First day at my work. Summer ngayon kaya maraming pamilya ang dumadayo sa resort. Pahirapan pa nga sa pagpasok kanina sa sobrang dami ng sasakyan na nakaharang sa gate na naghihintay para makapasok sa loob. One thing that I admire in this is their security. Matagal at sobrang mabusisi talaga sila sa pag-che-check ng mga sasakyan na papasok para masigurado na walang magiging problema. Kahit ang sasakyan na gamit ko ay hindi nakaligtas kahit employee na ako. I actually tried to say I'm Ralph's secretary pero hindi man lang na-intimidate 'yong guard. What if I tried to say I'm Ralph's wife? Ano kayang gagawin nila? Natawa naman ako sa naisip ko. Nagiging delusional na naman ako. "Good morning!" bati ko ng makasalubong ko si Eric. Siya lang naman ang kilala ko dito bukod kay Ralph. Ma

