Chapter 6: Ang Pag-aalala Ni Thea

2034 Words
Cross may heart…mga katagang hindi na yata,naalala ni Rommel sa mga panahong ito..Kay bilis lumipas ng panahon,ngunit kailanman sa mga alaala ni Thea ay sariwa pa ang mga ito..Hindi nya malilimutan ang kanilang matamis na nagdaan..Dahil para sa kanya ay tanging si Rommel lamang ang kanyang mamahalin Sa pag-alis ni Rommel,upang makipag sapalaran sa bago nitong trabaho ay kailangan din ni Thea na tulungan ang asawa..Upang makaraos sila sa buhay,hindi na rin sanay si Thea na umaasa na lamang sa kung ano ang maibibigay ng asawa… "Nay,nay.." tawag ni Daniel sa kanya.. "O,bakit anak? nandito ako sa kusina…" sagot nya sa anak "Si tatay po?" "Abay nakaalis na bakit?" tanong ni Thea sa anak na nakakunot ang noo…"ah,eh,wala po nay,usapang lalaki po yun,namin ni tatay,di pwedeng sabihin…" tawa ni Daniel,na may pagkahawig din sa ngiti ng kanyang ama.. "Sus,ano ba yun ha? bakit naman di pwede sabihin?" tanong nya sa anak Sa darating naman si Julie upang makisawsaw sa kanilang usapan… "Hay naku nay,parang alam na alam ko nayan..May pangako na naman sayo si tatay noh? yung bisekleta na napakatagal na?" tanong ni Julie na waring nang-aasar pa "Hindi ah.." pag kukunwari naman ni Daniel "Naku,naku,lam ko nayan,asa ka pa ba Daniel.." tanong ulit ni Julie sa kapatid…Sa pagkakataong yun ay hindi na umimik si Daniel "Naku,hala,kumain na kayo at maaga pa kayo sa eskwela, mamaya eh yung dalawa naman ang gigisingin ko.At kayo ha,ngayon palang nag-umpisa si tatay nyo sa trabaho ipag pray nyo nalang na maging maayos na sya duon.At magustuhan niya na ang bago nyang trabaho,bago ang lahat nyong hinihiling ha.." pakiusap nya sa mga anak…"opo nay.." magalang naman na tugon ng mga ito… Rinngg…rinnngg…tunog ng di keypad na cellphone ni Thea… "Hay,si Rommel tumatawag…Oh,hello, kumusta? napatawag ka? kumusta bagong work?" tanong ni Thea sa asawa… "Eto ok lang,kaya lang medyo malayo nilalakad namin,bago dumating sa site,wala na kasi nagdadaan na sasakyan duon..Kaya nilalakad nalang namin.." pagkukwento nito… "Kayo kumusta? ang mga bata,pumasok ba?" tanong ni Rommel "Ah oo,nakapasok naman sila…" sagot ni Thea…"eh,mabuti kasya ang pera mo,nag-aabot ba sila nanay?" dugtong pa ni Rommel "Ah,eh hindi pa,hindi pa kami nagkikita ni nanay eh…" sudlong naman ni Thea sa kanilang usapan "Bakit hindi ba nagawi diyan si nanay,hayaan mo tatawagan ko..Kahit bigas lang bigyan kayo diyan.." may pag-aalala sa himig ni Rommel "Naku,naku,huwag na,may pera pa naman ako..Bumale ko kanina sa amo kong pinaglalabahan,kaya wag na ok lang…" saad ni Thea "O sige,ikaw ang bahala,eh ano ginagawa mo ngayon?" tanong ni Rommel "Wala,dito ko sa bahay,nagtutupi ng mga damit,bakit?" "Ah,eh,wala,may naalala lang kasi ko.."sagot ni Rommel "Eh,ano naman yun?" tanong ni Thea habang nagtutupi ng kanilang mga damit…_"Lapit na valentine di ba?" "Ano? valentine? aba'y malayo pa di ba?kakalipat lang ng taon ah!" pagtataka ni Thea sa sinabi ng asawa "Bakit,ayaw mo ba?" tanong ni Rommel na parang naiinis… "ayaw na ano?"...."na sumapit ang valentine…" sagot ni Rommel na parang di alam ang sinasabi "Hoy Rommel,mag-aalauna na ng hapon,di ba may trabaho ka pa? Kumain ka na ba nyan?" "Ahh,o sige,babalik na ko sa trabaho ko..Tapos na break time namin,ingat kayo dyan.."sagot ni Rommel sa asawa Sa sandaling iyon ay tila ba,nabagabag si Thea..Bigla siyang nag-aalala para kay Rommel,danas nya ang minsang pagkawala nito sa sarili..Ito ay dahilan at epekto ng drugs kay Rommel,tuna'y ngang walang masamang maidudulot ito sa katawan at isip ng isang tao..At laganap ito kahit saan dako… "Diyos ko,wag naman po sanang ganun..Nawa'y tigilan na ito ni Rommel at mag focus na lamang sya sa kanyang hanapbuhay..Lord,bigyan mo po siya ng mababait na mga kasama at kaibigan…" dasal ni Thea,habang nag-iisa… Martes ng umaga ay maagang sinimulan ni Thea ang kanyang gawain..Mula sa paghahanda ng almusal ng mga anak,hanggang sa pagliligpit ng hapag na kinainan ng mga ito.. Kailangan din nyang,makaalis kaagad,upang pumasok naman sa kanyang paglalabahan sa araw na iyon..Dahil kung matatandaan ay bumale na sya dito,upang may maipang gastos sila sa bahay… Tok..tok..tok… "Huh! may kumakatok,sino naman kaya yun?" Tok..tok..tok.. "Sandali lang,nandyan na.." sagot ni Thea,habang papalapit sa may pintuan "Ano ba Thea,ang tagal mo namang magbukas ng pinto,eh mabigat itong dala dala ko!" reklamo ng kanyang biyanang si nanay Flora ng mabungaran nya ito sa may pintuan.. "Hay naku,ano ba't tanghali na eh,di yata't natutulog ka pa ha? kaya wala kayong pag-asenso eh..Kita mo,malayong malayo ang buhay ninyo ni Rommel sa buhay ng mga kapatid nya.." patuloy ng kanyang byanan.. gustong tumalikod ni Thea,dahil napakaaga pa nuon at sa kanyang palagay ay hindi ito ang tamang panahon para dyan..Isa pa,ay nagmamadali din sya… "Pasensya na ho na'y,paalis din ho ako eh, naghihintay na ho yung amo ko..Maraming salamat ho sa mga dala nyo…" sagot ni Thea na may pagmamadali.. "Hay,hindi ka sakin dapat magpasalamat! kundi sa mga kapatid nya,sila nagpadala nyan..Eh kung nagtapos ba naman kayo ng pag-aaral eh di sana, ngayon hindi ganito ang inyong buhay..Engineer Sana si Rommel ko ngayon.." mahabang saad ng kanyang biyanan,na ibig pa yatang ikwento ang kahapon sa haba ng sinabi nito… "A-ah,eh,nay baka ho gusto nyo munang magkape? ititimpla ko ho kayo.." paanyaya ni Thea dito "Hmp! at ano ba yang mga tasa nyo Thea? plastic? sa palagay mo ba'y iinom ako sa ganyan?" sagot nitong naiinis.. "Sige na,uuwi na rin ako,kundi lamang nagbilin si Rommel,baka magutom kayo,eh ako pa masisi.." Chapter 7: Sa di kalayuan ay matatanaw,sila Trixie at Eloisa na papalapit kay Rommel ng mga sandaling iyon… "Hi, Rommel, congratulations ha,ang galing mo talaga!" masayang bati ni Eloisa sa kanya… Napakunot naman ng noo si Rommel,dahil bad trip pa din ito sa inasal ni Thea… "A-anong ginagawa nyo dito?,akala ko ba,uuwi ka na sa Pampanga kahapon Eloisa?" nagtatakang tanong ni Rommel…."Naku,hindi muna ko tumuloy,kasi nabanggit nga nitong si Trixie na may laro nga daw kayo..Bakit hindi ka ba,masaya na nakita mo ko dito ngayon?" "Grabe,halos mamalat na ko kakasigaw dun,sayo kanina ah! Pero ok lang nag-enjoy naman ako.." kwento nito na halos maubusan na nga ng boses… "Tara na,Eloisa,baka may gagawin pa si Rommel.." aya ng kanyang kaibigan "Aba! Teka naku! mag merienda muna tayo…" sya ni Eloisa sa dalawa,ngunit tumanggi si Rommel… "Sige kayo nalang muna siguro,kasi may pag-usapan pa kaming,magka kasamahan at saka si coach,Baka hinihintay na nila ko…" tugon na lamang ni Rommel sa dalawa "Maraming salamat nga Pala,elois, Trixie,sige tuloy na ko…" sabay talikod na si Rommel… Wala namang nagawa si Eloisa,kundi tanawin na lamang ito.. "Bakit kaya,biglang parang masungit si Rommel Trixie?" tanong nya sa kaibigan.. "Hindi nya kasama si Thea,kanina parang natanaw ko magkausap pa sila..Hindi kaya nag-aaway nayung dalawa?" aya ni Trixie sa kaibigan.. "Ikaw kasi eh,sabi ko naman sayo may gf na si Rommel.." "Hoy! Trixie,mas malulungkot ako kung sasabihin mo na may asawa na si Rommel noh!" pigsi ni Eloisa sa kaibigan… "hay naku,asa ka pa kung ganun friend,tara na nga…" sagot naman ni Trixie na waring nakukulitan na sa kausap… Kinabukasan,araw ng sabado,maaga pa ay tila balisa na si Rommel..Kailangan nyang makausap si Thea,dangan nga lamang at hindi sya nagkaroon ng pagkakataon kahapon na makausap ito dahil sa abala ang kanilang team kahapon.. "Hoy! Rommel anak,bakit ang aga mo namang gumising ha? di bat wala ka namang pasok?matulog ka na muna riyan anak at magpahinga.. Magluluto lang muna ako ng almusal natin.." bati ng kanyang Ina.. "Sige ho nay,magluto na kayo..May pupuntahan lang ho ako sandali..Babalik din ho ako agad.." Mabilis na sumakay ng kanyang bisekleta si Rommel…"aba't hoy,hoy Rommel! pumarine ka nga muna,hoy!" sigaw ng kanyang ina… "Bakit ho nay,san ba pupunta si Rommel?" tanong ng kuya ni Rommel,na nuon ay nagulat sa sigaw ng kanilang Ina…"naku,ewan ko ba sa batang yun,ka aga aga eh!"may pagkainis na sabi ng babae… "Eh baka ho kila Thea nay,balita ko gf nya nayun.." sambit ng kuya ni Rommel na si Jojo…_"Ano-ano kamo? May gf na si Rommel?" tanong nito na parang medyo nataranta sa narinig.. "Oho nay,tama ho ang inyong narinig,may gf na ho si Rommel,si Thea,anak ni ka Elma,diyan sa may kabilang kanto…" Tila natigilan ang kanyang ina sa narinig… "Ah,oo,kilala ko si Elma at yung anak nyang si Thea..S*lb*heng bata yun,bakit hindi niya sinasabi sakin?" "Eh pano hong sasabihin sainyo,eh di nagalit kayo..Dahil mahigpit ang bilin ninyo na wag muna syang manligaw.." tugon ng anak nyang si Jojo… "Naku eh,malapit na sya makatapos ng high school,kaya inaasikaso ko na na makakuha sya ng scholarship para sa kanyang pag-aaral sa college…Ano bang uunahin nya pag-aaral o makipag ligawan?... Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.. "Hay naku,pangarap ko siyang maging engineer,eh baka mamaya,hindi pa matupad yun ng dahil dyan!" Galit na sabi nito kay Jojo… "Hoy,Jojo,kaya mamaya,pagsabihan mo yang kapatid mo ha?..Bago ko pa yan mapagalitan..Baka kung ano pang masabi ko.." "Oh nay,puso nyo…kayo naman oh,hindi pa naman mag-aasawa si Rommel nay, syempre mag-aaral pa ho yun..Sa panahon ho kasi ngayon,ganun na talaga ang mga kabataan…" parang batang alo ni Rommel sa ina.. "Nagkakaroon ng kasintahan, pero hindi ho ibig sabihin nun eh,mag-aasawa na…" patuloy ni Jojo.. "Hoy Thea,ano ba yan at ang aga,aga mong nakapanga lumbaba sa bintana anak ha? may prublema ka ba?" tanong ng inang si Elma sa anak.. "Ahh,wala ho nay," malungkot nyang sagot.._"abay,kung inaantok ka pa eh,matulog ka pa diyan at ako'y pupunta lang muna sa palengke..May bisitang darating ang tatay mo mamaya,kaya magluluto ako.." "O sige ho nay,ingat ho kayo..Kasama mo nay si ate?" tanong ni Thea sa ina… "Oo,oh sige na at kanina pa naghihintay ang tatay mo sa labas…" paalam nito sa anak Habang nag-iisip si Thea,sa may bintana ay may napansin syang lalaking biglang dumaan at nakatingin sa kanya… "Huh! si Rommel yun ah" sambit ng isip nya.. "Huy! Thea,Thea,ano ba pwede ba tayong mag-usap?" sigaw ni Rommel kay Thea,habang nasa bintana naman ng itaas ng kanilang bahay ang dalaga.. Nagulat pa si Thea,ngunit bakas sa kanyang mukha ang lihim na pagkakilig Dito..Habang si Rommel ay may suot na puting t-shirt,asul na short at white na rubber shoes..Hindi rin nagtataka si Thea na marami din ang ma in love sa kanyang nobyo.. Ngunit, kailangan niyang nagpakipot,mag galit galalitan sa pagkakataong iyon..Kaya hindi nya ito pinansin.. "Huy! Thea,noh ba? bakit ka ba nagagalit sakin? nahihirapan na ko ah,noh ba kasalanan ko?" "Ganun naman pala eh, nahihirapan ka na,e di umuwi ka na!" sagot ni Thea sa nobyo… "Noh ba? eto o,may dala pa naman ako sayo…" sabay pakita nito ng kanyang dala dala… "Ano ba yan?" tanong ni Thea sa kanya…"pandesal..he he,binili ko diyan sa kanto…" natatawang sabi nito "Aba! at may balak ka pa yata ma ki kape dito samin ah!" inis na sabi ni Thea "Ah,eh,pwede ba? Di pa nga ko nagkakape eh,he he..Ang aga ko dito oh…" "Aba't,nang-aasar ka ba? bakit sinabi ko ba na pumunta ka ng maaga dito?" tanong ni Thea,na nuon ay waring inis na inis na sa kausap… "Sige na,patawarin mo na ko,anuman ang kasalanang di ko alam…" pagsamo ni Rommel "Ikaw kasi eh,babaero ka!" turan ni Thea dito.. "Ano? at kelan naman ako ng nambabae? di ko yata alam yun ah!" nagulat pa si Rommel sa sinabi nayun ni Thea… "Masyado kang lapitin ng mga babae!" may pagseselos na sabi ni Thea.. "Lapitin lang,pero hindi ako babaero,alam mo naman na ikaw lang ang babae sa buhay ko…" "Sinungaling! may Eloisa ka pa,hoy kilala ko yung babae nayun,barkada din yun ng pinsan ko noh!" sagot ni Thea… "Ano si Eloisa? ha ha" sabay tawa si Rommel "At anong nakakatawa ha? narinig ko usapan nila kahapon,habang nagtititili sayo babae nayun!" "Susmaryosep! naman! pwede ba,wala akong gusto sa kanya..Nag-aaksaya ka lang ng galit mo..Tingnan mo,ang aga aga eh,pumapangit ka na agad…" panunukso ni Rommel "Lika na,bumaba ka na dito,samahan mo ko,kainin tong pandesal,sayang toh..Nandyan ba sila nanay Elma mo?" tanong ni Rommel…"Wala,wala sila,nasa palengke.." "O tara na,tayo nalang,mag-almusal,baba ka na.." aya ni Rommel sa kasintahan…Ngunit… "Ayoko nga,mangako ka muna.." ismid ni Thea sa kausap… "Ano? at ano naman ang ipapangako ko?" tanong nito.. "Na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako,ako lang dyan sa puso mo…" bigkas ni Thea,na may paninigiro …"Asus,yun lang pala,o sige pangako…" at itinaas pa ni Rommel ang kanyang kanang kamay "Talaga? talaga lang ha? Cross your heart?" ani Thea na mistulang batang naglalambing… Napatawa nalang si Rommel,sabay sa paglabas ng dimples nito sa kanyang mga pisngi… "Ha ha,oo,cross may heart…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD