Tila binagsakan ng langit ang pakiramdam ni Izzy nang pag pasok niya pa lamang sa loob kung nasaan ang party ni Seth ay natanaw niya na ang binata, tila naka kita ng multo ang itsura nito habang matamang tinititigan ang kung sino sa may hindi kalayuan. Walang mabakas na reaksyon si Izzy sa mukha nito maliban sa galit… at pangungulila. Agad nangunot ang noo ni Izzy sa labis na pag tataka, kasabay ng matinding kaba na bumalot sa kanyang puso nang marahan niyang sundan ang tingin nito. Sa hindi kalalayuan, malapit sa isang mini bar, nakita niya ang isang babaeng may pamilyar na mukha, alam niyang nakita niya na ang magandang mukhang iyon. Tulad ni Seth Santiago ay tila nawala na rin sa sarili si Izzy at napatitig na lamang rin sa babae habang pilit na inaalala kung saan niya nga ba ito na

