Twice a day, Ralph would drag me to visit our child. Hindi naman sa ayaw kong bisitahin ang anak namin, pero kailangan ba talagang kasama ako lagi? Sinamahan ko lang naman siya noong unang beses dahil hindi niya alam kung nasaan 'yong puntod, pero ngayon kahit iyong katabing puntod ng anak namin kilala na niya. "When will you tell him?" tanong ni mama sa akin habang nakatambay kami sa garden. Hawak ko si Lawrence sa kamay ko na busy sa pagtingin sa mga bulaklak na nakapaligid sa amin. I sighed. "Now? Hindi ko lang alam kung paano sisimulan." "Call him now, Dolce. Huwag mo ng patagalin pa. Mukhang nangungulila rin siya sa anak niya." I pursed my lips before fishing my phone and texted Ralph. Agad naman siyang nag-reply na pupunta siya ngayon. Kumalabog ang dibdib ko dahil doon. Wala

