"It's already time for your inventory check," pagpapaalala ko ng tumama ang mata ko sa cellphone ko. I have already put an alarm to my phone that is currently vibrating because of it. Halos maghapon din akong pabalik-balik sa conference room at dito dahil sa papeles na pinaayos niya. Nakakapagod pero anong magagawa ko? As if I could throw a fit here. Tumigil naman siya sa pinagkakaabalahan niya bago tiningnan ang oras sa suot niyang relo. His muscle flexed because of that. It's been two years, masasabi kong malaki talaga ang iniba ng katawan niya. Tumayo siya at inayos ang suot niya. Kinuha ko naman ang lip balm na nasa bag ko at naglagay ng kaunti bago hinintay siyang lumabas ng opisina niya dahil hindi ko alam kung saan ba siya mag-che-check ng inventory. Hindi naman kasi 'yon kasam

