Everything happened so fast. That day, I didn't even think that I could survive. Thankfully someone saved me. "I'm sorry I'm late... Dolce." Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng makarinig ng boses. I'm alive, thankfully. Pagkamulat ng mata ko ay bumungad si Zero na nakatungo habang mahigpit na hawak ang kamay ko. He's alive. Akala ko patay na siya dahil hindi na siya nagparamdam pa. Salamat naman at okay lang siya. Did he find my mother? Iyon na lang ang nakikita kong dahilan kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. "W-Why are you... s-saying sorry?" Napangiwi naman ako dahil sa boses ko. Nanlalaki ang matang tinitigan ako ni Zero bago madaling kinuha ang baso ng tubig at inabot sa akin. "Mabuti na lang gising ka na. Isang linggo ka ng tulog, Dolce," pagkukwento niya habang umiino

