"Miss nandito na po ang pagkain niyo. Gaya ng utos niyo walang gulay, pero hindi po ba makakasama 'yon sa baby niyo?" nag-aalalang tanong ni Rhea sa akin habang bitbit niya ang almusal ko. Tumayo naman ako at lumipat sa lamesa habang inaayos niya ang kakainin ko. "Kailan pala kayo magpapa-checkup, Miss? Mas maganda kung natitingnan para malaman niyo agad kung kailan pa kayo buntis. Tsaka 'yong mga vitamins nako. Ang daming ganoon ng ate ko e," pagkukwento niya. Ang ingay niya talaga, pero mas ayos na 'yon kaysa wala akong kausap. "Hindi ko pa alam. Hindi ko nga alam kung paano dadalaw ng ospital ng hindi alam ni Papa," sagot ko bago uminom ng gatas. Natigil naman siya sa pag-aayos bago malungkot na tiningnan ako. "Ay alam niyo ba, Miss! Tumawag pala ang tatay niyo kanina, pupunta d

