Chapter 5| Prudence and Lucasha

1928 Words
"Pru, stop pulling with the dress!" Luca hissed at me.  I bit my lower lip then looked down at my fingers at the hem of the dress. Gusto ko na sumagot kay Luca at sabihin sa kanya na ayaw ko ng ganito. Nahihiya ako sa pinasuot n'ya sa akin. Sa tingin ko ay masyado pa akong bata para magsuot ng ganitong damit.  Pero alam ko naman na maiinis lang sa akin si Luca, at ayoko na mag-away kami. At nakakahiya dahil nag-effort pa s'ya na bilihan ako ng damit para sa party n'ya. Ayoko naman na isipin n'ya na hindi ako marunong mag-appreciate.  "Na..." I bit my lip. "H-Hindi lang ako sanay sa ganitong damit," mahinang sabi ko.  Narinig ko ang pag-palatak ni Luca.  "Pru naman," reklamo n'ya agad. "You're very beautiful. Hindi ka dapat ganyang kamahiyain. 'Yong iba nga d'yan, ang papangit, pero ang kakapal ng mga pagmumukha na mag-feeling maganda," iritadong sabi n'ya. Na-imagine ko pa ang pag-irap n'ya.  Napaangat ang tingin ko sa kanya nang hawakan n'ya ang magkabilang balikat ko. Binigyan n'ya ako ng nag-aalalang tingin. "Repeat after me," she said with a tender smile. Huminga na muna ako nang malalim bago ako tumango.  "I am Prudence, daughter of Clifford Villamonte," she smiled. Her naughty smile. "I-I am Prudence," I repeated.  She pouted her lips then her brows knotted. "More confidence, babe. Isipin mo na ikaw si Ate Cad." I shut my eyes then I thought of my sister. I took another deep breath then I tried to smile, the way my Ate always does.  "I am Prudence, daughter of Clifford Villamonte," I said, more convincing this time.  "We still need to work with the slight stuttering, pero pwede na 'yan," she smiled.  I bit my lip. Agad na hinawakan ni Luca ang baba ko at hinila ang labi ko paalis sa pagitan ng mga ngipin ko.  She moved her head a little then showed me how to do a confident smile. Sinubukan ko na gayahin s'ya.  "I am beautiful, talented, smart, and kind," she delivered with so much conviction.  I mimicked her but she asked me to repeat it thrice before I satisfied her ears.  "Prudence, you have to believe every word. You have to love and trust yourself," she said then pulled me in a tight hug. "Do you have any idea how much you're worrying me?" My lips quivered. I hugged her then I willed myself not to cry.  Lucasha broke the hug then she tried to lift the mood.  We wore matching dresses. White ang sa akin at red ang sa kanya. Maikli ang palda ng damit. Hanggang kalahati lang ng hita ko. At halos walang tumatakip sa likod. Bagsak ang tela ng damit kaya halos maipakita na ang kurba ng katawan namin.  Luca and I shared almost the same face. Mas mukhang kapatid ko pa nga si Luca kaysa kay Ate Cady. Ang pinagkaiba lang ng mukha namin ay ang kulay ng mga mata at labi. Luca got red cupid-bow lips, while I have pink thin lips. She got pair of amber eyes while I got gray orbs.  Mas matangkad lang ako ng kaonti kay Luca at mas maputi ang balat ko, dahil medyo maputla ako. I got a lighter shade of brown hair compared to her. Pero mas makurba na ang katawan ni Luca kaysa sa akin. Our foreign blood made us look more mature than our real age. We looked almost eighteen. Si Luca nga ay mukhang nasa early twenties na, lalo pa at naka-make up s'ya ngayon.  I let Luca take care of me. Ito ang hiningi n'ya sa akin na regalo sa kanya para sa birthday n'ya. She wants me to be her doll. It's her birthday, pero ako ang mas iniintindi n'ya.  Na-a-appreciate ko naman ang efforts n'ya, pero naiilang lang talaga ako sa sobrang atensyon na binibigay sa akin.  Ever since I was born, I've been the special one. My family loves me dearly. I got everybody's heart. Palagi silang nag-aalala sa akin, at espesyal ang trato sa akin. All because I was born with anophthalmia. I didn't develop eye tissues, so I was born without eye balls.  My family moved to Pittsburgh when I was born to give me proper medical attention. I lived most of my childhood in the hospital, being tested and treated. It was a long process, but all worthy when I reached twelve, and we found a donor that matched my optical nerves.  Kalahating taon pa akong nanatili sa ospital matapos ang eyes transplant ko. At nang tuluyan na akong gumaling ay bumalik na kami dito sa Pilipinas, at sinubukan ko na mamuhay nang normal.  I was enrolled in a normal high school exclusive for girls. At dahil hindi naman ako sanay na nakakakita ako, at nakikisalamuha sa mga tao, takot na takot ako. Nahihiya ako palagi na kumilos at mapansin nila. And I was always picked on because of that.  On my seventh grade, I was on the lowest section. Halos araw-araw akong umiiyak dahil sa pam-bu-bully sa akin ng mga kaklase ko. Mas lalo akong naging ilag sa mga tao dahil doon. Natatakot ako na mapansin nila dahil natatakot ako na sasaktan nila ako.  Kahit kailan ay hindi ako lumaban sa kanila, dahil natatakot ako na mas masasaktan lang ako. At ayoko na mapahamak ako, lalo ang mga mata ko.  Hindi din nakatulong na medyo mabagal ang response ko sa recovery, dahil palagi akong nagkakasakit. Kaonting pagod lang ay inaapoy na ako ng lagnat. Kaya hindi ako masyadong kumikilos. At pinaalam nila Mommy 'yon sa school, kaya medyo special treatment din ako. Na mas kinainis ng mga tao sa akin. Iniisip nila na ang arte-arte ko.  Hinayaan ko na lang sila. Hindi na ako nag-attempt na makipagkaibigan dahil lahat ay galit sa akin. Iniisip nila na malandi lang ako. Na nagpapanggap lang ako na mahinhin at pa-cute lang ako.  I chose to be a wallflower.  Gusto ko na makaramdam ng galit, pero iniisip ko na lang na dapat pa rin na maging thankful ako dahil nakakakita na ako. Minsan, kapag pinapaiyak ako ng mga kaklase ko, naiisip ko na sana ay hindi na lang ako nakakita kung ganitong kapangit lang din naman ang makikita ko. Pero kapag naiisip ko ang mga sakripisyo ng pamilya ko, nagagalit na lang ako sa sarili ko, na naisip ko 'yon.  On my third month on school, my parents decided to transfer me on other school. RUA-HS. Pinakiusapan nila na ipasok ako sa parehong section kung nasaan ang mga Vergara. Ang sabi ni Mommy ay ang magpinsan daw kasi ang ka-edad ko na anak ng mga kaibigan nila.  I met Nixon ang Artamiel Vergara. Sila 'yong sinabi ni Mommy na mag-babantay sa akin para hindi na ako ma-bully.  'Yong inakala ko na magiging normal na na buhay ko, mas lumala pa.  They were like campus celebrities. Madami ang humahanga sa kanila. Sa class namin, sa ibang sections, at kahit sa higher grades pa. At dahil palagi akong nakadikit sa kanila, palaging may mga nagpaparinig sa akin. Naiinis at sinasabi na nagpapanggap lang ako na mahinhin para lumandi, para protektahan ako ng mag-pinsan.  I always find myself crying in one of the restroom cubicles. Wala akong ginagawang masama sa kanila, pero lahat sila ay galit sa akin.  Napakislot ako nang pumitik si Luca sa harap ko.  "Pru, it's almost time," she grinned at me.  Tumango na lang ako sa kanya at sumunod na sa paglabas n'ya ng silid.  "Uhm, what can you say about Artamiel?" Luca asked while we're walking down the hallway of the clubhouse. Sa backyard pool area gaganapin ang party ni Luca. Nang sumilip ako kanina sa bintana ay nakita ko na may ilang mga bisita na.  Naramdaman ko ang mabilis na pagtalon ng puso ko sa tanong n'ya.  "O-Okay naman," sagot ko sa tanong n'ya.  Lie.  "I like him," Luca announced.  Pinili ko na hindi na lang kumibo d'on.  Pinagpatuloy ni Luca ang pagbanggit ng mga bagay tungkol kay Artamiel hanggang sa makababa kami. Sinalubong kami ng Mommy n'ya at nagbilin lang bago umalis. Para daw mas ma-enjoy ni Luca ang party.  Liberated ang pamilya ni Luca. Probably because they spent most of their lives abroad.  Luca's a wild, carefree party-goer. But I am not judging her and her way of living. She's just living her life to the fullest.  Minsan ay naiisip ko na gusto ko na maging katulad n'ya, pero alam ko naman na hindi ko kaya. I don't have the confidence.  "Luca," nag-aalangan na tawag ko kay Luca. Palabas na s'ya ng sliding door papunta sa pool area nang pigilan ko s'ya.  "Yes?" she showed me her bright smile. Mukhang excited na s'ya sa party.  "Can I stay on the room? I am not comfortable mingling with too many people," I asked with a shaky voice.  She sighed then caressed my arms. "Consider this as your party as well. Mamayang twelve, birthday mo na din naman. At saka paano ka naman masasanay kung hindi ka susubok? Come on, Pru. At least try to enjoy this," she gave me an encouraging smile. "If you want to stay on the room, I'll stay with you. Gusto mo ba na i-ditch ko ang sarili kong party?" pagbabanta n'ya. Wala na akong nagawa nang hilahin na n'ya ako.  Napipilitan akong ngumiti sa tuwing may babatiin si Luca na bisita at ipapakilala n'ya din ako. Hanggang sa pumanhik s'ya ng stage ay sinama n'ya pa ako. She announced that this is a party for the both of us.  After telling the guests to enjoy, she excitedly pulled me in a direction. Halos hindi na nga n'ya pansinin ang mga nakakasalubong n'ya na bumabati sa kanya. "You came!" she beamed when we stopped in a table.  The boys' eyes lifted on us.  "Happy birthday, Luca," Nixon rose from his seat then kissed Luca on her cheek then handed a box to her. His dark pair of eyes shifted to me. I sucked in my breath as I exchange serious gaze with him. Nixon's indifference always intimidates me. It never failed. Tinitignan n'ya pa lang ako, nanliliit na ako. He's a man of few words, but his intellect intimidates everybody. Kahit ang mga teacher namin ay intimidated sa kanya.  Since I got him on my side, wala nang nang-bully sa akin. Nobody wants to be on his bad side.  "Prudence," he gave me a small smile. My heart did a somersault with that smile.  My eyes dropped on the rectangular box he's handling me.  "It's almost your birthday," he said then slightly shook the box on his hand.  I slightly jumped when Luca nudged at my side. Nanunuksong tinignan n'ya ako.  "T-Thank you," nahihiyang tinanggap ko ang bigay ni Nixon.  Medyo natutuliro pa ako nang malambing na humagikgik si Luca.  "Where's my gift?" she asked while eyeing Artamiel flirtatiously.  Artamiel flashed his sexy grin.  He's only fourteen, but he acts as if he's older.  "I am the gift, babe," he winked then placed his hand on my cousin's waist.  It's the second time I've seen him this flirty. The first was this afternoon, when he winked at Luca. He was always sweet, and friendly, but never this flirty with anyone.  And it's confusing. What's the real him? Artamiel is an enigma. He's a multiple personality on a single body.  I never guessed the real one.  At mukhang ako lang ang bothered sa pagiging complex n'ya. Because he's giving out what's expected on him. Kung ano ang gusto mo na s'ya, iyon ang ibibigay n'ya sa'yo.  And it's... disturbing. At least, for me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD