"Malayo pa ba?" nakabusangot kong tanong sa kanilang dalawa. Ilang oras na ata kaming naglalakad. Kanina puro bahay ang nakikita ngayon puro puno naman.
"Gaano ba kalayo ang hacienda niyo? Pagod na ako."
Nag-unat ako ng katawan. Masyado naman atang nabanat ang katawan ko ngayon.
"Malapit na nga."
"Kanina pa 'yong malapit e. Bakit ba hindi tayo nag-kotse? May dala naman si Zero."
"Shut up, Dolce. Sumunod ka na lang. Gusto mong sumama hindi ba?"
Umirap naman ako sa naging turan ni Zero. Excuse me, hindi naman ako sanay lumakad ng ganito kalayo. Kapag sa manila madali lang maghanap ng sasakyan o kaya naman nagpapahatid ako.
Maya-maya pa natatanaw ko na ang isang malaking gate, pero wala pa din akong nakikita sa loob puro puno pa din. Gaano ba kalayo ang kailangan naming lakarin?
"Sa inyo 'yan?"
Baling ko kay Ralph. Tumango naman siya. Mayaman pala talaga sila, though halata naman na siguro dahil dalawa ang bahay niya.
"Ang ganda."
Nilibot ko naman ang tingin ko. Nasa b****a palang kami ng hacienda pero napapahanga na ako. The designs look elegant yet simple. Kung tutuusin puro kahoy lang at mga garden ang nasa may gate kasama na ang pangalan ng hacienda.
Hacienda Deciant. They're contrasting though, okay lang naman pakinggan. Parang pinagsamang Spanish and somewhat French or whatever.
"Sinong nag-landscape nito?" mangha kong tanong habang nililibot pa din ang paningin ko.
Ang mga puno sa loob ay hindi naka-align, pero okay lang. Hindi naman masakit sa mata. More on puno at d**o lang ang makikita mo sa una. Siguro naman maganda ang loob nito, right?
"Me."
Nanlalaki ang matang napalingon ako sa kaniya. Woah, ang galing niya. Really? Ang galing. Ang ganda ng pagkaka-ayos ng labas. Kahit ang guard house naka-ayos din.
"Woah, ang galing mo naman. Ang ganda ng landscaping."
Ngumiti lang siya at pumasok na sa loob. Binati naman siya ng mga guard, pero hindi niya man lang sila pinansin.
"Malayo pa ba ang pupuntahan natin? Gusto ko na talagang umupo. Hindi naman ako prepared sa ganito kalayong lakaran."
Tumawa naman silang dalawa. Bumusangot naman ang mukha ko. Ang kapal ng mukha nilang tawanan ako.
"Don't worry. Malapit na talaga. Konting lakad lang then, liliko tayo para makarating sa may lawa."
Nag-ningning naman ang mata ko sa narinig. Lawa?
"Lawa? Liligo tayo? Wala akong dalang pamalit." My lips pursed into a pout. Paano na 'yan? Gusto kong ma-experience 'yong ganoon. Bakit hindi agad nila sinabi.
"Basain mo na 'yan. Papatuyo na lang tayo then, uuwi para magbihis na lang. Kung gusto mo talagang maligo."
Napaisip naman ako sa suhestiyon niya. Pwede naman. Basta makaligo na lang.
"Nako, Dolce. Huwag ka nang maligo. Kumain ka na lang doon. Nandoon ang ibang barkada. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo."
"Huwag ka nga, Zero. Gusto kong maligo. At saka babantayan mo naman ako hindi ba?"
Lumapit ako kay Zero at hinawakan ang braso niya at ngumiti. Umirap naman siya at umiwas nang tingin.
"Aish. Sige na nga." I triumphantly smiled to Ralph. Weakness talaga ako no Zero e. Syempre, hindi ako papabayaan ng pinsan kong ito. Kami na nga lang dalawa ang magkasama, hindi pa ba kami magtutulungan.
This place really looks good. Natatanaw ko na ang sinasabi nilang lilikuan namin. Nakarating na kami sa harap ng gate. Gate na naman at wala na naman akong natatanaw.
"Akala ko ba malapit? Wala namang lawa e," I said pursing my lips. I squatted then, look at him. Pagod na pagod na ako. Bakit ba ganito kalayo?
"Get up. Mainit," ani ko at nakabusangot na tumingin sa kaniya. I pursed my lips. Napangiti naman si Ralph sa ginawa ko. He offered his hands to me. Aabutin ko na sana ng biglang sumigaw si Zero.
"Ano na? Ang tagal niyong dalawa!"
Padabog naman akong tumayo mag-isa. Tsk. I heard Ralph chuckled. Napalingon naman ako sa pwesto niya.
"Let's go?"
My heart thumped at the sight of him. Nakangiti siya sa akin habang nakalahad ang kamay niya sa dadaanan namin. Umiwas naman ako ng ngiti at sumunod na kay Zero.
"Ang tagal niyo! Ang lapit-lapit lang ng hacienda sa inyo. Saan ba kayo dumaan sa main road?" sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Nakaturo siya kay Zero. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil malayo pa kami, pero rinig na rinig ko na ang boses niya.
Lumingon naman ako kay Ralph at pinanlakihan siya ng mata. You mean, may mas malapit na daan?
"What does he mean? Pinagtripan niya ba akong dalawa? Ralph!"
"Wala. Forget it."
"Hey! Huwag mong sabihing pinaglaruan niyo akong dalawa kanina. Mayroon naman palang shortcut. Aish!"
He didn't reply at my rant. Tumawa lang siya at hinila na ako papalapit sa kanila. Masama namam akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa may pulsuhan ko. Woah, close ba kami?
"Oy, oy, oy. Sino 'yan? GF mo, Ralph?"
"Bagong mukha 'yan a. Kilala mo, Zero?"
"Hoy, Ralph! Hindi ka man lang nagsasabi na may chicks ka na pala."
I faced the last one with horror. Excuse me, hindi ako 'yong taong pang-chicks lang. I'm too fab, for that.
"Manahimik nga kayo diyan. Ang eskandaloso niyo."
"Pinsan ko 'yan, mga ulol. Umayos kayo!"
Pinagbabatukan naman ni Zero 'yong tatlong lalaki. Bale lima sila? Small smile formed in my lips while watching them. Binitawan na din ako ni Ralph at lumapit na sa kanila.
"Naglilihim ka na sa amin, Zero. Ang ganda ng pinsan mo."
Napangiwi naman ako habang nakatingin doon sa lalaking nag-salita. Mabilis naman akong lumapit kay Zero ng hindi tumitingin sa lalaking 'yon. What a weirdo. Nagtawanan naman silang lahat dahil doon.
"Nako, Cyrus. Nakakatakot talaga ang mukha mo. Nilalayuan ka!"
Malakas silang tumawang lahat. Kahit si Ralph ay nakangiti din habang pinapanood sila. Mabilis naman lumapit 'yong Cyrus daw doon sa lalaking nagsalita.
"Ang kapal mo naman, Ryus. Mas gwapo ako sa'yo. Namesmerize lang talaga siya sa kagwapuhan ko. Right, miss?"
Ngumiwi naman ako sa naging tugon. Lalo naman silang nagtawanan dahil doon. He's kind of weird. Masyado siyang vain, pero gwapo naman silang lahat.
"Excuse me, mister. Dapat bawas-bawasan mo ang pagiging vain mo. Too much will kill you, ain't it right?"
Bumusangot naman ang mukha niya at paawang lumapit kay Ralph.
"Ang harsh ng chicks mo Ralph."
Humawak pa siya sa may puso niya habang nagpapa-awa sa harap ni Ralph. Mabilis namang tinakpan ni Ralph ang mukha noong lalaki. Bubuka na sana ang bibig ni Ralph ng inunahan ko siya.
"Hindi ako chicks ng kung sino man. So, please. Drop that idea."
Nakita ko naman ang pag-ngisi ni Ralph sa naging turan ko. I even heard the cheers of the other boys.
"Fine. Ang sungit mo naman, Miss," he pouted. Lumayo naman siya kay Ralph at umupo na sa isang upuan. Nagsipulan naman ang mga lalaki habang nakatingin kay Cyrus daw.
"Tama na. Baka mapikon si Cyrus."
"Siya. She's my cousin, Dolce. Dolce, sila naman ang mga kabarkada ko dito."
"Cyrus," aniya at tinuro 'yong lalaking nakasimangot. Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Ryus," turo niya sa isa pa. Malawak naman siyang ngumiti ata kumindat pa. Ngumiti na lang din ako.
"Aries," turo niya sa isang lalaki na tahimik lang. Matipid siyang ngumiti na sinuklian ko din ng isang matipid na ngiti.
"Siya. Let's start the picnic, shall we? Gutom na ako. Kanina pa kami nag-aantay. Bakit ba kasi sa main road kayo dumaan? Hindi pa naman nasasarahan 'yong shortcut."
Matalim namang tumingin 'yong dalawa kay Cyrus. Umirap naman ako, alam ko na. Pinagod lang nila ako kanina.
Cyrus awkwardly laughed because of their glare.
"Nah. Okay na. At least nakarating na kami dito," ngumiti naman ako sa tatlo habang masamang tingin ang ipinukol ko sa dalawa. Parehas naman silang napaiwas nang tingin sa akin. Then, laughed awkwardly.
"Can we really swim in here?" I asked as I roam my eyes.
This place is good too. May dadanan kang maliit na tulay para makarating sa center ng lawa. Kung saan may maliit na bahay. Though, kung titingnan mo sa kabila it wasn't really center dahil malawak pa.
"Don't worry. Walang buwaya diyan," natatawang usal ni Zeo. Inirapan ko naman siya. Lumapit naman ako sa may tubig. The water's not that clear, but it's enough for bathing. Hindi sobrang linaw, hindi rin sobrang dumi.
I dipped my fingers to check the temperature. Napangiti naman ako, perfect lang din ang temperatura sa init ng panahon ngayon.
"Saan ka ba galing, Dolce? It's my first time seeing you."
Napalingon naman ako sa pwesto nila. Ngumiti naman ako at lumapit bago sumagot.
"Manila. Mas gusto kasi ni Papa doon, ayaw naman ni ng Mama ni Zero kaya naiwan sila dito."
"Tsk! Lilipat na din kami. My father's planning to invest in your company, para daw may mapagka-abalahan siya," Zero said as he sips on his drinks. My smiles turned into frown. Akala ko ba hindi idadamay ni Papa ang pamilya ni Zero. Pumayag ako sa plano para lubayan niya si Zero, but look.
"Akala ko ba ayaw ni tito sa business?" I asked him. I need to stop Tito. Hindi magandang madamay siya kay Papa. Uneasiness fills my whole system. I gently tapped my fingers on my thighs.
"Ewan ko kay Papa. Bigla na lang niyang sinabi sa amin 'yon. Eventually, I need to go to Manila too. I-te-train daw niya ako."
His knuckles turn into white as he gripped his glass. Hinawakan ko naman ang kamay niya para mapagilan 'yon. Ngumiti naman ako sa kaniya nang tumingin siya sa akin.
"Don't worry. Ako ang bahala."
Diniinan ko ang hawak sa kamay niya. He's been helping me, ako naman ang tutulong sa kaniya ngayon.
"Siya! Let's drink, shall we? Tama na ang drama. Cheers?" pagbabasag ni Cyrus sa drama namin. Tumawa naman ako at bintawan ang kamay ni Zero. Kinuha ko naman ang basong inabot sa akin ni Ralph.
I mouthed my thanks to him, bago ko itinaas ang baso para makipag-cheers sa kanila.
"To our new friend?"
"To our new friend!"
My heart flutter at what they exclaimed. Kakakita palang namin, but look they already considered me as their friends.
"Ralph, 'yong barbeque nga pala. Hindi pa luto," kumakamot-ulong wika ni Ryus. Tumalim naman ang tingin ni Ralph bago tamad na tumayo. I guess, siya ang nakatoka sa pag-iihaw.
"Tamad." I chuckled at what he exclaimed. Masama ang aurang lumapit siya sa ihawan at nagsimulang mag-ihaw. Tumawa naman ako at lumapit sa kaniya. Maybe I can offer some help?
"Can I help? Nag-iinuman lang naman sila doon." I asked pursing my lips. His eyes suddenly goes from my eyes to my lips. Because of that, my pout turns into a smirk. Well, boys still boys.
"Bahala ka."
"Gaano na kayo katagal magkakakilala? All of you look so close. Nakaka-inggit."
Inayos ko naman ang mga iihawin. The smell of the burning food really makes my mouth watery. I really love grilled food.
"Since childhood. Sabay-sabay na kaming lumaki."
"Oh. Pati si Zero?"
"Uhuh. Paalis-alis si Zero, pero tuwing nandito siya sa amin siya sumasama."
"My cousin's lucky to have you. Mabuti na lang. Thank you."
Ang gwapo niya. How sad, it is. Bakit ba ako napasok dito. Kung noon ko pa sana sila nakilala. Dapat noon pa lang sumama na ako kay Zero sa pag-gala niya dito sa probinsiya.
He's not the type na sobrang puti. More on tanned skin. Hindi rin ganoon kabulky ang built niya, though you can see some muscles in the right places. Matangkad din siya.
Pointed nose. Plump pink lips. Captivating eyes. Mas mahaba pa ata ang pilik-mata niya kaysa sa akin. His hair's in a clean cut.
"Are you done?" I blinked my eyes at his question.
Done? Saan?
"Huh?"
"Done checking me?"
My cheeks flustered because of that. Hindi ko naman sinasadya. He's too handsome to resist.
"Uh... Sorry." I scratched my jaws out of embarrassment. Nakakahiya, I'm getting too bold. Tumango lang siya sa sinabi ko at nag-focus na muli sa pag-iihaw.