Araw ng lunes, kakapasok niya lamang sa opisina nang salubungin siya ni Ruby. Medyo hinihingal pa ito nang lapitan siya dahilan upag agad mangunot ang kanyang noo. "Alam mo ba?" Lalo pang lumalim ang pangungunot ng kanyang noo dahil sa tanong nito, mabilis naman siyang umiling saka nag salita. "Hindi, ano ba ang meron? Anong nangyari?" "Si Bryan kasi, hindi na daw papasok. Natanggal daw sa trabaho at ang bagong boss daw mismo ang nag alis sa kanya. Usap-usapan ngayon sa cafeteria. Sinubukan ko namang tawagan, hindi ko naman ma contact, naka off yata ang cellphone niya." Bakas ang pag aalala sa tinig na sabi ni Ruby, napa titig na lamang naman dito si Izzy. Hindi mapigil ang sariling mag isip kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito sa Bryan na iyon. Tinotoo nga ni Seth ang pag t

