A week later, after being constantly irritated by Grace, nakalaya rin ako. May gaganaping event sa resort, kaya busy kami. Umabot na ako sa point na mas gusto ko nang busy kami kaysa puro mukha lang ni Grace ang nakikita ko. It was soon to be the founding anniversary of the resort. Kaya naman maraming pakulo ngayon ang resort para sa mga customer namin. And, we're going to lock the resort at that day para mag-celebrate. May mga reconstruction na on-going pa kaya pinipilit agad naming matapos 'yon. Request ng masa sa meeting kahapon ay magkaroon ng midnight masquerade party. Hindi ko alam kung anong connection noon sa araw na 'yon, pero pumayag na rin si Ralph para sa ikasasaya ng lahat. Dahil doon, hindi magkaintindihan si mama sa pag-aayos ng gown na susuotin ko. Hindi daw kasi ako pw

