Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam. Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito. Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito. "Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya. Kaagad naman

