Everything seems fine. Simula kahapon, noong binigyan ko ng chance si Ralph, para na akong nakahinga ng maluwag. Hindi dito natulog si Ralph kagabi. Although pinipilit rin siya ni Mama. May baby naman daw sa gitna namin so bakit daw siya kakabahan o kung may mangyari man ano naman daw problema doon. See? Iba talaga takbo ng utak ng nanay ko. Imbes na paghiwalayin kami ay siya mismo ang nagtutulak sa aming dalawa. But, I am happy. Happy because she is supportive about this. "Good morning, baby," malumanay kong bulong sa anak ko. Mahimbing pa ang tulog nito sa tabi ko. Saktong mag-aala sais pa lang ng umaga kaya siguro hindi pa rin nagigising ang anak ko. I lightly poked his nose. Nakakapang-gigil talaga siya. Napatigil naman ako sa pagtitig sa anak ko ng biglang may kumatok sa pinto.

