Halos ilang liko na lang sa maaliwalas na kalsada ay makakarating nha sila sa kanyang condo ngunit hindi pa rin magawang isatinig ni Izzy ang nag iisang tanong na gusto niyang itanong kay Seth. Tuloy ay hindi niya mapigil ang sariling huwag mapasimangot, isama pang bawat lubak na madadaanan ng gulong ng sasakyan ni Seth ay napapangiwi siya, pakiramdam niya kasi ay lalo siyang nahihilo, isama pang mukhang lalong kumikirot ang kanyang sintido. Hindi tuloy maiwasan ni Izzy na isumpa nang tuluyan ang alak na nainom niya kagabi... Tequila... At ang bagay na kanina niya pang gustong itanong kay Seth? Iyon ay ang huling mga salitang sinabi nito sa kanya kanina bago siya nito layasan sa kwartong pinagdalhan nito sa kanya. And just to make things clear, wala akong asawa. Wala akong asawa...

