“Carl ano ba, saan mo ba ako dadalhin?” Hindi na sinubukan pa ni Izzy na itago ang nararamdaman inis habang pilit na kumakawala sa pagkakahila sa kanya ni Carl, ngunit kahit anong pilit niyang bawiin ang kanyang braso mula sa mahigpit na hawak nito doon ay hinid niya magawa. Ano nga ba naman ang laban niya sa lakas nito? “Izzy, I am not gonna hurt you so will you stop fighting, sumama ka nalang.” Bakas ang pangungunsumi sa tinig na sabi ni Carl bagay na tila lalo lamang nagpa dagdag sa inis niya. “Saan mo nga ba kasi ako dadalhin? Mano bang sabihin mo nalang din sa akin nang hindi rin ako nag tatanong sa iyo, at para hindi mo na rin ako kailangan pang kaladkarin?” Halos mag salubong ang kilay na sagot ni Izzy saka sinaan ito ng tingin nang tuluyang makawala sa pagkakahila nito. Agad

