Hindi malaman ni Izzy kung dapat ba siyang matuwa na kahit paano ay hinayaan siya ni Seth na makipagsaya sa mga kasama nila sa resort na iyon o malungkot at matakot dahil hinayaan man nga siya nitong makisali sa kasiyahan ay halos tunawin naman siya sa talim ng titig nito. Ano ba ‘yan kasi, Izzy… Mukhang napasama pa ngayon ang kaartehan mo… Tahimik niyang sermon sa sarili saka napa iwas ng tingin kay Seth na ngayon ay abala sa pag simot sa laman ng bote ng beer na hawak nito habang nakikipag usap sa mga investors nito. “Izzy, hindi ka mag i-enjoy kung uupo ka lang diyan, why don’t you jump in the water and join us.” Agad nalipat ang atensyon ni Izzy sa matinis na boses ng babaeng hindi niya na matandaan ang pangalan, kasalukuyan itong nasa pool kasama angn apat pang babaeng hindi niya

