Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon. "Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod. "Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit. Ang babaeng iyon! Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer! Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na ma

