Ang Lambingan sa pagitan nilang
mag-asawa ay matagal ng nawala..Dulot ng masalimuot nilang pagsasama,ito ang resulta ng mga bisyo ni Rommel,masasabing nawala o marahil nabawasan ang labis na pagmamahal ni Thea dito..
Nagkalayo ang kapwa nila kalooban.Marahil kundi lamang sa kanilang apat na anak ay matagal na silang hiwalay..
"Para sayo.." masuyong iniabot ni Rommel kay Thea ang nakakahon pang chocolates…"O ano yan? wag mong sabihin na,binawasan mo pa yung baon mo? he he…" tanong ni Thea,na may pang-aasar…"Kahit maglakad pa ko pauwi samin,o kahit hindi na ko mag merienda sa school,mabili lang kita nito..Happy Anniversary…" nakangiting sabi nito sa kay Thea..
"Ang galing noh? limang buwan na tayo eh samantalang kailan lang eh sabi ko sayo eh,wag mo muna kong ligawan..
Napangiti nalang si Rommel sa tinuran ni Thea..Hindi nya maiwasang titingnan ang maamong mukha nito..
"Nga pala,kumusta na si Joy?..." tanong ni Thea sa kasintahan
"Ayun,umalis na nuong isang araw,umalis na halatang masama ang loob..Tuluyan na yatang papasok sa kumbento ang isang yun.." nakayuko si Rommel sa kanya,habang
nagkukwento…" nalungkot din si Thea,sa narinig
"eh bakit ba kasi hindi mo sya,binigyan ng halaga,eh kita mo,mahal na mahal ka nya..Una mo naman sya nakilala sakin di ba?" tanong ni Thea….
"Kita mo nga,tinupad niya yung sinabi nya na kung hindi lang din ikaw,eh mag ma madre na lamang sya.." patuloy na saad ni Thea
"Oo nga,ngunit sadyang hindi kayang,turuan ang puso kung kanino o sino ang nais mahalin nito…" malungkot na sagot ni Rommel…" at tulad din ni Rose,kaibigan lang ang Turing ko sa kanya,oo mahalaga siya sakin,bilang kaibigan.." patuloy ni Rommel sa mahinang tinig…
Kapwa sila,natigilan…" teka nga,wag na natin syang pag-usapan, anniversary nga pala natin ngayon eh malungkot tayo…”_ "O eto,kala mo ha,ikaw lang ang may regalo, syempre meron din ako sayo…" natutuwang inabot ni Thea ang sulat..
"Ano naman ito?" nakangiti si Rommel na kinuha ang papel..
"Tula yan,ginawa ko,para sayo..Huy! pinaghirapan ko yan kagabi ha..Mamaya mo na basahin,malapit ng mag bell oh,may isang subject pa kami..Tara na.." pag-aaya ni Thea kay Rommel dahil kailangan pa nilang pumasok sa eskwela..
Pag-uwi ni Rommel ay hindi nya nakaligtaan na basahin ang tula ni Thea..Dali dali nya itong kinuha sa kanyang bag..
"Saiyo Mahal Ko"
Tulad mo'y isang paru paro na dumapo dito sa puso ko
At nabighani agad ito
Sa malamnyos mong tinig at salita
Na wari'y hamog sa isang bulaklak
Pag-ibig na wagas,na aking hinahanap
Sayo'y natagpuan sa iisang iglap
Hiling ng puso ko'y wag sanang magbago
Pag-ibig mong tuna'y at totoo
Palaging iisipin pagsinta mo sakin
Laging hahanapin ang iyong paglalambing
Salamat mahal ko, minahal mo ako
Asahang susuklian pag-ibig mong wagas at totoo…
May kung anong lukso sa puso ni Rommel pagkabasa ng tula ng kasintahan at nuon lamang niya nabatid na mahal niya nga ito…
Lihim syang maligaya,dahil sya ang nagustuhan at napili nito sa kabila ng maraming humahanga sa dalaga…
"Hoy! Rommel anak,abay ano ba yan ha at tila kanina ka pa nakatulala dyan ha?" puna ng kanyang ina
"Kanina pa kita inuutusan na bumili ng suka sa tindahan eh,para sa adobong niluluto ko…"
"Ay!oho inay,akina na ho ang pambili…" sagot ni Rommel "Hoy,hoy,ikaw na bata ka ha,baka mamaya eh,may nililigawan ka na riyan ha.Mag-aral ka na munang mabuti at ng makaahon tayo sa hirap…" paalala ng kanyang ina
Hindi na kumibo si Rommel sa tinuran ng Ina
Bagkus ay tumalima na ito sa utos ng ina…
"Hmp! s*lb*heng bata yun ah! at mukhang na iinlove na yata eh,kabata pa..Mga kabataan nga naman ngayon oh.." bulong ng isip ng ina ni Rommel
"Ah,basta,kailangan niya muna makapagtapos ng pag-aaral,bago ang pag-ibig…" ito ang malaking pangarap
ng kanilang ina,na silang magkapatid ay makatapos ng pag-aaral..
Samantalang sa pamilya nila Thea ay ganun din,ang pangarap ng kanyang ama at ina…
"Yeehheyy!! sige lang, Rommel,i shoot mo na ang bola!" sigawan ng mga kadalagahan kay Rommel,habang pinanonood ito sa larong basketball..
Ito ay ang panahon ng kapistahan sa kanilang baryo…
Nandun din si Thea na waring,naiirita sa mga sigaw nayun..Sa di malamang dahilan,ay may pagseselos syang nararamdaman..
Nagawa tuloy nyang mas lakasan pa ang kanyang pagtili habang nag chering sila,isa kasi si Thea sa muse,nila Rommel sa kanilang team…
Habang ang isang dalaga na malapit kay Thea ay sumigaw ng…
"Sige, Rommel kong mahal,galingan mo pa.Malapit na kayong manalo!"
Napalingon nalang si Thea,ngunit napansin ito ng kaibigan,ng babae.." huy,anong sinisigaw mo dyan ha? Di mo ba alam na ayan lang sa malapit ang gf Rommel?" biglang namula ang mga pisngi nito….
"alin? sino?,huh! wala namang sinasabi si Rommel na may gf na siya?"...tugon ng babaeng si Eloisa…
"Anong wala? bakit nanliligaw ba saiyo si Rommel?" tanong ni Trixie sa kanya
Bigla nalang ang marahang pag ngiti ni Eloisa sa kanyang mga labi,bagay naman na ikinabahala ni Trixie para sa kaibigan..
Ang lahat nilang pinag-usapan ay hindi nalihim kay Thea,na nuon ay lihim palang nakikinig lamang sa kanila…
Habang si Rommel naman ay abala nuon sa malapit ng matapos nilang paglalaro ng basketball…
Maluwag ang ngiti sa labi ni Rommel ng salubungin nya si Thea…Dahil sila na rin ang nagwagi sa laro…
"Hello,mahal, nagustuhan mo ba yung laban namin? Oh,ano ok ba? maganda ba ginawa ko?" sunod sunod na tanong ni Rommel sa kasintahan
"Ah,oo ganda ng ginawa mo,gustong gusto ko..Ganda din ng nalaman ko,mula saiyo kaya dyan ka na! manloloko!"
"Abay,teka sandali lang Thea,ano ba yun?" gulay na pigil nito sa kasintahan
"Anong manloloko? kelan at bakit kita niloko? Thea, please,sandali lang!"
Tumakbo ng mabilis si Thea habang sapo ang dibdib, samantalang walang nagawa ang nagtatakang si Rommel…