The whole facility was so awesome. Kumpleto sila sa gamit at mga pasilidad. May 3D blueprint kasi na nakalagay sa may office niya, tapos ayon sa kaniya iyon daw ang buong quarters nila. Hindi na ako magtataka kung gaano kalaki ang lugar na ‘to, sabi kasi niya kada mafia rito ay may kaniya-kaniyang quarters. Iba pa ang pinaka-area kung saan nagkikita ang mga head. Ralph said hindi lang ito ang quarter nila. Mayroon pa silang mansion kung saan doon tumitira ang ibang sakop niya. Ang lugar daw na ito ay solely for business purpose, at syempre tambayan na rin kapag nandito sila. “Ryus and the gang, will teach you everything necessary. Magsisimula sa basic, but I know you already know them, pero mas okay kung makikita namin." Tumango ako sa sinabi niya at nagpahalumbaba sa harap niya. Kina

