"Huy Thea..ano ba? kanina pa ko salita ng salita dito ah! nakikinig ka ba?"
"Ha? a,eh,oo naman…"
"O ano gusto mo ba?" tanong nito sa kanya
"Eh,sige pag-iisipan ko"
"Ano nga ba trabaho nitong si Rommel?"
"Ah e-e,meron naman paminsan minsan…" tugon nya
"Ah e,parang kay Richard Reynoso,ko lang,naririnig yan ah! yung paminsan minsan…"
"Ang totoo kasi eh,dati na kong nagtrabaho din sa Insurance company,ayun wala sya ginawa kundi magselos ng magselos,kaya napilitan nalang akong umalis…" sagot nya sa kaibigan.
" Naku Thea di kaya,panahon na para gumising ka naman at ayusin ang sarili mo?..Wag kang padala sa kanya"
" Masarap pa ding mabuhay" payo ng kaibigan..
Nagulat pa si Thea habang naglalakad sa kahabaan ng tulay na kanyang binabagtas,nagulat pa sya kung sinong lalaki ang sumusunod sa kanya…
"H-ha?ikaw..bakit mo ba ko,ginugulat Rommel?Ano prublema mo?"
"E-eh may gusto sana kong ibigay sayo.." sabay abot sa kanya ng tatlong piraso Ng Rosas…
"Ano to?" tanong nya
"Eh di Rose para sayo"
"Eh saan mo naman nakuha to?.."
"Eh di,pinitas ko dyan,este hiningi ko dyan sa halamanan ni aling Luding.." sabay tawa ni Rommel
"Naku,kinuha mo lang to duon eh,at saka bakit mo ba sakin,ibinibigay to?"
"Bakit kanino ba dapat?" Tanong nito na may pagtataka
"Kanino pa,eh di kay Rose,tutal Rose naman toh db?"sagot ni Thea na medyo naiinis..
"H-ha,bakit?"..."bakit,eh di nakita ko kayo,kahapon na sweet na sweet.."
"Ah yun ba? haha..Wala yun,matagal ko ng kaibigan si Rose.."
"Ikaw Rommel wag mo ko pinagloloko ha!" sabay takbo nya
"Diyan ka na.."
"Ayaw mo ba,talaga?" patakbong sigaw ni Rommel upang habulin sya
"Sige ka ibibigay ko nalang talaga ito kay Rose,bahala ka.." sabay tigil ni Rommel sa pagtakbo
"Amina nga,bawi bigla ni Thea.." ilalagay ko lang din Dito sa notebook ko…"sabay baling nyang muli kay Rommel
"Ikaw kasi eh,may patakbo takbo ka pa" sabi ni Rommel na medyo hiningal..
"Tara na,pumasok na tayo sa school late na ko.."pagmamadali ni Thea
"Oooppss..Teka muna Rommel,basta,ipangako mo sakin na hindi mo muna ko liligawan,kasi mga bata pa tayo ha? aral muna tayo…"
"Oo nga,kaso ang daming nanliiligaw sayo.." ha ha,baka maunahan pa ko.."
"Maloko ka talaga.." sabay tapik nya sa braso ni Rommel
Pero parang sya àng nasaktan sa ginawa nyang pag tapik kay Rommel
"Aray ko!" bigla nalang nyang nasabi,yun pala'y nahulog na sya sa sofa na kanyang tinulugan kanina,sa sobrang pagod nya sa paglalabada..
At bigla nalang iniluwa ng pintuan ang bulto ni Rommel,na nagulat pa sa kanya..
"Huy,itimpla mo nga ko ng kape.." sambit nito habang naghuhubad ng sapatos
"Eh,wala na tayong kape.." tugon naman niya.."
"Langyang bahay toh, tuwing uuwi ako walang kape…" sambit nito na nakarehistro sa mukha ang pagkainis
"At ano bang ginagawa mo sa sahig kanina ha? nanghuhuli ka ba ng palaka?" insulto nito sa kanya..
Tinalikuran na lamang ni Thea ang Asawa…
"Hmp! bwisit ka,kung alam mo lang na ikaw ang prince charming sa panaginip ko.." sabi ng isip ni Thea
Eh,bakit ko pa nga ba,napanaginipan yun,tagal na nun ah,pero sayang panaginip lang pala..Sana hindi nalang ako nagising..bulong ni Thea sa sarili habang naghuhugas Ng mga pinggan..
"Inay..inay.."malakas na tawag ni Kyle..Ang bunsong anak ni thea..habang bit bit ang kanyang card galing ng eskwela.."nay tingnan mo po toh ang taas po ng mga grades ko..Pinaghirapan ko po yan nay.." pagmamalaki nito sa kanya..
"Ha? tlaga ba anak?opo ayaw ko na po kayong nakikita na nahihirapan sa paglalabada nya…"sabay yakap nito sa kanya..
"Paglaki ko nay,ako na po mag-aalaga sainyo.Kaya mag-aaral po akong mabuti.." di malaman ni Thea ang madarama sa tinuran ng kanyang anak..samantalang ito ay nasa ikaapat na baitang lamang ng kanyang pag-aaral..
"Oooppss..oops,ano yan ha?"biglang nasa likod na pala nila si Julie na nuo'y kanina pa nakatingin sa kanila…"bakit kayo nag-da drama mag nanay ha?"
"Ah,ito kasing si Kyle eh,mataas ang marka sa card nya,mag-aaral daw sya ng mabuti at siya na ang mag-aalaga sakin.." napatingin si Thea kay Julie
"Naku naman ang bunso namin.." sabay bigla nyang kinalong si Kyle…
"Ok yan bunso,ituloy mo lang yan,pero bago yan..kami muna ni kuya Daniel mo ha..Ang tutulong kay nanay"
"Makakapasok ka ba na candy lang ang baon? Kasi kami ni kuya Daniel mo nuon candy lang ang baon eh.."
"Hihihi.." parang munting angel na tawa ni Kyle.."eh binibigyan naman po ako ni tatay minsan.."pagmamalaki pa nito..
Eto na nman narinig na naman ni Thea yung salitang minsan..bulong ng isip nya..
Mataas ang sikat ng araw,ngunit tila hindi nahahapo sa pagkatok sa kanilang pintuan ang isang matandang babae..
"Rommel, Rommel,nasan ba kayo?" tawag nito..
Sabay sa pagbukas ng pinto ang biglang pagsimangot nito ng si Thea ang nabungaran..
"Ay,kayo po pala inay,mano po.."
"Naku,naku Thea,matagal ka ng asawa ng anak ko pero hanggang ngayon hindi mo pa rin alam na hindi kami nagpapa mano..Wala sa kaugalian ng relihiyon namin yan.."pagsusungit nito sa kanya..
"Mataas na ang araw eh,natutulog ka pa yata.."puna na naman ng kanyang biyanang babae,na kahit kailan yata ay hindi na mababago pa ang pagkaayaw nito sa kanya..
"Pagod lang ho ako kahapon…"
"O sya aalis na ko at wala naman si Rommel dito,nga pala sinabi ba sayo na humihingi yun ng pang apply sa ate? At ang sabi eh my aaplyan na nman na trabaho.."
"Eh wala ho,wala hong nabanggit sakin.." matabang na tugon ni Thea sa kanyang biyanan..
Pagkaalis nito ay muli na namang napaisip si Thea..
"Manghihingi na naman ng tulong sa kapatid nya,at pagkatapos nun ano? ilang buwan lang sa pagtatrabaho eh..aalis na naman,magsasawa na naman..Hayyysss.." sabi ng isip ni Thea
Naisip din bigla ni Thea na kung nakapagtapos lamang sila ng pag- aaral nuon ay hindi sana ganito ang kinahinatnan ng kanilang buhay..Sa parteng iyun ng buhay ni Thea ay malabis nyang pinagsisisihan..
Bigla nyang naalala ang mga payo ng kanyang ama…
Ang mga sandaling magkakasama pa silang kumakain sa isang hapag at masaya..
"Anak Thea,mag-aaral kang mabuti ha anak,dalawa lamang kayong magkapatid at alam mo naman na ang ate mo ay mahina kaya ikaw sana ang pag-asa namin.." saad ng kanyang ama..
"Ang sakin naman anak eh, basta kung ako'y wala na,alagaan ninyong mabuti ang inyong ina…" saad nito
Bigla naman napayakap si Thea sa kanyang tatay. "Tay naman,kung anu-ano ang sinasabi,matagal ka pa Tay mawawala.Makikita mo pa kong nakapagtapos.." ngiti na lamang sa mga labi ang iginanti ng kanyang ama..
Di na namalayan ni Thea ang bigla pagtulo ng kanyang luha sa pag gunita sa kanyang ama..Rumihistro sa kanyang alaala ang mukha nito na ngayon ay matanda na,ngunit hindi nya mabigyan ng kaligayahan at kaginhawahan ang kanyang mga magulang,bagkus ay siya pa ngayon ang tinutulungan ng mga ito.
"Ayyy!" bigla nalang nagulat si Thea sa lakas ng mga kulog at kidlat…
"Naku,mukhang malakas ang bagyong padating ah…" sa darating si Rommel na madaming bit-bit
"O saan galing ang mga yan?" tanong nya sa asawa.." padala ni nanay,galing kay ate.." tugon nito
"Naku! malakas daw ang bagyo ah"
"Oo nga eh,paano na kaya,itong bubong natin,baka liparin?"...tugon nya sa asawa na nuon ay nagpapalit ng damit
"Wag,mo munang intindihin yun,eh wala pa naman eh.." tugon nito na medyo naka ngiti..
"Bah! mukha yatang maganda ang tubig ah!" isip nya
"Diyan ba yung mga bata?" tanong nito…