"Huy! tinatanong kita ang sabi ko, ang mga bata?" ani Rommel
"H-ha ah eh, nasa eskwela pa nga eh, may pasok ngayon di ba?" sagot ni Thea
Hindi malaman ni Thea kung matutuwa o kakabahan sa tanong ng asawa. Bakit nga ba? may naglaro kaya sa isip nito o sadyang isip lang nya ang mapaglaro..
"Bakit mo tinatanong?" sabay lingon nya sa asawa na noon ay nag-aalis ng pantalon
Biglang napalunok si Thea sa nakita. Ano ba itong naisip nya?
"Wala, gusto ko lang matulog, habang tahimik pa ang paligid…" tugon ni Rommel sa kanya, sabay higa nito sa kanilang papag
Naiwan si Thea na inaayos sa mesa ang mga dala ng asawa..Ngunit di nawaglit sa isip nya ang isiping kailan nga ba sila huling nagniig ng asawa?
Ahhh…Wala yata syang maalala na maganda at masaya sa huling pagniniig na iyon.. Bagkus, ito'y puno ng pait at lungkot..
Flashback..
"Aaahh…Tama na Rommel.." pagmamakaawa ni Thea sa kanyang asawa na kanyang kaniig ng mga sandaling iyon..
"Itigil mo na mga kahibangan mo!..." pagpiglas nya
"Tigilan mo na ko!" sabay tatayo na sana si Thea, ngunit mabilis siyang nahawakan nito, sabay hila sa kanya
Tila walang naintindihan si Rommel sa kanyang mga sinasabi, at waring hayok ito sa laman..Mabilis na kumilos si Thea upang itulak sya..
Nakawala sya sa lalaki,ngunit biglang dumapo ang palad nito sa kanyang kanang pisngi na labis niyang kinagulat..
"Langya, kang babae ka, binibitin mo ako ha!" sigaw nito sa kanya na galit na galit
"Lasing ka eh, at naka droga ka pa yata, nasasaktan na ko sa ginagawa mo!" sabay luha ni Thea…
"Ano? Anong sinabi mo? Ako naka droga? sabay hawak nito sa mala angel na mukha niyang mukha
"Gusto,g-gusto mo, p-patayin na kita ngayon ha? h-ha? tutal wala ka namang silbi!" pagbabanta ni Rommel sa kanya
Halos hindi naman makagalaw si Thea sa mahigpit na hawak ni Rommel sa kanyang mukha..
"S-sige,gawin mo! tutal pagod na pagod na rin ako, sayo at sa buhay na binibigay mo!.." sigaw nya
Lalong nanlisik ang mga mata ni Rommel sa narinig
"Langya ka talagang babae ka! Kahit kelan nalang hindi ka nakukuntento! etong sayo!" galit nitong sabi
"Ummp,ummp!" mabilis na dumapo ang kamao ni Rommel sa sikmura ni Thea, bagay na ikinabuwal ng babae..
Sabay, bihis naman si Rommel at lumabas ng bahay..
"Aray!aray ko po! aaghh..Inay,inay ko, hu hu hu" tangis ni Thea habang sapo ang sariling sikmura..
"Diyos ko,hanggang kailan ko siya pagtitiisan? bakit Panginoon? bakit?" naluluha niyang sambit
Sa pagninilay nilay ni Thea ay hindi nya namalayan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata samantalang marahan nyang naramdaman ang pagdampi ng isang palad sa kanyang balikat..
Bigla syang napatingin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya na si Rommel iyon..
Dagli nyang hinawi ang mga kamay na yun at mabilis na tumalikod..
"O saan ka pupunta, Althea?" tanong ni Rommel
"Hoy, Althea, kinakausap pa kita!" bulyaw nito sa kanya "
"A,e-e,wala,sasalunuan ko lang ang mga bata,ayan na kasi ang ulan sagot nya" sabay takbo ng mabilis palayo sa asawa
Iniwan nya si Rommel habang nagtataka sa kanya…
"Anong nangyari sa babaeng yun? nalilipasan yata madalas ng gutom.." tanong nito sa sarili
"Daig pang nakakita ng multo.." patuloy niya
Woo ohh… woo ohh…dagundong ng malakas na hangin sa labas..
Napapiglas sa pagkakahiga si Thea, sabay ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente..
"Thea,Thea nasan ka ba?" tawag ni Rommel sa kanya na noon ay nakahiga sa katabi nilang kwarto..Dahil ang mag-asawa ay matagal ng hindi nagtatabi sa pagtulog, kasama ni Thea ang mga anak sa isang silid, habang si Rommel naman ang nasa kabila..
"Bakit ang dilim?" tanong ni Rommel sa kanya…
"Di ba obvious na walang ilaw?" may pagkairitang tugon nya
"Ikaw kasi eh,wala kang ginawa diyan kundi matulog!" inis na sabi ni Thea
"Aba't ang luka,hindi ba't pagod ako?" singhal naman ni Rommel
"Pagod? eh san ka ba na pagod? wala ka pa namang trabaho ha? Hindi ba't sa lunes ka pa mag-umpisa doon sa bago mong papasukan?" tanong ni Thea na may pagkainis
"Bagong trabaho na naman na halos buong pilipinas yata eh, nalibot mo na kaka apply…" sabi niya
"Hoy Thea! tumigil ka na ha, kung ayaw mong sapakin kita dyan! kahit hindi kita nakikita dahil madilim.." banat nito sa kanya
"Nay,Tay, tumigil na nga kayo, bumabagyo na eh, nag-aaway pa kayo!" awat ni Julie
At si Daniel na ang tumayo upang maghanap ng kandila..Habang ang dalawa pang anak ni Thea ay takot na takot sa malakas na hangin..
"Ang nanay nyo eh, masyadong bungangera!" sagot ni Rommel na ibig pa yatang maghamon ng away sa kasagsagan ng bagyo
Pinili na lamang ni Thea na tumahimik sa pagkakataong iyon, dahil alam naman niya na hindi sya, mananalo kay Rommel. Lalo na sa usaping pag-inom nito ng alak, dahil walang nakakapigil dito maging ang kanyang Ina at mga kapatid..
Responsable sanang asawa ito, kung hindi lamang sa mga bisyo nito dala ng barkada.. Dadapwa't mabait na tao si Rommel, lahat lamang ng klase ng tao ay pinakikisamahan nito,maging ang mga taong nagdadala sa kanya ng tuluyang pagkasira..
Ganunpaman, ay mabuti pa ding ama ito sa kanyang mga anak.. Kahit mamalimos ito sa kanyang mga kapatid ay ginagawa nito, basta may maiuwi lamang sa kanilang hapag..
Kaya lamang, sadyang mahirap ang kanilang buhay, kaya hindi sumasapat ang kanilang kita, sabayan pa ng pag-aaral ng kanilang mga anak..
Lunes..maagang naghahanda si Rommel sa pagluwas sa Maynila, upang bumiyahe patungong Batangas, kung saan nakakuha ito ng trabaho sa tulong ng isang nyang kaibigan..Nagdala din ito ng madaming damit, dahil sa magiging kinsenas ang uwi niya..
Makikita naman si Thea na abala sa kusina habang naghahanda ng makakain..
"O, ang aga mong nagising, alas kwatro palang ng madaling araw" bungad ni Rommel sa kanya, habang lumalabas ng kwarto..Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, marahil ay sa bago nitong trabaho..
"A,e..nagluto ako para makakain ka bago ka umalis.." mahina nyang tugon sa asawa
"Ah ganon ba? eh, buti may pera ka?" tanong ni Rommel "
"O-oo, kumita ko kahapon" tugon ni Thea habang naghahain ng mga sandaling iyon
"Meron lang sana akong hihilingin sayo.." sambit ni Rommel sa mahinang tinig
"A-ano yun? ano yun Rommel?" aniya
"Gusto ko sanang tigilan mo na ang paglalabada at pag raket raket mo ng kung ano-ano, asikasuhin mo na lamang ang mga bata. Sakaling sumahod na ako eh tuloy tuloy na yan.."
Gustong mapatalon sa tuwa ni Thea sa narinig sa asawa..
"Si Rommel na nga ba ito? Nagbalik na nga ba ang dating si Rommel?" tanong ng kanyang isip
Ito na yata, ang lalaking kanyang pinakasalan noon, isang Rommel na mabait at mapagmahal na kabiyak..
"Kumain ka na,habang mainit pa yung ulam at sinangang" aya nya kay Rommel "
Agad namang tumalima si Rommel sa hapag upang kumain..
Matapos kumain ay, naghanda na si Rommel sa kanyang pag-alis..
"Wag mong pababayaan ang mga bata ha? nagbilin ako sa nanay na abut-abutan kayo, habang wala pa kong sweldo.." bilin ni Rommel sa kanya
"Salamat kung ganon, mag-iingat ka.." iyon na lamang ang mga katagang nasabi nya sa asawa bago ito tuluyang umalis..
At lumabas na nga siya ng bahay..
Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng maisipan ni Rommel na bumalik sa loob ng kanilang bahay..