Araw ng lingo. Abalang nag hahanda si Izzy para sa pagkikita nila ni Carl mamaya. Napilit rin kasi siya ng kanyang best friend na sa halip na lumabas sila at mag gala ay doon na lamang sila sa bahay ng magulang nito mag punta. Kasama na sa pag pilit sa kanya ang mga kapatid nitong sina Andrea at Margaux. Pwede niya rin daw isama ang kanyang best friend na si Pating, imbitado raw ito dahil isa rin naman si Pating sa mga dapat niyang pasalamatan at makasama bago ang alis niya sa susunod na araw. Hindi na rin nagawa pang tumanggi ni Izzy lalo at nasabihan na raw nina Andrea ang nanay ng mga ito maging ang mga katulong na mag handa ng masasarap na pagkain para sa kanila. Dinner ang kanilang ganap sa gabing iyon, isang simpeng kulay puting dress lang rin ang napili niyang suotin, pinaresan

