na si Lilac kay Tyrus kaya labag man sa kalooban niya, nabitawan na niya ang lalaki na bumagsak naman sa gilid ng kalsada, wala pa ring malay. Maging siya, napaupo sa gilid ng kalsada habang hinahabol ang hininga at binabawi ang kanyang lakas. Nasa ilalim naman sila ng ilaw ng isang lamppost. "Sorry, Tyrus. Break time muna." Nang bigla na lang bumagsak si Tyrus kanina, tinulungan siya ng dalawang security guard ng building na buhatin ang lalaki. Balak pa sanang tumawag ng ambulansiya ng mga ito, pero sinabi niyang lasing lang si Tyrus kaya ito nawalan ng malay. Nagpatulong na lang siyang buhatin ang Bloodkeeper hanggang sa makalabas sila ng compound ng BBS Network para makalayo sa nakita niyang "kalaban." Kung alam lang niyang malayo pa rin ang lalakarin niya para makalabas ng village kung nasaan ang BBS Network, nag-taxi na sana siya. O tricycle. Pero sa parteng 'yon, wala namang dumadaang sasakyan. Nasa'n na ba kasi si Eton? Tumingin si Lilac sa paligid. Madilim na dahil malalim na ang gabi. Bakanteng lote ang nasa paligid kaya siguro tahimik do'n. May mga lamppost pa rin naman, pero mapusyaw ang ilaw at sira pa nga ang ilaw ng dalawang magkatapat na poste. Ilang metro mula sa bloke na kinaroroonan nila, may magkakahilerang bahay na uling madadaanan. Baka may tricycle na rin do'n palabas ng village. "You smell good." Napasinghap si Lilac nang bigla-bigla, nasa harap na niya si Tyrus. Naka-squat ito at nakapatong ang mga kamay sa mga tuhod nito habang nakatitig sa kanya. He actually looked like a child while c*****g his head to one side as if he was busy memorizing the outline of her face. Pero ang mas napansin niya ay ang mga pagbabago sa pisikal na anyo ni Tyrus. Naging mas dark ang shade ng mga mata nito at sa palagay niya, naging kulay dugo ang mga 'yon base sa shade na nakikita niya ngayon. Lumabas na rin ang mahahabang pangil at matatalas na kuko ng lalaki. He looked like he was ready to devour his dinner. Biglang napayakap si Lilac sa sarili nang kilabutan siya. Ang tinging ibinibigay sa kanya ni Tyrus, tingin ng nilalang na gutom at iniisip kung anong klase ng putahe ang gagawin mula sa biktima nito. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. "Tyrus... hindi mo ba ko nakikilala?" Bumaba ang tingin ni Tyrus sa leeg niya. "I don't. But you smell really, really good." Bahagyang bumuka ang bibig nito kaya lumabas ang mahahaba nitong mga pangil. "Can I taste you?" "Bastos ka, ha!" nainsultong sigaw ni Lilac, sabay sipa sa dibdib ni Tyrus. Hindi niya alam kung dahil ba napalakas talaga ang sipa niya o baka nabigla lang si Tyrus, pero nang dumikit ang sapatos niya sa dibdib nito, parang domino na bumagsak ang lalaki. Malakas pa nga ang pagkakabagok nito sa kalsada na nagkaro'n ng lamat. Wow. Gano'n ba kabigat at katigas ang ulo at katawan ng isang Bloodkeeper? Nawala lang do'n ang atensiyon niya nang makitang hindi pa rin gumagalaw si Tyrus. Hindi naman siguro mamamatay ang isang Bloodkeeper dahil lang sa pagkabagok, 'di ba? Pero kinabahan pa rin siya. "Tyrus?" nag-aalalang pagtawag ni Lilac dito. Nang hindi pa rin sumagot ang lalaki, siya na ang lumapit dito. Lumuhod siya sa tabi nito. Napasinghap siya nang makitang wala na naman itong malay at sobrang putla na nito na nakikita na niya ang mga ugat sa guwapo nitong mukha. Maingat na inangat niya ang ulo ni Tyrus at inihiga 'yon sa kandungan niya. Saka niya marahang tinapik ang pisngi nito. "Hey, wake up." Kinakabahan na talaga siya ngayon. Hindi na normal ang pagiging maputla ni Tyrus, pati ang paglabas ng mga ugat sa mukha nito. Napansin din niyang parang natuyo ang mga labi ng lalaki dahil nagkaro'n na ng "biyak" ang mga 'yon. Kung titingnan ito, para itong... unti-unting binabawian ng buhay? Nasa'n ka na ba, Eton? Hindi ko na alam ang gagawin sa kakambal mo! As if on cue, she heard an engine noise. Kasabay niyon ay ang nakakasilaw na ilaw mula sa headlights na tumama sa mukha niya. Nang masanay ang mga mata niya sa liwanag, tiningnan niya ang pinanggagalingan ng ingay at sa pagkatuwa niya, dumating ang kotse na sinakyan nila kanina! Huminto 'yon sa gilid at nang bumukas ang driver's side, nakahinga siya ng maluwag nang makita si Eton. "Eton, nagbabago ang hitsura ni Tyrus," natatarantang pagbabalita ni Lilac dito. Tumango lang si Eton, pagkatapos ay lumuhod ito sa kabilang gilid ni Tyrus. "Damn," bulong nito nang makita ang kalagayan ng kakambal. "He needs blood. Human blood." "Umiinom din ng dugo ang mga half-half?" gulat na tanong ni Lilac. No'ng nasa mansiyon siya, sabay-sabay silang kumakain ng mga Bloodkeeper. Hindi naman dugo ang kinakain o iniinom ng mga ito. "Kailangan namin ng dugo ng tao kapag nauubusan kami ng lakas o kung malaki ang pinsala ng katawan namin. Hindi kami imortal, pero malaking bahagi pa rin namin ang bampira," paliwanag ni Eton, bakas na ang pag-aalala sa mukha. "Dalawampung taon nang hindi umiinom ng dugo ng tao si Tyrus. Dahil do'n, hindi tuluyang gumagaling ang mga pinsalang natamo niya sa mga lumipas na panahon. Naiipon 'yon sa katawan niya. Idagdag pa na no'ng iligtas ka niya sa rooftop, ginamit niya ang kapangyarihan niya." Kumunot ang noo ni Lilac. Nang araw na 'yon, hinabol niya ang Bloodkeeper na hindi nakikita. Pero sinakal siya ng nilalang at hinagis sa mga bampirang may bar code naman sa leeg. Tumama siya no'n sa dingding na mabilis humila sa malay niya. Pero bago siya tuluyang nakatulog, parang naaalala niyang may nakita at naramdaman siyang mainit na apoy. "It wasn't a dream," bulong niya sa sarili, saka niya binigyan ng nagtatanong na tingin si Eton. Naalala rin niya nang ipakita sa kanya ni Tyrus noon ang abilidad ng dugo nito no'ng nasa sementeryo sila. "Nagiging apoy ang dugo ni Tyrus..." Tumango si Eton. "Mula 'yon sa dugong salamangkera na nakuha namin sa aming ina. But using his special ability drains him fast. Pero matigas ang ulo ni Tyrus. Ayaw pa rin niyang uminom ng dugo kahit alam niyang bibigay na ang katawan niya kapag ginutom pa niya ang sarili." "Bakit naman?" Natahimik si Eton. Mukha ring wala itong balak na sagutin ang tanong niya. Kukulitin pa sana ni Lilac si Eton, pero sa pagkagulat niya, may nahagip siyang mga kulay ng pamilyar na dugo sa likuran ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. "Eton, sa likod mo!" Her warning came a little too late. Humagis si Eton sa isa sa mga lamppost. Nayupi ang poste nang tumama ang katawan ng Bloodkeeper do'n at bago pa bumagsak sa kalsada ang lalaki, muli na naman itong humagis sa ere. Nakikita ni Lilac na ang invisible Bloodkeeper ang umaatake kay Eton na sa kabutihang palad naman, nasasangga na ang mga suntok at sipa nang hindi nakikitang kalaban. Sa ngayon ay nakalayo si Eton sa umaatake rito at nakatuntong sa poste na parang pinapakiramdaman kung saan magmumula ang susunod na pag-atake ng kalaban. Pinaningkit naman niya ang mga mata habang hinahanap ang kalaban. Madilim man sa paligid, nakikita pa rin naman niya ang dugo ng invisible Bloodkeeper. "Eton!" sigaw ni Lilac, saka tinuro ang ulunan ng lalaki. "Sa taas mo!" Hindi na niya nakita kung nasangga ba ni Eton ang pag-atake ng kalaban dahil ng segundo ring 'yon, may tatlong naglalakihang Bloodsuckers ang bumagsak mula sa itaas at humarang sa harap niya. Napalunok siya. Ang mga bampirang may barcode sa leeg, itim ang mga mata ng mga ito, sobrang lalaki ng katawan na parang hindi na normal. Naglalaway din ang mga Bloodsucker na para bang gutom na gutom na at handa siyang sakmalin kahit pa sinumpa na ang mga ito. Mamamatay sila kapag ininom nila ang dugo ng isang mortal na gaya ko. Pero masakit pa rin masakmal ng bampira 'no! "Sleep," bulong ni Lilac gamit ang lengguwaheng tinuro sa kanya ng salamangkera noon. Wala 'yong naging epekto sa mga bampira. Bigla siyang napanghinaan ng loob. Dahil ba sa mabababang uri lang ang mga Bloosucker kaya hindi tinablan ng orasyon na para sa malalakas na bampira? Ano nang gagawin ko? Napapikit na lang si Lilac nang kumilos ang mga bampira pasugod sa kanya, nakalabas ang mga pangil. Pero nang marinig niyang umangil ang mga ito na parang nasaktan, nagmulat siya ng mga mata. Napasinghap siya nang makitang may halatang matutulis na icicles na nakabaon sa mga balikat ng mga Bloodsucker. Meron ding hilera ng matutulis na icicle na nakapalibot sa puwesto nila ni Tyrus na para bang pinoprotektahan sila niyon. Nang tumingala siya, nakita niya si Eton na nasa ere pa rin at naghahagis ng "dagger icicles" papunta sa hindi nakikitang kalaban. Ah, so his special ability was ice, huh? Hindi ito ang tamang oras para mag-daydream, Lilac! saway niya sa sarili. Eton can't protect you and himself at the same time. Baka ma-distract siya at masaktan pa ng kalaban! Tumingin si Lilac pababa kay Tyrus na halatang nahihirapan na sa sitwasyon nito. Hindi siya puwedeng dumepende kay Eton na abala sa paglaban sa Bloodkeeper na hindi nakikita. Samantalang hindi naman niya kayang lumaban at protektahan si Tyrus. Isang paraan na lang ang naiisip niya. Hinila niya ang suot niyang kuwintas na dalawa na ang pendant: ang panda at ang silver horn. Hinawakan niya ang sungay at ginamit ang matulis na dulo niyon para hiwahin ang pupulsuhan niya. Nang bumukas ang balat niya at tumulo ang dugo, narinig niya ang pag-angil ng mga bampira pero himbis na sugurin siya, tumalon paatras ang mga ito na parang pinipigilan ang mga sarili na umatake. Himbis na intindihin ang mga Bloodsucker, tinapat niya ang dumudugong pupulsuha niya sa bibig ni Tyrus na bahagyang nakabuka. I'm so sorry for this, Tyrus. Mamaya ko na lang sasaluhin ang galit mo. For now, drink my blood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD