Agad nangunot ang noo ni Izzy nang pag balik niya sa kanilang cottage ay wala siyang naabutang tao doon, nag tataka pang inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng bahay ngunit ang mga pader na gawa sa kawayan lamang ang sumalubong sa kanya. “Nasaan sila?” Tanong niya sa sarili saka napakamot sa ulo, nag tataka man ay nakuha niya pa ring dalhin sa kusina ang dalang cake na sana ay para kay Seth. Nang maiayos niya iyon ay agad niya ring iniwan para sana kumuha ng tubig na maiinom. Ngunit sa kanyang pag ikot ay agad rin siyang natigilan kasabay ng malakas niyang sigaw nang may makisig na brasong yumakap sa kanyang baywang. “Seth! Bakit ka ba nang gugulat?” Bakas ang inis sa tinig na tanong niya rito, inis na agad rin namang nawala nang matamis itong ngumiti saka siya hinalikan sa labi. “P

