17th Confrontation

1767 Words
NAGISING si Denim nang may marinig na malakas na busina. Nang imulat niya ang mga mata, nagulat pa siya nang makitang nasa loob siya ng kanyang pulang sports car na naka-park sa harap ng isang maliit at hindi pamilyar na grocery store: Isabel's Mart. Hala. Where am I? Biglang kumirot ang sentido niya kaya nasapo niya ng kamay ang kanyang noo. Nang pumikit siya, narinig naman niya sa isipan ang boses ni Tyrus, ang manager ni Lilac. "Eton is my twin brother. We're supposed to meet later but something came up. Tutal gusto mo namang makita ang kakambal ko, puwede bang ikaw na lang ang pumunta sa kanya at magsabing hindi kami makakarating ni Lilac? Ibibigay ko sa'yo ang address kung sa'n siya nag-pa-part time job." Nagmulat ng mga mata si Denim at napatitig sa entrance ng grocery store. Napangiti siya. "Nando'n ang Baby E ko." Nagmamadaling kinuha niya ang bullcap at sunglasses niya sa compartment. Sinuot niya muna ang mga 'yon para hindi makilala ng mga tao bago siya bumaba ng kotse niya. No'n lang niya na-realize na hapon na pala, pero hindi niya gaanong matandaan ang mga nangyari kanina habang nasa mall siya. Alam niyang nakausap niya sina Lilac at Tyrus, pero hindi niya masyadong maalala ang sumunod na mga nangyari. Posible bang nakatulog siya sa kotse niya pagkatapos niyang mag-drive? Well, puyat ako kagabi dahil sa sunud-sunod na pictorial kaya siguro scatterbrain ako ngayon. Inalis na lang 'yon ni Denim sa isipan niya nang nasa loob na siya ng grocery store. Wala masyadong tao at in fairness, airconditioned ang lugar kahit maliit lang kumpara sa nakasanayan niya. So far ay wala pa namang nakakakilala sa kanya habang palibot-libot siya sa mga aisle. Halos manakit na rin ang leeg niya sa kakahanap kay Eton. Sa laki at guwapo ng lalaki, siguradong mag-i-stand out ito. Where are you, Baby E? Naputol ang pagmumuni-muni niya nang matalisod siya sa kahon na hindi niya napansing nakaharang sa daan niya dahil kung saan-saan siya nakatingin. Napatili siya at hinanda na ang sarili sa pagbagsak sa sahig nang bigla-bigla, may matigas na brasong pumalupot sa baywang niya at kasabay no'n ay ang pagtama ng tungki ng ilong niya sa matigas na dibdib ng kung sino. Labag man sa kalooban ni Denim, bigla niyang nasinghot ang yellow polo shirt kung saan nakadikit ang ilong niya ngayon dahil sa bango ng nagmamay-ari niyon. Para siyang men's fragrance heir! "Be careful, will you?" Napasinghap si Denim sa kilabot nang marinig ang malalim at sobrang sexy na boses na 'yon. Nang tumingala siya, napangiti siya nang sumalubong sa kanya ang pinakaguwapong lalaki sa paningin niya. "Eton, baby!" Kumunot ang noo ni Eton pero hindi naman nagkomento. Inalis lang nito ang braso sa baywang niya. Pagkatapos, nag-squat ito at binuksan ang kahon na tumalisod sa kanya kanina. Napakurap-kurap si Denim habang pinapanood si Eton at hinihintay itong kausapin siya, pero lumipas ang ilang segundo, ni hindi siya nilingon ng lalaki. Mukhang lantaran siya nitong dinededma, ha! "Are you ignoring me, Eton? Pagkatapos kitang puntahan dito, hindi mo ko papansinin?" Muli, hindi siya pinansin ni Eton. Inabala nito ang sarili sa paglalabas ng mga de-lata mula sa kahon at pag-aayos ng mga 'yon sa pinakailalim na estante kaya nanatili rin itong naka-squat sa marmol na sahig. Napasimangot naman si Denim. Pero himbis na sumuko, lalo lang siyang na-challenge na magpapansin kay Eton. Lahat naman ng bagay na worth it, pinaghihirapan. Saka alam naman niyang sulit na sulit si Eton dahil no'ng una pa lang niya 'tong makita, alam na niyang ito ang lalaking para sa kanya. Kaya nag-squat siya sa tabi ni Eton at tinapik ang kamay nito para maunahan niya ang lalaki sa pagkuha sa de-lata. Sa madaling salita, tinulungan niya itong maglagay ng mga de-lata sa estante. "What are you doing now?" parang naiinis na tanong ni Eton. "Isn't it obvious?" naka-pout na tanong ni Denim, patuloy lang sa ginagawa. "Tinutulungan kita sa trabaho mo para maaga kang matapos. At kapag maaga kang natapos, maaga rin tayong makakapag-date. Kapag maaga naman tayong nakapag-dinner, mas matagal tayong magkakasama dahil mahaba ang gabi kapag ganitong buwan." Napabungisngis siya dahil sa mga naiisip niya. Nasapo pa niya ang nag-iinit niyang mga pisngi. "If you want, you can even take me home after our dinner date." "What?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Eton. Nakangiting nilingon ni Denim si Eton. Natawa siya nang makitang bahagyang nanlaki ang mga mata nito na parang naeskandalo sa mga sinabi niya. Ah, old-fashioned ang Baby E niya. Inasahan naman niya 'yon kaya natuwa siyang malaman na tama ang hinala niyang gentleman ito. "Mag-ka-cuddle lang tayo, Baby E." Tinaas pa niya ang kanang kamay. "Promise. Gusto ko lang makasama ka ng matagal." Eton just looked at her with a shocked look on his handsome face. Ipinatong naman ni Denim ang mga kamay sa baba niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Eton. Kahit simpleng yellow polo shirt, maong pants, at sneakers lang ang suot nito na gaya ng ibang empleyado sa grocery store na 'yon, nangingibabaw pa rin ang lalaki. Para pa rin itong modelo sa tangkad at ganda ng bulto ng katawan. Just look at those bulging biceps of his. Gosh, ang yummy po niya! Sunod siyang napatitig sa collarbones ni Eton na kita dahil bukas ang dalawa sa tatlong butones ng polo shirt nito, at nakagat na lang niya ang ibabang labi. Okay lang tumitig dahil naka-sunglasses naman siya kaya hindi malalaman ng lalaki na may field trip na ang mga mata niya sa katawan nito. She almost drooled at how sexy his thick neck and collarbones were. "Aren't you afraid of me?" Naputol ang pagpapantasya ni Denim dahil sa tanong ni Eton. Mula sa makasalanan nitong katawan ay umangat ang tingin niya sa guwapo nitong mukha. "I'm not. Is there a reason to be afraid of you?" "You know what I am." Tumango si Denim. Naalala niya ang araw na makita niyang "nag-away sa parking space" sina Eton at Finn. Kahit hindi siya magtanong sa best friend niya, alam niyang hindi normal na tao si Eton. "You're just like Finn, my best friend. Aware ako sa klase ng mundo niyo dahil sa kanya." "Helper ka ba ng isang bampira?" Naging maingat sa pagsagot si Denim. Mahigpit na bilin sa kanya ng Uncle Miguel niya na itago ang tungkol sa existence ni Aunt Cerise. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw niyang mapahamak ang matandang bampira na itinuturing niya bilang pangalawang ina. "Helper ako ng Bloodkeeper na si Finn," pagsisinungaling niya. "Normal lang sa mga tulad niyo ang magkaro'n ng mga mortal na Helper, 'di ba?" Bigla niyang natanong sa sarili niya kung alam din kaya ni Lilac ang tungkol sa mundo ng mga bampira at Bloodkeeper. Posible kayang Helper din ang babae na gaya niya? Kapag nagsimula na ang shooting ng drama series nila, sisiguraduhin niyang maitatanong niya 'yon kay Lilac. Maybe that would break the ice between them and even bring them closer. "I guess," nonchalant na sagot ni Eton, pagkatapos ay tumayo na ito. Tumingin pababa sa kanya ang lalaki at tinuro ang kahon na naglalaman ng mga de-lata. "Tutal nag-offer ka nang tumulong, ikaw na lang ang tumapos niyan. Mag-ba-bagger boy na lang ako sa counter." Napanganga si Denim, hindi makapaniwala na iiwan siya ni Eton ng gano'n-gano'n na lang. Sa inis niya, tumayo siya at dinuro ang dibdib ng lalaki. At, wow, ang tigas ng chest muscles nito. Nag-enjoy tuloy siya sa pag-"dial" sa dibdib nito habang nakatingala rito at naglilitanya. "You're supposed to take me out, Eton. Nag-effort ako na dalawin ka dito. Tinapon ko na nga ang pride ko at ako na ang gumawa ng first move, eh. The least thing you can do is to pretend that you're not being burdened by my presence." "I can't do that," sagot ni Eton sa malamig at pantay na boses. Maging ang mukha nito, nanatiling walang emosyon. "I'm not a good actor." "I like you, Eton. I like you a lot," pagtatapat ni Denim sa basag na boses. Naiiyak na kasi siya sa inis. "You'll hurt my feelings if you continue treating me this way." "I don't really care," malamig na sabi ni Eton, saka siya tinalikuran at nilayasan. Naiwan si Denim na shocked dahil tinanggihan siya ni Eton. She was Denim Blue Benitez, hello?! Naiinis na inalis niya ang sunglasses at bullcap na suot niya, saka niya hinagis ang mga 'yon sa sahig. Pagkatapos, mabilis siyang naglakad pasunod kay Eton. Nakita niya ang lalaki na naglalagay ng malaking lata ng gatas sa paperbag ng customer na isang babaeng buntis na nakatulala sa kaguwapuhan nito. Now that Eton was "out in the open," every female in the area was staring at him like he was a piece of hot meat. Which he really was, by the way. Impit na tumili si Denim sa inis. Territorial siya kaya ayaw niyang may mga babaeng pinagnanasahan ang Eton niya. "Eton!" Hindi tumigil si Eton sa ginagawa. Ni hindi siya nito nilingon. Pero ang mga tao sa paligid, napatingin sa kanya. Natahimik ang lahat pero makalipas lang ang ilang segundo, napuno ng malakas na sigawan at tilian ang buong grocery store. "Si Denim Benitez! OMG!" "Shete, sobrang ganda niya sa personal!" "Ate Denim, pa-selfie naman po!" Sa kabila ng nagkakagulong fans na wala nang panay ang pag-picture at pag-video sa kanya, nanatiling deretso ang tingin ni Denim kay Eton na halatang wala siyang balak pansinin. Pero ngayong humakot na siya ng atensiyon, nagbago na ang isip niya kaya hindi na uli niya tinawag ang lalaki. Hindi niya puwedeng idamay si Eton sa magulong mundo ng showbiz. Isa pa, ngayon pa nga lang eh pinagkakaguluhan na ito ng mga babae. Paano pa kaya kung kumalat ang mukha nito sa mga balita, lalo na sa social media? Dadami lalo ang mga karibal niya. Hindi siya papayag! "I really like you, Eton," pabulong na sabi ni Denim dahil alam naman niyang naririnig siya ni Eton. "I will still like you even if you continue treating me this way." Yumuko siya para itago ang namumuong luha sa mga mata niya dahil ayaw niyang makita sa mga lalabas niyang picture ang pag-iyak niya. Sinubukan niyang umalis ng tahimik, pero ayaw siyang padaanin ng mga tao sa paligid niya. Lahat, nanghihingi ng selfie at autograph sa kanya. Maiiyak na talaga sana siya nang bigla-bigla, namatay ang mga ilaw sa buong grocery store dahilan para mapasigaw sa gulat ang ilang customer. Si Denim naman, nabigla nang may mainit at malaking kamay na humawak sa kamay niya at mabilis siyang hinila palayo sa namuong crowd sa paligid niya. Biglang umurong ang mga luha niya at napangiti na lang siya dahil nakilala agad niya ang mabangong amoy na 'yon. Plus, a Bloodkeeper's body temperature was warmer compared to a mortal like her. Nag-iisang kalahating-bampira lang naman ang nasa grocery store ng mga oras na 'yon. "Eton?" excited at kinikilig na paniniguro ni Denim. Narinig niyang bumuga ng hangin si Eton. "Yes, Denim."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD