Sa di kalayuan ay matatanaw,sila Trixie at Eloisa na papalapit kay Rommel ng mga sandaling iyon… "Hi, Rommel, congratulations ha,ang galing mo talaga!" masayang bati ni Eloisa sa kanya… Napakunot naman ng noo si Rommel,dahil bad trip pa din ito sa inasal ni Thea… "A-anong ginagawa nyo dito? akala ko ba,uuwi ka na sa Pampanga kahapon Eloisa?" nagtatakang tanong ni Rommel…." Naku,hindi muna ko tumuloy,kasi nabanggit nga nitong si Trixie na may laro nga daw kayo..Bakit hindi ka ba,masaya na nakita mo ko dito ngayon?" "Grabe,halos mamalat na ko kakasigaw dun,sayo kanina ah! Pero ok lang nag-enjoy naman ako.." kwento nito na halos maubusan na nga ng boses… "Tara na,Eloisa,baka may gagawin pa si Rommel.." aya ng kanyang kaibigan "Aba! Teka naku! mag merienda muna tayo…" aya ni Eloisa sa da

