Kinabukasan pumasok ako sa trabaho na parang walang nangyari. Dama ko pa ang titig ni Ralph sa akin pagkapasok ko pero hindi ko siya pinansin. Ni isang tingin sa pwesto niya ay hindi ko ginawa, pero binati ko siya gaya ng dati, hindi ko nga lang siya tinitingnan sa mata. May meeting mamaya kaya nagka-excuse ako para hindi kami makapag-usap. Pagkababa ng bag ko sa lamesa ko ay kinuha ko agad ang usb para i-print na ang mga handouts na gagamitin mamaya sa meeting. Aayusin na kasi 'yong plano para sa private villa project. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan, dahil kanina pa nanginginig ang kamay ko. Hindi ko nga alam kung napansin ba niya 'yon o hindi. "Dolce." "I'm busy, Sir. Let's talk later," agad kong sagot pagkarinig ng pangalan ko mula sa bibig niya. Mariin

