14th Confrontation

1577 Words
NANG magmulat ng mga mata si Lilac, ang guwapo at nag-aalalang mukha ni Tyrus ang unang sumalubong sa kanya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa Bloodkeeper hanggang sa maalala niya ang lahat ng nangyari. Napasinghap siya at biglang napabangon. Marami sana siyang gustong itanong pero napansin niyang nakabalik na siya sa kuwarto niya sa mansiyon. "Nakatakas siya," nanlulumong realisasyon ni Lilac. Napasandal siya sa headboard dala ng panghihina. "Natakasan niya tayo." Tumangi si Tyrus. Hindi siya sigurado, pero parang sobrang stiff nito habang nakaupo sa stool sa gilid ng kama. Hindi rin ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. "Alam ko kung gaano mo kagustong makompronta ang traidor na Bloodkeeper. I'm sorry I wasn't able to capture him." Marahang umiling si Lilac. "Hindi mo naman kasalanan 'yon. Naiintindihan ko ang nangyari kagabi. Pareho kaming injured ni Eton kaya inuna mo kaming iuwi kaysa habulin ang kalaban, 'di ba?" Muli, tumango lang si Tyrus. Bigla namang nailang si Lilac. Nakakapagtaka kasi ang kakaibang stiffness ni Tyrus ngayon na para bang hindi rin ito komportable sa kanya ngayon. Pero hindi na siguro siya dapat magtaka dahil may kasalanan naman talaga siya sa lalaki. "Tyrus, galit ka ba sa'kin dahil pinilit kitang painumin ng dugo ko?" Tumaas ang kilay ni Tyrus. "Paano mo naman nasabi 'yan?" "Na-mention kasi ni Eton sa'kin na twenty years ka na raw hindi umiinom ng dugo ng tao." Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus at tumingin sa direksyon ng pinto. "I'm gonna kill you later for being a big mouth, Ethan." Napapiksi si Lilac dahil sa pagbabanta sa boses ni Tyrus. "Ethan ba ang totoong pangalan ni Eton?" Humarap uli sa kanya si Tyrus, kalmado na. Saka ito marahang tumango. "Yes. He was born Ethan Albert Rousell." "Bakit siya nagpalit ng pangalan?" "Bloodkeepers usually change names every mission we get," sagot ni Tyrus, pantay pa rin ang boses. "Ilang beses kaming nadedestino sa iba't ibang panig ng mundo kung saan naninirahan kami ng maraming taon. Siyempre, hindi maiiwasang magkaro'n kami ng koneksyon sa mga mortal sa paligid namin. Pero hindi puwedeng malaman ng mga taong nakakakilala sa'min na matagal kaming tumanda, kaya normal lang na nag-iiba kami ng pangalan. Lalo na 'yong mga kabilang sa squad para sa proteksyon ng grupo." "Eh ikaw? Code name mo rin ba ang 'Tyrus?'" Umiling si Tyrus. "Hindi. Nagpapalit ako ng second name at apelyido, pero hindi ang pangalan." Tumango-tango lang si Lilac, saka siya tumikhim at nagpakaseryoso na. "Bakit ayaw mong uminom ng dugo ng tao, Tyrus? Mukhang seryoso ka sa dahilan mo kasi willing kang mamatay sa gutom, eh." Bumuntong-hininga si Tyrus. "Lilac, ipapaliwanag ko muna sa'yo ang hierarchy ng mga bampira sa mundo namin. Nabanggit ko na sa'yo ang aming hari na si Estevan at reynang si Esperanza, hindi ba?" Tumango naman si Lilac, naging sobrang interesado na sa mga sinasabi ni Tyrus. "Sila 'yong nag-utos na pumasok ang mga purong bampira sa Eternal Sleep, 'di ba?" "Correct," tumatango-tangong sagot ni Tyrus. "The king and the queen of the vampire race are the purest among the pure full vampires. They are called 'Rarebloods' because they are almost extinct even before the Eternal Sleep era. Napapanatili nila ang purong dugo ng kanilang lahi dahil karaniwan naman, hindi sila nagpapakasal sa labas ng kanilang angkan. "Ang huling hari't reyna ng lahi ng mga bampira ay magkapatid. Ang kambal na anak nila na sina Prince Estefan at Princess Esmeralda ay nakatakda rin sanang ikasal, pero inabot 'yon ng kautusang habambuhay na pagtulog para sa mga bampira." Napasinghap si Lilac. "i****t ang lahi nila." "Hindi sila tao, Lilac, kaya wala silang ganyang konsepto," paalala sa kanya ni Tyrus sa nananaway na boses. "Anyway, ayon sa kasaysayan ng lahi ng mga bampira, ang mga Rareblood ang lumikha sa susunod na uri sa hierarchy– ang mga Nobleblood. Sila 'yong matatandang bampira na matataas ang posisyon sa lahi ng mga tao noong mortal pa sila, kaya nadala nila ang pagiging maharlika at espesyal no'ng gawin silang bampira ng mga Rareblood. At dahil nakainom noon ng dugo ng mga Rareblood ang mga Nobleblood, nagkaro'n sila ng sobrang lakas na kapangyarihan." Nanlaki ang mga mata ni Lilac nang may maalala siya. "Sinabi mo sa'kin dati na Nobleblood ang daddy mo, 'di ba? Hindi ba sila nagpapakasal lang within their clans, like the Rarebloods?" "Noblebloods usually marry within the family, but not necessarily because they are not as pure as the Rarebloods anyway. Still, hindi pa rin katanggap-tanggap para sa mga bampira kapag nagpakasal ang isang Nobleblood sa ibang lahi, lalo na sa mga mortal." "Bakit naman?" "Dahil ang bunga ng pagmamahalan ng isang bampira at isang mortal o kung anumang lahi ay hindi na magiging puro," sagot ni Tyrus, saka itinuro ang sarili. "Kaming mga Bloodkeeper 'yon." Natigilan si Lilac, pero naintindihan din naman niya. Bilang kalahating tao-kalahating bampira, nasa pagitan ng dalawang lahi ang mga Bloodkeeper. Posibleng katakutan ng mga mortal, at pandirihan naman ng mga bampira dahil sa hindi pagiging puro ng mga ito. That sucks... "Anyway, ang sumunod sa mga Bloodkeeper ay ang mga Vampyre. Ang ganitong uri ay nakainom ng dugo ng mga Rareblood pero hindi dumaan sa tamang proseso ng pagbabago, kaya naging mahinang klaseng bampira sila. Pero ang kagandahan sa uri nila, kontento na sila sa tahimik na buhay. Sila din 'yong mga bampirang gumagawa ng coven at nagtuturingan talaga bilang isang pamilya." Napangiti si Lilac. "I like them." Muli, hindi nagkomento si Tyrus sa sinabi niya. "At ang pinakahuli sa hierarchy ay ang mga Bloodsucker. Sila 'yong uri ng bampira na ginawa lang ng mga Nobleblood para maging private army at alipin. Dahil mabababang uri, bukod sa kawalan ng dangal ay mahihina rin ang kapangyarihan nila. Karamihan sa kanila, nawawala sa sarili sa amoy pa lang ng dugo. Kahit bago pa ang Eternal Sleep era, ang mga Bloodsucker na talaga ang kahihiyan ng lahi ng mga bampira. Sila rin kadalasan 'yong mga umuubos sa mga mortal na pinanganak na espesyal." Tumango-tango si Lilac. Na-digest naman niya ang mga sinabing impormasyon ni Tyrus. Pero kumunot ang noo niya nang may maisip siya. "Bakit mo sinabi ang lahat ng 'to sa'kin, Tyrus?" "Para mas maintindihan mo ang sasabihin ko sa'yong epekto ng pagpapainom mo sa'kin ng dugo mo," seryosong sagot ni Lilac. "Gaya ng alam mo na, isang Nobleblood ang aking ama. May taglay na malakas na kapangyarihan. Ang angkan ng mga Rousell, bukod sa kaya nilang gumawa ng sandata mula sa dugo, ay nagtataglay din ng lason ang kanilang sistema. Kaya masugatan ka lang ng sandata na gawa sa dugo ng aming angkan, kakalat na agad ang lason sa katawan mo." Hindi napigilang pumito ni Lilac sa pagkamangha. "That's so cool, Tyrus!" Tumango si Tyrus, pero halatang hindi masaya. "'Yon din mismo ang kahinaan ng dugo ng angkan ng aking ama. Kapag nakakainom sila ng dugo ng mortal, nawawalan ng epekto ang lason sa katawan nila." Kumunot ang noo ni Lilac. "Parang na-i-sterilize ng dugo ng tao ang lason sa dugo niyo?" "Gano'n na nga," pagsang-ayon ni Tyrus. "Pero may mas masamang epekto pa 'yon at 'yon din eksakto ang sekreto ng angkan ng aking ama." "Ano naman 'yon?" "Napapasunod kami ng mortal na nagmamay-ari ng dugong nasa katawan namin," sagot ni Tyrus. "Pero ang pagkontrol sa'min ng mga tao ay depende rin sa dami ng dugong nasipsip namin mula sa kanila." Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa na-realize niya. "Dahil ininom ko ang dugo mo, mapapasunod kita sa kahit anong gusto kong gawin mo?" Tyrus scoffed at that. "Kaya nga sinasagot ko ang mga tanong mo ngayon. Pero mahina lang ang kontrol mo sa'kin dahil kaunting dugo mo lang naman ang nasipsip ko. Kung may iuutos ka sa'kin na labag sa kalooban ko, malalabanan ko ang dugo mo sa sistema ko." Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "I'm warning you, woman. You can't take advantage of a strong Bloodkeeper like me. Ang aking ina ay may lahi ring salamangkera. Bukod sa kakayahan kong gawing apoy ang dugo ko, malakas din ako laban sa mga pagkontrol ng isipan o anumang klase ng hipnotismo. Hindi ko na uli ibababa ang depensa ko gaya noon." Napakurap si Lilac sa bitterness na naramdaman niya sa boses ni Tyrus. "Bakit, Tyrus? May mortal na bang nanloko sa'yo at nag-take advantage sa kontrol niya sa sistema mo?" Mariing tumango si Tyrus at dumaan ang galit sa guwapong mukha. "The last time I trust a mortal with my secret, I ended up sleeping for fifty long years." Napasinghap si Lilac sa gulat. "What happened?" Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus, pagkatapos ay mariin itong pumikit na para bang pinipigilan ang sariling sagutin ang tanong niya. Mukhang nilalabanan nito ang kontrol niya rito. "Stop asking questions, Lilac." Nang nagmulat ito ng mga mata, masama na ang tingin nito sa kanya. "Don't even think about using my weakness against me, Lilac. If you do, I will kill you. And I'm serious." Himbis na matakot si Lilac, mas nangibabaw ang lungkot niy. Wala pang tiwala sa kanya si Tyrus. Pero hindi niya magawang magdamdam dahil sigurado naman siyang may dahilan kung bakit ganito ka-guarded ang lalaki. Lalo na sa mga mortal na nakakaalam ng sekreto at kahinaan nito. Sasabihin sana niya kay Tyrus na mapagkakatiwalaan siya nang naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya sa ilalim ng unan. Kinuha niya 'yon at napakunot ang noo niya nang makitang unknown number ang tumatawag. Nag-excuse siya kay Tyrus na tumango lang, saka niya sinagot ang tawag sa kanya. "Yes, this is Lilac Alonzo speaking," sabi ni Lilac nang hanapin siya ng babaeng kausap niya sa kabilang linya. Hindi pamilyar sa kanya ang boses nito pero tungkol sa trabaho ang tawag na 'yon. Nagulat pa siya sa sunod niyang narinig. "Your president wants me to sign a contract with Star Crib?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD