Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko agad siya sa labas ng gate. Nalaglag ang aking panga ng mapansin ang suot niyang damit, black jean and black knitted jacket plus black boots. What the hell? Bakit magkamukha kami ng damit? Tatalikod na sana ako para magpalit, pero bigla na lang siyang lumingon. Gulat din siya nang mapansin na magkamukha ang damit naming dalawa. Simangot na lumapit ako sa kaniya habang siya ay mataman pa ring nakatingin sa akin. “Heh, did you peep in my room?” Namula naman ang pisngi ko sa naging paratang niya. “Excuse me!” “Guilty,” bulong niya at tumalikod na sa akin. Is he for real? Bakit ako ang lumabas na masama? “Hindi ko alam, okay? Malay ko bang pareho pala tayo ng taste sa damit,” sabi ko at inirapan siya. Ngumisi naman siya at nilagay ang kanang kamay sa

