Minsan pang naging mabagal ang takbo ng bawat araw para kay Izzy. Halos tatlong lingo pa lamang ang lumipas mula noong naayos niya ang mga papeles na kailangan niya sa kanyang pag alis ngunit pakiramdam niya ay tila ilang taon na iyon. Hindi niya na susubukan pang itanggi na kasali na sa dahilan kaya ganoon ay dahil na mi-miss niya na si Seth. Miss na miss niya na ito, sa sobra pa ay halos ang binata na rin ang laman ng kanyang mga panaginip. Sandaling naipilig ni Izzy ang kanyang ulo upang kahit paano ay mapigilan niya ang kanyang antok. Pasado alas onse pa lamang ng umaga at halos kakarating niya lang rin galing sa kanyang raket. Sa halip na matulog na at mag pahinga, heto siya at pilit inaayos ang mga papeles na kailangan niya sa pag alis. Kasama ang passport, diploma, pati na rin an

