DUGO ng tao.
Nakatulog si Tyrus sa loob ng mahabang panahon matapos siyang malinlang ng isang mortal na inibig at pinagkatiwalaan niya. Nang nagising siya, wala na ang babae pero nanatiling puno ng galit at pait ang dibdib niya. Lalo na para sa lahi ng mga tao, 'yon man ang pinagmulan ng kanyang ina.
Kakaiba ang epekto sa kanya kapag uminom siya ng dugo ng tao, kaya nang nagising siya, nangako siya sa sariling hindi na muli iinom ng dugo. Sa loob ng dalawampung taon, nakayanan niyang tiisin ang uhaw. Kaya naman niyang mabuhay sa normal na pagkain. Nahihirapan lang naman siya kapag nauubos ang lakas niya at nagtatamo siya ng malalang pinsala. Kailangan ng mga Bloodkeeper ng dugo ng tao para sa mabilis na paggaling. Pero dahil sa pangako niya sa sarili, tiniis niya ang kanyang pagkauhaw.
But... what's this?
May kakaibang nalalasahan si Tyrus. Ang likido na gumagapang sa lalamunan niya, matamis at makinis. Hindi niya mapigilan ang sariling sipsipin 'yon ng sipisipin. Gusto pa niya. Habang tumatagal at mas maraming likido ang natitikman niya, naaalala na niya kung ano ang masarap na lasa na 'yon...
Ah. I almost forgot how good human blood tastes.
Human blood?
Biglang nagmulat ng mga mata si Tyrus. Sa pagkagulat niya, sumalubong sa kanya ang magandang mukha ni Lilac. Nakapikit ang babae, nakakunot ang noo, at kagat-kagat ang ibabang labi na para bang nahihirapan ito. Ang mas nakakapagtaka pa, napakaputla na ng balat nito.
He was about to ask her if she was okay but he realized that there was something stuffing his mouth. Nang tumingin siya sa pababa, nagulat na lang siya nang makitang kagat-kagat niya ang pupulsuhan ni Lilac at dugo ng babae ang sinisipsip niya. Hawak pa nga niya ang braso nito na para bang ayaw niya itong pakawalan. Dahil maputla ang mortal, kitang-kita niya ang pasa nito dahil sa pagkakahawak niya rito.
Shit!
Mabilis na tinigilan ni Tyrus ang pagsipsip sa dugo ni Lilac, saka niya binitawan ang babae. Pagkatapos, bumangon siya at gumulong palayo sa mortal. Nang lingunin niya si Lilac, napansin niyang nakayuko ito at nakatukod ang mga kamay sa kalsada, halatang hinang-hina.
Napasobra ang sinipsip niyang dugo kay Lilac!
Pero paano nangyari 'to?
Nang-angat si Lilac ng tingin sa kanya. Sobrang putla ng maganda nitong mukha. Her face became apologetic when she saw him looking at her. "I'm sorry, Tyrus. I had to make you drink my blood because I don't want you to die. Plus..."
Nanlaki ang mga mata ni Tyrus nang bigla-bigla, may dalawang bampira ang bumagsak mula sa itaas. Mabilis na hinawakan ng mga ito si Lilac sa magkabilang-braso, saka walang kaingat-ingat na hinila patayo ang babae na napasinghap sa sakit. Malamang, nabali ang braso ng mortal.
Umangil siya sa galit pero nang tangkain niyang tumayo, may naramdaman siyang bampira sa likuran niya na bigla siyang tinarakan ng patalim sa likod.
"Tyrus!" nag-aalalang sigaw naman ni Lilac na nagpupumiglas mula sa mga bampirang may hawak at pumilit na humihila dito.
Sumigaw si Tyrus hindi dahil sa sakit, kundi para pakawalan ang kanyang kapangyarihan. Kasabay ng pagiging pula ng kanyang mga mata at paglabas ng pangil at mahahabang kuko, ang sumirit na dugo mula sa butas na bahagi ng katawan niya ay naging apoy ayon sa kagustuhan niya.
Narinig niya ang pagsigaw ng bampira sa likuran niya na malamang ay tinupok ng kanyang apoy dahil bigla ring nagliwanag sa paligid niya. His flame came from his witch blood, so he was pretty sure the Bloodsucker had already turned into ashes.
Nang hanapin niya si Lilac, nakita niyang pilit nang sinasakay ang babae sa isang itim na van na hindi niya namalayang dumating pala. Alam niyang seryoso ang sitwasyon, pero hindi niya maiwasang humanga at maaliw sa mortal nang makitang sumisigaw ito at nagsisisipa para mahirapan ang mga bampirang ipasok ito sa sasakyan. Kahit anong sitwasyon talaga, palaban ito.
I know you don't need help, but let me save you.
Sa mabilis na pagkilos, tumakbo si Tyrus papunta kay Lilac. Nang sipain ng babae sa dibdib ang isang bampira na umangil, sinamantala niya ang pagkakataon para i-armlock sa leeg ang distracted na Bloodsucker. In one swift and poweful move, he broke the low class vampire's neck until the Bloodsucker turned into ashes. Only the vampire's clothes fell on the ground.
Halatang nabigla si Lilac sa nangyari. Natauhan lang ito nang bitawan ito ng Bloodsucker na may hawak dito at itulak ito na dahilan kaya nasubsob ito sa kalsada. Nang mga sandali ring 'yon, ang van na malamang ay minamaneho at naglalaman din ng iba pang bampira ay kumaripas na ng takbo.
"Lilac!" nag-aalalang sigaw ni Tyrus.
Sinubukan niyang lapitan si Lilac pero hinarang siya ng malaking Bloodsucker na may lakas pa ng loob na angilan niya at labasan ng mga pangil na para bang sinisindak siya. Mahina at mababang klase lang ito kaya wala itong binatbat sa isang trained Bloodkeeper na gaya niya. Sa mabilis na pagkilos lang, naikutan agad niya ang Bloodsucker na halatang ikinabigla nito.
Nang nasa likod na siya ng malaking bampira, walang sabi-sabing binaon niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib nito. Nang tumagos ang kamay niya sa katawan nito, hawak na niya ang puso ng Bloodsucker. Before the low class vampire could even scream, he already crushed his heart in his hand.
As soon as Tyrus was done dealing with the Bloodsuckers, he ran to Lilac's side. Lumuhod siya sa tabi ng babae at tinulungan itong tumayo. Mukhang nanghihina talaga ito dahil sumandal ito sa kanya na para bang hindi nito kayang dalhin ang sariling bigat. "Are you hurt, Lilac?" nag-alalang tanong niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang damdaming 'yon, pero mahirap na 'yong labanan. "Can you walk?"
Humugot ng malalim na hininga si Lilac at tumingin sa paligid, binabale-wala ang mga tanong niya. "Si Eton..." Tinulak siya ng babae, saka ito may tinuro. "Your brother needs help, Tyrus! Go!"
Hindi nagustuhan ni Tyrus ang pagtulak sa kanya ni Lilac pero mas nangibabaw pa rin ang pag-aalala niya para kay Eton. Nilingon niya ang direksyong tinuro ng mortal. Sa pagkagulat niya, nakita niya si Eton na nakahiga sa kalsada. Sinusubukang tumayo ng kakambal niya pero hindi ito makakilos na para bang may kung sino o kung ano na nakatapak sa katawan nito.
But Eton was snarling as if he was in so much pain.
Ethan!
"Tyrus, burn the Bloodkeeper," utos ni Lilac sa kanya. "Inaapakan niya si Eton at sa tingin ko, may balak siyang saksakin ang kapatid mo! Nakikita ko ang pagdaloy ng dugo sa mga braso niya na nakaangat at parang may hawak na patalim!"
Umangil si Tyrus dala ng pag-aalala para kay Eton at galit para sa kalaban ng kakambal. Pinagkrus niya ang mga braso, saka niya hiniwa ang mga 'yon gamit ang matatalas niyang kuko. Sa sobrang lalim niyon, mabilis na sumirit ang kanyang dugo mula sa mga braso niya.
Inutusan niya ang dugo niya na maging apoy at sunugin ang kung sino mang nilalang na nakatayo sa itaas ni Eton na nakahandusay sa kalsada.
Ang apoy niya, may binalot na kung ano sa itaas ng kanyang kakambal. Kasunod niyon ay narinig ang malakas na ungol na parang may kung anong nasasaktan. Pagkatapos, kumilos ang hindi nakikitang Bloodkeeper na nasusundan na nila ang galaw gamit ang apoy na tumutupok dito.
And then the invisible Bloodkeeper unleashed his powerful Bloodlust. Nakakakilabot ang mabigat nitong intensiyon na pumatay at napakalakas din ng enerhiyang pinakakawalan nito.
Napaluhod si Lilac sa kalsada, hindi kinaya ang malakas na presensiya ng kalaban. "He's strong..."
Si Tyrus naman, pinilit na manatiling nakatayo at hindi umuusad sa kinatatayuan kahit na itinutulak siya ng napakalakas na enerhiya. He summoned his own Bloodlust to create a barrier to protect Lilac.
Damn. Who is this Bloodkeeper?
Dahil sa malakas na Bloodlust ng Bloodkeeper, naapula nito ang apoy na nagmula sa kanyang dugo. It was a feat because in his one hundred twenty five years of existence, only high ranking vampires had succeeded in extinguishing his flame. Not even Eton could stop his fire attacks.
Nanlaki ang mga mata ni Tyrus sa gulat nang unti-unti nang nakita ng kanyang mga mata ang pisikal na anyo ng Bloodkeeper na kanilang kalaban. At pamilyar sa kanya ang mukhang 'yon. "The Korean-looking guy from earlier..."
Humalukipkip ang Bloodkeeper na mukhang Koreano habang nakatuntong ito sa tuktok ng poste at nakatingin pababa sa kanila. Blangko ang tinging ibinibigay nito sa kanila at nang nagsalita, malamig ang boses na ginamit nito. "Greetings, my fellow Bloodkeepers."
Umangil si Tyrus. Kung hindi lang siya nag-aalala na madamay sina Lilac at Eton na parehong nahihirapang kumilos ngayon, sinugod na niya ang Bloodkeeper. "Isa kang Bloodkeeper pero bakit inaatake mo ang mga kauri mo? Sino ka at ano ang kinalaman mo sa pagkamatay ni Marigold Hamilton?"
"Ikaw ba ang pumatay kay Marigold?!" tanong naman ni Lilac na hindi man makatayo, buhay na buhay naman ang matinding galit sa mga mata habang nasama ang tingin sa kalaban.
Hinubad ng Bloodkeeper ang jacket suit nito na nasunog na dahil sa apoy ni Tyrus, saka 'yon basta na lang binitawan. Nakatitig ito kay Lilac. "You are Marigold Hamilton's twin sister, aren't you?"
Mabilis na humarang si Tyrus sa harap ni Lilac. Kung alam ng Bloodkeeper ang tungkol sa koneksyon ng kambal, isa lang ang ibig sabihin niyon. "You're working for Magnus Cadmus Stratton. Isa ka ba sa mga Bloodkeeper na sumumpa ng katapatan sa isang traidor?!"
Tumaas lang ang sulok ng mga labi ng Bloodkeeper, halatang nang-aasar.
Umangil si Tyrus at susugod na sana, pero natigilan siya nang hawakan ni Lilac ang laylayan ng polo niya. Nang lingunin niya ang babae, inalalayan agad niya ito nang makita niya itong tumatayo habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa Bloodkeeper. "What's wrong, Lilac?"
Sumandal si Lilac sa katawan niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalaban. At nakahawak ang babae sa dalawang pendant ng suot nitong kuwintas. "The necklace he's wearing belongs to Marigold..."
Mabilis na nilingon ni Tyrus ang Bloodkeeper. May suot nga itong kuwintas na may pendant na ulo ng kabayong may ginintuang buhok. Halata rin na may espasyon sa ulunan niyon para sa sungay ng unicorn. And that silver horn was in Lilac's possession now. "You traitor of our kind..."
Ngumisi lang ang Bloodkeeper, pagkatapos ay naglabas ito ng patalim mula sa likuran nito. Pero himbis na atakihin sila, inangat nito ang braso at ginamit nito ang punyal para sugatan ang sarili. Malalim 'yon dahil mabilis na dumugo ang braso nito. And while his blood dripped from his cut, his presence and his physical body were quickly disappearing from sight.
He's escaping!
Gusto sana niyang habulin ang traidor na Bloodkeeper pero bigla na lang bumigat ang pagkakasandal ni Lilac sa kanya. Nawalan na ng malay ang babae. At naalala niyang malala rin ang pinsala ni Eton.
Damn.