Umalis din agad si Lola Paula pagkatapos ng usapan namin. Pilit ko namang kinakalma ang sarili ko dahil sa naging usapan namin. Hindi ko na alam... Hindi ko alam kung ano bang dapat kong paniwalaan para pagkatiwalaan ko si Ralph. Oo, may kasalanan ako sa nangyari dati, pero pinagsisihan ko naman lahat 'yon e. Sa buong dalawang taon na magkahiwalay kami hindi ko siya nakalimutan. I suffered on those two years, but look at him now. He's not just engaged for f**k sake, kasal na siya. And to that girl of all people. Inangat ko ang ulo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Tumayo ako at lumipat na sa lamesa ko. "Are you okay?" bungad niyang tanong sa akin. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil doon. And what? So what if I'm not? "Of course..." Inangat ko ang ulo ko para magpantay ang

