16th Confrontation

1930 Words
A TELESERYE with Denim. A movie with Denim and Finn. And solo endorsements. Hindi makapaniwala si Lilac na gano'n kabongga ang naka-line up na projects para sa kanya kahit bagong talent lang siya mula sa isang maliit na acting agency. Pero kung makakatrabaho ng baguhang artista na gaya niya ang top actress na si Denim Blue Benitez, baka nga may himalang ginagawa ang Star Crib. Ngayon ay lalong lumakas ang hinala niya na konektado nga ang acting agency na 'yon kay Miguel Lorenzon Benitez na posibleng Helper ng mga Stratton. "I just can't believe what happened," halos pabulong na sabi ni Lilac no'ng silang dalawa na lang ni Tyrus ang naiwan sa conference room. "Kahit na sabihing supporting role lang ang ibibigay sa'kin, malaking exposure pa rin 'yon dahil si Denim ang makakasama ko. Lahat ng drama at movies niya simula no'ng thirteen years old pa lang siya, nag-record ng matataas na rating at box office hit. Gano'n siya kasikat." Tapos na ang contract signing at lahat ng executives ng Star Crib na nando'n kanina, umalis na at nagpunta sa susunod na meeting ng mga ito kasama naman si Denim at ang management ng sikat na artista. 'Yon ang dahilan kung bakit nasa building na 'yon din ang babae. "'Yon ang pinagtataka ko," seryosong sabi naman ni Tyrus. "Hindi ganito kalalaking project ang ibinigay sa previous talents ng Star Crib. Lahat ng TV appearance ng mga biktima, maliit lang kaya hindi rin sila tumatak sa publiko. But the acting agency looks like they want to make your name big in the industry. May binabalak sila, Lilac, kaya kailangan nating doblehin ang pag-iingat." Tumango si Lilac. "Alam ko naman 'yon, Tyrus." "Wala ka bang nakitang kakaiba kanina?" Umiling si Lilac. "Lahat ng kasama natin dito kanina, normal na tao. Wala rin akong nakitang nagtatagong Bloodkeeper o mga full vampire. The building looks safe." Halatang may sasabihin pa si Tyrus, pero natigilan ito, saka nito dinukot mula sa bulsa ng pantalon ang phone nito. May sinagot itong tawag. "Yes, Vice-captain Eton?" Nangalumbaba si Lilac at nag-iwas ng tingin para bigyan ng privacy si Tyrus. Kapag ganito kapormal ang lalaki, trabaho ang dahilan. Pero hindi niya maiwasang pasimpleng sulyapan ang Bloodkeeper. Tyrus was very protective of her earlier. Nasabi niya 'yon dahil binasa talaga ng lalaki ang buong kontrata at naitanong din yata nito kay Lorraine Dy sa lahat ng puwedeng itanong sa mga clause na nakapaloob do'n. Hindi pinakialamanan ng lalaki ang talent fee niya, pero mas naging concern ito sa schedule niya. Nag-request pa nga ang lalaki na huwag gawing toxic ang schedule niya. Ayaw niyang aminin 'to, pero kahit alam niyang ginagawa lang ni Tyrus ang front nito bilang manager niya, natuwa pa rin siya na inaalala nito ang kaligtasan at kapakanan niya. Matagal-tagal na rin siyang namumuhay na mag-isa kaya masaya siya na maramdaman uli kung paano may mag-alaga sa kanya. "Miguel Lorenzo Benitez and Finn Lee Mancini are on their way here," deklara ni Tyrus matapos makipag-usap kay Eton. "Pinasundan ko kay Eton si Miguel at ayon sa kakambal ko, kasama ng matanda ang traidor na Bloodkeeper. Papunta raw ang dalawa dito ngayon." "Anong gagawin natin, Tyrus?" tanong ni Lilac sa medyo kabadong boses. "Hihintayin ba natin sila o aalis na tayo?" Natigilan si Tyrus, saka nito inangat ang kamay nito na parang pinapahinto siya sa pagsasalita. Pagkatapos ay lumingon ito sa pintuan. Ng mga sandaling 'yon, papalakas na papalakas ang tunog ng mga yabag mula sa labas. Ilang segundo ang lumipas, may kumatok na sa pinto na bigla ring bumukas. Denim entered the conference room like a superstar that she was. Maingay na pagtama ng takong sa marmol na sahig, nakakaakit na paggalaw ng baywang sa paglalakad, at mayabang na naka-chin up. "Hi, Lilac Alonzo," nakangiting bati ni Denim, saka nito itinaas sa ulo ang suot na sunglasses. "I hate wasting time so I'll make it quick. Puwede ba tayong mag-usap..." Binigyan nito ng makahulugang tingin si Tyrus. Mas naging matamis ang peke nitong ngiti. "Just the two of us?" Tumingin si Lilac kay Tyrus, nagtatanong. Tumango naman si Tyrus, saka tumayo. Nang tumingin ito pababa sa kanya, nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. "Sasalubungin ko muna si Eton. Just call me when you're done talking to her." Tumayo na rin si Lilac. Siya naman ang tumango. Nakatulong ang nakikita niyang pag-aalinlangan sa mukha ni Tyrus na para bang ayaw siya nitong. That made her want to believe that he truly cared for her even though he claimed that he didn't like the human race. "Okay." To her surprise and annoyance, Tyrus gently pressed his palm against her forehead before leaving the room as slow as possible for a Bloodkeeper like him. "That guy is too good-looking for a talent manager," komento ni Denim nang sila na lang ang naiwan sa conference room habang naglalakad ito palapit sa kanya. "No'ng makita ko kayo kanina, akala ko siya 'yong new actor ng Star Crib at ikaw naman ang PA niya." Tumabingi ang ngiti ni Lilac na ibibigay sana niya kay Denim. "Don't you think it's kind of rude to say that to someone you just met?" Huminto si Denim sa harap niya. Mas matangkad ang babae sa kanya kaya tumingin ito pababa sa kanya. Pero mukhang hindi lang sa literal na paraan ang mababang pagtingin nito sa kanya. "You are deeply indebted to me, so that gives me the right to say whatever I want to say to you." Kumunot ang noo ni Lilac sa pagtataka. "In what way am I deeply indebted to you?" "Nakiusap ang acting agency mo sa'min para sa'yo ibigay ang supporting role sa drama at movie na gagawin ko kahit originally ay may napili na kaming talent," sagot ni Denim sa halatang iritadong boses. "I'm not usually rude to my co-stars, but it infuriates me when people like you show up. 'Yong girl na inagawan mo ng role, maayos siyang nag-audition sa harap namin at ako mismo ang pumili sa kanya dahil magaling siyang umarte. In fact, nakapag-rehearse na kami ng ilang scene at may rapport kami sa batuhan ng lines. Pero dahil malakas ang koneksyon mo, natanggal siya sa drama series namin at ikaw ang ipinalit. I don't have anything against newbies like you and I'm super okay with working with rookie actors, pero may issue ako sa mga tulad mo na baguhan at gumagamit ng ibang tao para mabilis na sumikat." Lalong naguluhan si Lilac. "I'm sorry, pero hindi kita gets. Denim, kakapirma ko lang ng kontrata sa Star Crib. Ngayon ko lang nalaman ang mga naka-line up na project for me." "Exactly," frustrated na sagot ni Denim, may disgusto sa maganda nitong mukha habang nakatingin sa kanya. "My uncle Miguel Lorenzo Benitez seems really into you, Lilac Alonzo." Napasinghap si Lilac sa narinig. Kinilabutan din siya. "Excuse me?" Ngumisi ng mapait si Denim. "Don't deny it, Lilac. Hindi effective ang acting mo sa'kin. Nakita ko ang picture at profile mo sa study room ng uncle ko, kaya alam kong interesado siya sa'yo." "Isang beses ko pa lang nakikita ang uncle mo," katwiran ni Lilac. "At sa audition 'yon para sa comedy movie na gagawin ng New Dimension Pictures. That was the first and the last time I met him in person." Umiling-iling si Denim, halatang hindi naniniwala sa mga sinabi niya. "Pinilit ako ni Uncle Miguel para pumayag na ikaw ang ipalit na talent sa new drama series ko. Gano'n din sa movie na gagawin namin ni Finn. Never niyang ginamit ang pagiging president niya para magpasok ng talent sa mga show at movie ng mga company niya. Ngayon lang." Tinuro nito ang sarili. "Kahit ako na pamangkin niya, nag-o-audition pa ko para sa lead role ng mga drama series ng BBS, gano'n din para sa New Dimension Pictures. Naniniwala kasi kami ng uncle ko sa pagiging fair. Pagdating sa work, kinakalimutan namin ang koneksyon namin." Tinuro siya nito. "Pero para sa'yo, sinira ni Uncle Miguel ang pagiging professional niya. Pati ang maganda naming relasyon, hinayaan niyang masira para lang mabigyan ka ng magandang project." "I don't know what you're talking about," mariing kaila ni Lilac. Naikuyom niya rin ang mga kamay sa pagpipigil. Kung puwede lang, sinabi na niya kay Denim kung ano ang posibleng dahilan kung bakit may picture siya sa study room ni Miguel Lorenzo Benitez, ginawa na niya. "Mali ang iniisip mo, Denim." "Sana nga, Lilac Alonzo," mapait na sagot naman ni Denim. "Ito na ang huling beses na palalagpasin ko 'to. Sa susunod na may mawalan uli ng trabaho ng dahil sa'yo, sisiguraduhin kong hindi ka pa man din sumisikat, eh malalaos ka na agad." May sasabihin pa sana si Lilac, pero natigilan siya nang makitang bumukas ang pinto. Himbis na si Tyrus, nagulat siya nang si Eton ang dumating. "Pasensiya na kung naistorbo ko ang pag-uusap niyo," anunsiyo ni Eton sa pantay na boses, deretso ang tingin sa kanya. "Miss Lilac, kailangan na nating umalis." Tumango naman si Lilac. Magpapaalam sana siya kay Denim, pero kumunot ang noo niya nang mapansing nakatulala ang babae kay Eton. Nakakapagtaka lang dahil hindi ito na-starstruck kay Tyrus kanina, pero halata namang na-love at first ito kay Eton ngayon. Personally, I think Tyrus is more attractive than Eton. "It's you," nakangiti nang bulalas ni Denim, titig na titig pa rin kay Eton na biglang huminto sa paglalakad. "Ikaw 'yong guy na nakaaway ni Finn sa parking lot." Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. Posible bang alam din ni Denim ang pagiging Helper ng pamilya nito sa mga bampira? Binigyan lang ni Eton ng blangkong tingin si Denim. Ngumiti ng matamis si Denim. This time, her smile was genuine. "What are you doing here?" Hindi pa rin sumagot si Eton. Parang mannequin ang lalaki na guwapo at maporma nga sa suot nito na itim na leather jacket, V-neck shirt, maong na pantalon, at sneakers pero wala namang buhay. "He's my driver," mabilis na sagot ni Lilac para kay Eton. Lumingon si Denim sa kanya, halata sa mukha ng babae ang pagkabigla. Pagkatapos, kinagat nito ang ibabang labi na parang maiiyak sa inis. "Bakit lahat ng employee mo, sobrang guwapo?" Nagkibit-balikat si Lilac. "Maganda ako kaya dapat guwapo rin ang mga kasama ko." Denim just huffed, obviously irritated. Binigyan nito ng isang huling tingin si Eton bago ito nag-walk out. Maraming gustong itanong si Lilac kay Eton pero nakita niya ang pagmamadali sa mukha ng lalaki kaya nang sumenyas ito, sumunod siya palabas. Nagulat siya sa sumalubong sa kanya. Si Tyrus, nakatayo sa tabi ng pinto na para bang nagbabantay habang nasa loob siya kanina. At may ideya siya kung bakit. Nakatayo sa harap ng conference room si Miguel Lorenzo Benitez na ngumiti nang makita siya. Nanatili namang seryoso ang guwapong mukha ni Finn Lee Mancini na pormal tingnan sa suot na light colored polo na nakatiklop sa mga siko at naka-tuck in pa sa pantalon, na nakatayo sa likuran ng matandang Benitez. Nakaakbay din ang "traidor na Bloodkeeper" kay Denim na nakasimangot man ay nakatitig pa rin naman kay Eton. Samantalang si Lilac naman, ngayon ay nakatayo na sa pagitan ng kambal. Si Tyrus sa harapan niya at si Eton naman sa kanyang likuran. "Congratulations, Miss Lilac Alonzo," nakangiting bati ni Miguel sa kanya. Sinubukan nitong lumapit sa kanya, pero humakbang si Tyrus para sana salubungin ito kaya bumalik agad sa dating puwesto ang matandang Benitez. Sa halip, sumaludo na lang sa kanya si Miguel. "I'm looking forward to making this new project with you." Naikuyom ni Lilac ang mga kamay dala ng galit. Ang mga tao at Bloodkeeper na nasa harap niya ngayon, posibleng may kinalaman sa pagpatay kay Marigold. Pero kinalma niya ang sarili niya at ngumiti siya sa matandang Benitez. "Thank you, sir." Lumipat ang matalim niyang tingin kay Finn na nanatiling blangko ang mukha. "I can't wait to work with you." Tumaas ang sulok ng mga labi ni Finn. "I bet we'll have a good time together, Lilac Alonzo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD