Chapter 2: Thea's Sacrifices

944 Words
"Nay,lasing na naman si tatay wag nyo na awayin ha? para tahimik naman itong bahay..He he.." "Hmp! ano pa nga ba ang mapapala ko?" sagot nya sa anak.." hayaan mo na yan nay, time will come nay ma realize din nya mga pagkukulang nya.." "Asa ka pa ha?.." pigsi nya sa anak.."abay oo naman nay,patuloy pa din akong nagdarasal..umaasa na isang araw..makikita ko uli si tatay na maayos at masaya.." Pag-alis ni Julie ay sabay ng lumabas ng bahay si Thea..kailangan nyang gumawa ng paraan upang mapakain pa ang ibang anak.. "Huy..Thea..Thea.." tawag ng isang babae sa kanya sa may tindahan.. "Thea..Ikaw ba yan? ako toh si Rona yung classmate mo nung high school.." "Ay..grabe! anong nangyari sayo? bakit ganyan ang itsura mo? halika nga muna dito at magkwentuhan tayo.." "Rona?ay ikaw pala yan Rona hindi kita nakilala.." "Luka, mas hindi kita nakilala..kaya tinitigan pa kita mabuti habang papalapit ka.." "Huy! ano ba kumusta ang buhay natin ngayon?" tanong nito "Kayo pala ni Rommel din ang nagkatuluyan noh? nabalitaan ko lang dati.. "Oo..at ano pa bang nabalitaan mo?nga pala buti nandito ka?" "Eh kasi yung pamangkin ko ay nakapag- asawa ng tiga rito sa malapit sainyo..kaya dinalaw ko..dati na ko nagpupunta dito pero ngayon lang kita nakita.." "At nasorpresa ka sakin? sa kung ano may itsura na ko ngayon? malayong malayo nuon..nung high school palang tayo.." "Ah..Hindi naman,anyway sorry ha..sorry kanina.." tugon nito "Hindi, ok lang yun..totoo naman yun..Yung dating muse ninyo eh nawala na yung ganda..anyway hindi lang naman ganda ang nawala pati self confidence at ganang mabuhay ay nawala rin..pati ngiti sa mga labi..Ang dating si Thea ay wala na.." "Friend, wag ka namang magsalita ng ganyan..may mga anak pa tayo na nagpapasaya satin.. Kanya kanya lang talaga siguro ng kapalaran yan.." "Ikaw kasi eh..Hindi ka man lang umaatend ng reunion natin..Panay invite daw sayo nung iba nating classmate palagi kang wala at hindi ka nila natagpuan.." "Saan ka ba naglalagi?" tanong nito sa kanya na may pagtataka "Aahh..oo nabanggit nga nung anak ko dati na may nagpunta nga daw dun samin at may dala pa yata na t-shirt?" "Oo,yun yung pinagawa namin na sinuot sa reunion natin.." "Haayyss..eh kasi nung time nayun..namamasukan akong kasambahay..kaya wala ako samin parati.." "Thea..Ang ganda mo pa rin..bakas pa din sa mukha mo ang yong ganda.."sabay tawa nito sa kanya.." "Huy! luka ka wag mo nga kong niloloko dyan ha.." "Hindi nga totoo.." muling sambit nito "Bakit hindi ka nalang maghanap ng ibang trabaho?naka college ka ba?" "Oo, under graduate ako eh" "Naku Thea naman..Dami mong pwedeng pasukan na medyo maayos na work..Yung medyo presentable ka..bakit hindi mo subukan yun? I think, pwede ka dun sa pinapasukan nung sister ko hiring sila ng secretary ngayon dun..magsusulat ka lang naman ng mga appointment nung boss nila..tatanggap ng mga calls nung client kaya mo yun kasi college level ka naman,and take note tumatanggap sila kahit undergrad.basta masipag and willing to learn sa mga trainings nila..ano gusto mo ba?" Oo..gusto nga ba ni Thea?gusto nga ba ni Thea na maulit sa kanila ni Rommel ang nangyari dati?? Bigla nalang naalala ni Thea ang mga nakataob na silya sa kanilang bahay..Ang mga kalat kalat na mga plato sa kusina at naka sabog na mga damit.. "Ha?Anong nangyari dito?" tanong niya kay Rommel "Anong nangyari?at ikaw anong nangyari sa mukha mo ha? bakit naka make-up ka pang babae ka ha? sabay sabunot nito sa kanya.. "Aray!ano ba? nasasaktan ako! ano ka ba?" sabay tulak nya sa lalaki.. "Pwede ba kong pumasok sa opisina na mukhang hindi naghilamos? pwede ba kong pumasok na nakapambahay?" "Bakit insurance lang naman ang tinitinda nyo ha?siguro gusto mo lang mapansin ka at may lumigaw sayo dun noh?" "Hoy Thea! dati ka ng maganda kaya wag ka ng magpa ganda!" sabi nito na halos madinig na ng mga kalapit bahay ang boses sa lakas nito.. "Umalis ka na sa trabaho nayan at ako nalang ang magtatrabaho at kung gusto mo bigyan pa kita ng puhunan.magtinda ka nalang ng kutsinta diyan sa mga kapitbahay..nabusog mo pa ang mga kapitbahay.." "Saka bakit ka ba nagtatrabaho? Hindi pa ba sapat sayo ang paminsan minsang raket ko?" "Paminsan minsan? bakit minsan lang bang hihingi ng pagkain ang mga anak mo?sawa na ko sa pamamalimos sa mga magulang ko..at dinudurog na ang puso ko..sa tuwing tatalikod ako at nakatanaw ang tatay ko habang papalayo ako..dahil ang bunso nyang anak ay nahihirapan bumili ng pagkain..dahil hindi ito ang pinangarap nya sa kanyang anak!" "Nangarap ka pa! eh,bakit ka nagpa buntis! kasalanan mo din yan lahat!" baling nito sa kanya Halos madurog naman ang puso ni Thea sa narinig mula sa asawa..Ganito naman sila palagi kapag nag-aaway..kung maibabalik nga lang ang nakaraan,ay gagawin nya… "Hindi ganitong buhay..naintindihan mo ba ha?" Nanghihina na sya.. Sabay tulo ng luha ni Thea sa magkabila nyang pisngi.. "Rommel..ano bang nangyari? ano bang nangyari satin? bakit? bakit? napakalayo muna? bakit parang hindi na kita kilala?gusto ko..gusto kong makita at makasama ang dating lalaking minahal ko..minahal ko nung high school palang ako..minahal ko at ipinaglaban.." humahagulgol na si Thea.. "Yung lalaking ipinagpalit ko sa lahat at maganda ko sanang kinabukasan.." "Please lang..please lang bumalik ka na..pwede pa naman tayo magsimula muli..Hindi pa naman huli ang lahat..at ayokong sabihin na napapagod na ko, na napapagod na ko sayo..dahil ayokong sukuan ka!" "Mahal mo pa ba ko? mahal mo pa ba ko!" at sa paghagugol ni Thea ay halos hindi na nya namalayan na napaupo na pala siya sa sahig.. Hindi na muling nakaimik si Rommel at nagmamadali nitong nilisan si Thea sa ganung kalagayan..lugmok at puno ng luha ang mga mata… "Napapagod na ko..sambit ni Thea sa mahinang tinig...napapagod na ko.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD