“Was that her? I mean siya ba iyong nag sungit daw kay boss kanina?” Agad umikot ang mga mata ni Izzy nang marinig ang mahinang bulungan ng bawat taong daanan niya. “Sinong boss ba?” Tanong naman ng isa pa. “Iyong bagong boss, si sir Seth.” “Ahh oo, siya nga iyon. Alam niyo bang kalat na kalat na ang ginagawa niya?” Lalo pang tumikwas ang kilay ni Izzy dahil sa mga naririnig. Gusto niyang sigawan ang mga ito ng, Nag bubulungan pa kayo eh halata namang trip niyo rin naman na iparinig sa akin. “Ang kapal din ng mukha ah? Galing lang sa New York, akala mo kung sino na. Siya pa ang may ganang mag sungit kay boss ang gwapo kaya non.” Rinig niya pang sabi ng isa, nganing irapan ito ni Izzy nang mapadaan sila sa tapat ng mga ito. Eh ano naman kung gwapo? Kapag gwapo ba, ibig s

