"KAILANGAN ba talagang magpanggap ka pang manager ko?" nagtatakang tanong ni Lilac kay Tyrus na nagmamaneho ng kotse habang nasa passenger seat siya at buong biyaheng binabasa ang mga report na binigay sa kanya ng Bloodkeeper no'ng nakaalis na sila ng mansiyon. "Kaya ko naman ang sarili ko."
Sa kasalukuyan, nagmamaneho si Tyrus at ihahatid siya papunta sa Star Crib. Ngayong araw niya kakatagpuin si Lorraine Dy, ang general manager ng acting agency para sa contract signing. Ipapaliwanag na rin daw nito ang mga project na nakahain na para sa kanya bilang pinakabagong talent ng kompanya.
Sa totoo lang, hindi pamilyar si Lilac sa Star Crib at wala sana siyang balak tanggapin ang offer. Ang target niya kasi ay sa mismong management ng BBS Network pumasok at hindi sa kung anong acting agency. Pero habang kausap niya sa phone si Miss Dy, sinenyasan siya ni Tyrus na pumayag.
No'ng tinanong niya si Tyrus kung bakit kailangan niyang tanggapin ang offer, nilayasan lang siya ng lalaki para makipag-meeting sa squad nito. Pero ngayon ay nasa hawak na niyang mga papeles ang kasagutan sa tanong niya. May kinalaman pala sa kaso ni Marigold ang Star Crib.
"Sinabi ko na sa'yong isang malaking front lang ang pagiging acting agency ng Star Crib at ang totoo, ginagamit lang 'yon para makuha ang mga tulad mong espesyal na mortal," paliwanag ni Tyrus sa pantay na boses, deretso lang sa kalsada ang tingin. "Alam na ng mga kalaban ang koneksyon niyo ni Marigold at alam naman na din nilang protektado ka naming mga Bloodkeeper. Mas mabuti na 'yong kasama mo ko sa lahat ng oras para hindi nila kami masalisihan."
Tumango-tango lang si Lilac, saka niya sinara ang binabasa niyang folder. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Hindi niya gusto ang nalaman niya tungkol sa Star Crib at sa mga Benitez. "Imposibleng pumayag si Marigold na gamitin siya bilang dummy ng ganitong klaseng kompanya." Nilingon niya si Tyrus nang may maalala siya. "Disoriented pa ko pagkatapos nang nangyari kay Marigold kaya hindi kita masyadong inintindi noon. Pero no'ng nasa ospital ako before, sinabi mo bang nagpanggap na mga pulis ang squad mo dahil may gusto kayong malaman tungkol sa business ni Marigold. Ang Star Crib ba ang sinasabi mo that time?"
"Oo," sagot ni Tyrus. "Sa nakalap naming impormasyon, si Marigold daw ang presidente ng Star Crib."
Matigas na umiling si Lilac. "Malakas ang kutob ko na hindi niya alam ang tungkol sa Star Crib. Masyado siyang busy bilang executive producer sa BBS para ma-involve sa isang shady acting agency. Maniwala ka sa'kin, Tyrus. Hindi makikipagsabwatan ang kakambal ko sa bampira niyang fiancé para ipahamak ang mga kapwa niya mortal, lalo na ang mga babae."
"'Yon ang aalamin natin, Lilac," maingat na sagot ni Tyrus. "Kaya nga tatanggapin mo ang offer ng Star Crib. Kapag nando'n ka na, malalaman na natin kung ano ang ginagawa nila sa mga tulad mo. Habang talent ka ng acting agency na 'yon, aalamin din natin ang koneksyon nila kay Miguel Lorenzo Benitez o kay Finn Lee Mancini. That's our mission." Sinulyapan siya ng lalaki bago ito nagpatuloy. "If it gets too dangerous, we'll pull you out of this mess. I'll buy out your contract so you can be free from the agency."
Bumuga ng hangin si Lilac. Tinukod niya ang siko sa windowsill at nangalumbaba. "May isa pa sana akong gustong gawin, Tyrus."
"Ano 'yon?"
"Gusto kong mapalapit kay Finn."
"No, I won't let that happen," mariing sagot ni Tyrus. "Kung meron ka mang nilalang na dapat layuan, si Finn Lee Mancini 'yon. Gusto ka niyang makuha, Lilac. In fact, hindi na ko magugulat kapag nalaman nating ang traidor pala na 'yon ang totoong nagpapatakbo ng Star Crib. Kahit na natuklasan ng squad ko na ang mga Benitez at si Cerise Alessandra Stratton ang pinagsisilbihan ni Finn, malaki pa rin ang posibilidad na si Magnus Cadmus Stratton din ang nagpapagalaw sa kanilang lahat."
"Dahil magpinsan ang Nobleblood na sina Cerise at Magnus?"
Tumango si Tyrus. "They were also ex-lovers."
Nayakap ni Lilac ang sarili dahil sa kilabot. "Ang benta ng i****t sa mga bampira."
"The human history has a fair share of i****t as well," ganti ni Tyrus na hindi na niya pinansin. "Anyway, nakatakda dapat ikasal si Magnus kay Cerise noon pero dahil baliw nga siya, hindi siya nagpakita no'ng araw ng kasal. Lumabas na lang uli siya no'ng araw na papasok na ang mga bampira sa Eternal Sleep. Pero gaya nga ng alam mo na, tumakas siya. Ang nakakagulat, sumama pa rin sa kanya si Cerise– na kilalang tapat sa royal family– sa kabila ng pang-iiwan niya sa babae." Saglit na natigilan ang Bloodkeeper. "But then again, hindi na siguro ako dapat nagulat. Malalim at panghabambuhay kung magmahal ang mga bampira. Kaya siguro sa kabila ng lahat, pinili pa rin ni Cerise na sumama kay Magnus."
"Pero sa nabasa kong research ng squad mo, parang naghiwalay din naman ng landas sina Cerise at Magnus," nagtatakang komento ni Lilac. "Kasi 'yong mga huling beses na nakita ng mga kapwa mo Bloodkeeper sina Cerise at Magnus, nasa magkaibang lugar sila."
"Hindi naman nila kailangang magsama sa lahat ng oras," katwiran ni Tyrus. "Isa pa, parehong nawala ang trace nila na parang bula sampung taon na ang lumilipas. Huli naming nakita si Magnus sa France no'ng maglaban sila ng Nobleblood na si Francis na siya namang target namin ni Ethan. Malala ang pinsala ni Magnus nang matakasan niya kami, at simula no'n, nawala na siya sa radar namin."
Napasinghap si Lilac. "Posible kayang namatay siya dahil sa injuries niya?"
Bumuga ng hangin si Tyrus na parang nauubusan ng pasensiya. "Lilac, dugo ni Magnus ang nakuha mula sa mga sanggol na namatay nitong nakaraan, kaya imposible 'yang sinasabi mong namatay siya."
"Sungit," bulong ni Lilac nang tumingin siya sa labas ng bintana. "May period ang lolo niyo."
"You know that I can hear you very well, don't you?"
Muli, hinarap ni Lilac si Tyrus. Binigyan niya ng ngising-aso ang Bloodkeeper. "Alam ko. Kung hindi ko gustong marinig mo 'yon, eh di sana hindi na ko nagsalita."
"Bakit mo gustong mapalapit kay Finn?" tanong ni Tyrus, lantarang dinedma ang sarkasmo niya.
"Babawiin ko ang kuwintas ni Marigold mula sa Finn na 'yon," seryosong sagot ni Marigold. "Bukod sa mahalagang memorabilia 'yon ng kakambal ko, naniniwala ako na may dahilan kung bakit kinuha ng Bloodkeeper na 'yon ang kuwintas ni Marigold."
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Malakas ang kutob ko na may iniwang message si Marigold sa'kin kaya ni-record niya ang huling usapan nila ng Magnus na 'yon," paliwanag ni Lilac. "Tyrus, may memory card ang kuwintas na hawak ni Finn ngayon. Posibleng may documents, videos, or whatever na iniwan ang kakambal ko para sa'kin."
Nilingon siya ni Finn, nanlalaki ang mga mata. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?"
"Kagabi ko lang din naisip kung ano ang puwede maging dahilan ni Finn sa pagkuha sa kuwintas ni Marigold," katwiran ni Lilac. "Naisip ko rin na posibleng sinadya niyang ipakita sa'kin ang kuwintas na 'yon para gawing bait. Siguro alam niyang lalapit ako sa kanya para bawiin 'yon."
"Damn," bulong ni Tyrus habang nakatingin sa side mirror dahil nag-pa-park na ito sa harap ng isang mukhang lumang building. "If that's the case, we have to bite the bait. Kailangan nating makuha ang memory card para malaman natin kung ano ba ang mga natuklasan ni Marigold tungkol kay Magnus."
"Exactly."
Hininto ni Tyrus ang kotse nang pumarada ito, saka ito lumingon sa kanya. "First things first, Lilac. Kailangan mo munang pumirma ng kontrata sa Star Crib. Kapag talent ka na nila, siguradong magkakaro'n ka ng pagkakataong makita sina Finn Lee Mancini at Miguel Lorenzo Benitez. Kung tama ang hinala natin, may kinalaman din sila sa pagkawala ng mga babae sa acting agency. Pero kapag nakita mo sina Finn at Miguel, huwag kang magpadalos-dalos. Alam natin ang sekreto nila, pero alam din nila ang sekreto natin. We have to play it cool, okay?"
Tumango si Lilac. "I'm good at acting."
Tumaas ang kilay ni Tyrus. "I have to see it with my own eyes."
Natawa si Lilac. In fairness, nabawasan ang kaba niya ngayong kasama niya si Tyrus. Alam naman niyang delikado ang ginagawa niya, pero hindi niya 'yon hinahayaang takutin siya. "Let's do this."
Nauna siyang kumilos at magtanggal ng seatbelt kaya nagulat talaga siya nang bigla-bigla, nasa gilid na niya si Tyrus at pinagbuksan pa siya ng pinto. Pagkababa niya ng kotse, tumingin muna siya sa paligid. Mukha namang walang mortal na nakakita sa kakaibang bilis ng lalaki.
"Ako ang manager mo kaya kailangang lagi akong nakaalalay sa'yo," sabi ni Tyrus, saka nito isinara ang pinto ng kotse. "Kapag may sinabi ako sa contract signing mamaya, huwag kang kokontra."
Lilac just made face. "Sana lang convincing kang umarte bilang manager." Tinuro niya ang outfit ni Tyrus. "Ayoko 'tong aminin, pero mas mukha ka pang artista kaysa sa'kin."
Kumunot ang noo ni Tyrus, pagkatapos ay tumingin ito sa suot na damit. "I kept it low profile for today."
Low profile-in mo mukha mo!
Tyrus wore a dark long-sleeved shirt with white polo underneath, denim pants, and low-cut boots. He even wore glasses with huge circular frame. Meh. His outfit might be casual, but he still looked expensive. Mula sa pabango nito na ang sarap-sarap singhutin hanggang sa tindig nito na halatang nagmula sa mayamang angkan. Hindi puwedeng magmukhang low profile ang ganito kaguwapo at katangkad na nilalang.
Na-insecure bigla si Lilac kaya humarap siya sa side mirror ng kotse para tingnan kung sing fresh pa ba siya no'ng umalis siya ng mansiyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang hindi pa naman hulas ang light make-up niya at maayos pa rin ang pagkakatirintas niya sa kanyang buhok.
Tumayo siya ng deretso at inunat ang laylayan ng long-sleeved pastel mini dress with dark collars which she paired with her black ankle boots. Umaga naman no'n kaya semi-formal lang ang sinuot niya. Confident naman siya sa hitsura niya. Well, usually.
But standing next to Tyrus probably made her look average.
Meh.
"Na-i-insecure ka ba sa'kin?" tanong ni Tyrus sa natatawang boses.
Tumingala si Lilac kay Tyrus na nakahalukipkip na habang binibigyan siya ng naaaliw na tumingin. Pinagtatawanan yata siya ng half-half na 'to, ha! Taas-noo niyang hinarap ang lalaki. "Excuse me? Medyo madaya 'yang kaguwapuhan mo 'no. May lahi kang bampira kaya mas makinis at mas maganda 'yang balat mo kaysa sa'kin ng very light." Pinanlakihan niya ng mga mata si Tyrus na umangat ang sulok ng mga labi. Nilahad niya ang mga palad niya sa ilalim ng babae niya. "Maganda ako, okay? Sa level ng mga mortal, maganda ako."
"Wala naman akong sinabing hindi ka maganda," kaila ni Tyrus, nakataas pa rin ang sulok ng mga labi. "You look fine, Lilac. That coming from a half-vampire like me is already a big feat. Our beauty standard is on a different level, you know."
Lumabi si Lilac dahil halata namang inaasar siya ni Tyrus. "So sinasabi mo na para sa mga mortal, maganda na ko. Eh para sa mga vampire at half-half?"
Sa totoo lang, bigla siyang na-excite na marinig ang sagot ni Tyrus kaya nag-iwas siya ng tingin. Napansin niya na nag-pa-park sa likurang bahagi ng lalaki ang isang itim na luxury car. Nakakagulat na may mga gano'ng klase ng kotse na nakaparada sa harap ng isang maliit at lumang building.
"Ah, ibang usapan na 'yon. Kung ikukumpara kita sa mga babae sa uri namin, lalo na sa mga purong bampira..." Dinikit ni Tyrus ang palad nito sa kanyang noo. "You look pretty plain."
Tumingin uli si Lilac kay Tyrus. "Imposibleng may mortal na maging sing ganda ng mga bampira..."
Unti-unti siyang natigilan sa mga sinasabi nang mula sa backseat ng itim na luxury car ay bumaba ang isang mortal na parang diyosa sa ganda at tangkad. Naka-sunglasses ito na halos sumakop sa maliit nitong mukha pero hindi nabawasan ang ganda nito. Burgundy hair, milky white glowing skin, classy black dress, expensive shoes and bag, elegant aura.
Sumipol si Tyrus, nakatingin na rin sa magandang babae. "Now that's one really beautiful human."
"Siya ang pinakasikat na female celebrity sa Pilipinas ngayon," namamanghang bulalas ni Lilac, hindi makapaniwalang nasa harap na niya ang top actress ng bansa. "She's the Denim Blue Benitez."
kanya siSaman�+�ED�4