Makalipas ang ilang linggo ay pinalabas na si Ralph ng ospital. Zero dragged me all the way to Ralph's house because of that. That's how I end up here right now. Bagot ko silang pinanood habang pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Tinutukso pa nila si Ralph dahil byudo na daw siya. Pwede na daw ulit mag-asawa. "Ikaw, Dolce," baling ni Cyrus sa akin. Bagot kong tinuro ang sarili ko. Nginiwian ko siya. Pati ako dinadamay niya. "Kailan ka mag-aasawa? Tanda mo na! Nagkakakulubot ka na o!" pangungutya niya. Mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha ko. "Ikaw, Cyrus? Kailan mo balak? Baka nalilimutan mo mas matanda ka sa akin pero ni girlfriend wala ka kahit isa." Nag-sigawan naman si Ryus at Zero dahil doon. Walang tigil nilang tinukso ang nakabusangot na si Cyrus. He even placed his hand

